Chapter 48- Tears

4.7K 143 4
                                    

Third Person POV
Naglalakad si Steph, Nathalie at Jheycee papunta sa cafeteria .

Pero bigla syang hinila nila Chris Ann papunta sa Garden kung saan sila madalas tumambay .

Hindi na sya nag taka kung bakit ba sya hinila ng kaibigan. Alam nyang gusto syang makausap ng mga ito.

Alam din naman nya na nakasunod ang mag pinsan na Jheycee at Nathalie sakanila.

Ng makarating sila sa Garden ay binitiwan na sya ng mga ito .

Nakita nya din doon sina John na nakatingin lang sakanila .

"Ano to Steph? San kayo nag punta ? Baket nawala kayo ng isang buwan?" Chris Ann .

"Tsaka ano yung sinasabe nyo na may fiancée ka na? Dalawang buwan ka lang nawala tapos ganito na?" Sunod na tanong ni Ronalyn.

"Tsaka ano ba Steph! Hindi mo ba naisip na nasasaktan si John dahil sa ginagawa mo? Ganyan ka na ba talaga? Wala kang pake sa nararamdaman ng iba? " giit din ni Janrose.

"Hahaha. Ako pa? Ako pa ngayon yung walang pakialam sa nararamdaman nyo?" Sabe ni Steph.

"Put*ng in* naman pala eh. Kung wala akong pakialam sa nararamdaman nyo baket kailangan ko pang isakripisyo ang sarili ko para lang maligtas kayo? Baket kailangan ko pang lumabang magisa kahit na hindi ko na kaya?"

"Gusto ko kayong sumaya kaya ako lumalayo. Ayokong madamay kayo sa gulo ng buhay ko." Sabe ni Steph at tumulo na ang luha nya na kanina pa nya pinipigilan.

Bigla namang nakaramdam ng pag kaguilty sila Chris Ann dahil sa sinabe ng dalaga.

"Pinilit kong mag pakatatag para sainyo. Kahit sobrang sakit na at durog na durog na ko dahil sa mga pinag dadaanan ko pilit kong kinakaya kase ayokong mapahamak kayo.

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon