Chapter 16- Sick

6.9K 193 0
                                    

Stephanie POV
*After 2weeks*
Nag aasikaso na kame para sa pag pasok namen sa school. Late na nga kame eh. Lunes na lunes.

Pano late na din kame nakauwi kagabi dahil sa photo shoot na yan . Model kame remember?

Oo nga pala 2 linggo na simula nung nagkaayos na kame nila John.  Ayun sobrang close na nila Chris Ann sa boys. Close din naman ako sa kanila pero di gaano.

Nasabe na din nila na gangster din kame pero hindi sila naniwala. Akala nila nakikisabay lang kame sakanila kase nga gangster sila. Ang alam lang nila ay marunong kame lumaban for self defense lang.

Pag katapos kong mag bihis ay bumaba na ko. Pag baba ko nandun sila nag hihintay.

Pero wala pa si Paula. Kaya umakyat ulit ako para puntahan sya.

"Hey! Bumangon ka na jan. Late na tayo. "Ako.

Ibinaba nya yung kumot nya dun ko lang nakita na ang putla nya,  nanginginig din sya. Kaya nilapitan ko sya at nilapat yung kamay ko sa noo nya .

"Ang taas ng lagnat mo! Bakit hindi mo sinabeng may sakit ka? Hintayin mo ko jan. Ipag luluto kita. Hindi na din ako papasok para maalagaan kita. "Ako.

"N-no *sniff * I-i can h-handle this. *cough* pumasok na kayo. "Paula.

"No! Anong kaya mo na? Babantayan kita." Sabe ko.

Wala naman na syang nagawa kaya humiga na lang sya ulit. Ako naman ay lumabas para sabihin sakanila na di kame papasok.

"Asan si Paula? "Tanong ni Chris Ann pag kababang pag kababa ko.

"Hindi kame makakapasok. Nilalagnat sya kaya maiiwan ako dito para mabantayan sya. Sige na pumasok na kayo. Ipag luluto ko lang sya. "Sabe ko.

"Wag na din kaya kameng pumasok? Nakakainggit kase si Paula eh. Sya ipag luluto mo." Nakapout na sabe ni Jessica.

Mukang pag kain talaga to kahit kailan. Napabuntong hininga na lang ako.

"Ipag luluto ko din kayo pag uwi nyo. But for now,pumasok na muna kayo sa school. Baka hinihintay na kayo ng mga Prince Charming nyo." Nakangising sabe ko.

Wala silang nagawa ng itulak ko sila palabas kaya napilitang sumakay ng kotse habang nakasimangot.

Tyler POV
Andito kame sa parking lot. Hinihintay namen sila Steph na dumating.

Alam nyo bang simula nung nagkaayos kameng lahat mas naging close pa kame sa isa't isa. At ang masasabi ko lang tungkol sakanila? Mababait sila. Kaso si Steph ay ganun pa din. Cold pa din sya pero pag dating kay John nagiging madaldal.

May dumating na limang magagarang sasakyan. Nang bumaba ang mga sakay nito ay napapanganga kame. Sila Chris Ann pala yun. Ang gaganda talaga ng mga sasakyan ng mga yan.

Pero teka , bakit kulang sila ?

"Asan si Paula "

"Where's Shane?"

Sabay na tanong namrn ni John kaya nag katinginan kame.

"Paula is sick. So, Steph decided na wag na din pumasok at sya na lang ang mag bantay."paliwanag ni Ronalyn.

Tumango na lang kame at pumunta na sa room . Pero hindi ko maalis saken yung pagaalala sakanya.

Pagdating namen sa room nagtaka kame kase inaayos na ng mga kaklase namen yung mga gamet nila.

"Hey! Baket kayo aalis? "Tanong ni Chris Ann.

Nag ning ning naman yung mata nung babae dahil tinanong sya ni Chris Ann. Nakalimutan kong model nga pala tong mga to kaya madaming fans.

"A-ahm! Inanounce po kase na wala daw pong klase kase may meeting daw po yung mga prof. "Sabe nung babae .

Tumango naman sila bilang sagot. Buti naman walang klase dahil dadalawin ko si Paula. Kaso hindi ko alam yung address nya. Matanong nga kela Chris Ann.

Nilapitan ko sila Chris Ann na paalis na sana. Tsaka ko kinalabit ang isa sakanila.

"Tatanong ko lang sana kung saan nakatira si Paula. Gusto ko kasi syang bisitahin eh. "

"Sumabay ka na lang samen. Pauwi na din naman kame eh. Sa iisang bahay lang kame nakatira. "Sabe ni Janrose.

Nanlaki yung mata ko dahil sa narinig ko. Nakita ko din sa gilid ng mata ko na napatingin din samen sila John na nanlalaki ang mata.

"Tara na." Pag aya nila saken kaya sumunod ako sakanila.

Pero di pa kame nakakalayo ng may marinig kame na nag tatakbuhan kaya nilingon namen yun.

Nagulat kame kase sila Nic pala yung tumatakbo. Pati si John nakikitakbo din.

"SAMA KAME!!!!" sabay sabay na sabe nila.

Tumango naman si Chris Ann kaya sumakay na kame sa kanya kanya naming sasakyan at umalis.

____________
EDITED!!!!

CoLd Vs. HotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon