Chris Ann POV
Hindi na kame nag tagal sa ampunan at agad na umalis papuntang Palawan.Si John yung nagdadrive. Habang si Steph nasa passenger seat. Si Lei (Nic)yung katabe ko sa right sa left ko naman si Ronalyn tapos sa right nya si Alex. Sa likod namen si Janrose, Kenneth,Paula at Tyler ang magkakatabe. Sa pinakadulo Sila Keith, Austine, Jessica, at Grae.
Maya maya biglang pinahinto ni Steph kay John yung sasakyan.
"Ako na mag dadrive. Nagugutom na ko. "Sabe ni Steph.
Nanlaki naman yung mata namen nila Ronalyn. Hindi sya pwedeng mag drive. Baka hindi na kame makarating sa Palawan ng buhay. Lalo pa at gutom sya. Pag drive-in mo na sya kahit anong oras, wag lang pag gutom sya. Sobrang bilis nya kaseng mag patakbo ng sasakyan.
Bago pa namen mapigilan si Steph nakasakay na sya sa drivers seat. Napakapit naman ako kay Lei kaya napatingin sya saken na may pag tataka. Hindi ko na lang yun pinansin at pumikit na.
"Waaahhhh!!! Lord. Wag mo kameng papabayaang mamatay. Sana makarating pa po kame sa Palawan ng buhay.Promise po mag papakabait na ko. Gusto ko pa pong mabuhay ! Gusto ko pa pong makita si Jungkook at V ng BTS! "Malakas na sabe ni Ronalyn.
Lalong nagtaka sila Lei dahil sa sinabe ni Ronalyn. Napatingin naman samen si Steph sabay ngumisi. Napalunok naman ako dahil sa pag ngisi nya at alam kong ganun din sila Ronalyn. Inistart na ni Steph yung van at pinaandaar nya na yun. Lalong humigpit ang hawak namen sa boys.
"WAAAAAHHHHH!!!! STEPHANIE SHANE! LAGOT KA SAMEN PAG BABA NATEN DITO! "Kameng mga girls habang yung boys nanlalaki yung mata.
Alex POV
Nagtaka kame kase parang takot na takot yung girls nung sinabe ni Steph na sya yung mag dadrive. Kahet si Lyan(Ronalyn)napakapit saken. At alam kong ganun din yung ginawa ng ibang girls."Oyy! Lyan! Baket ka ba kumakapit saken? "Sabe ko.
"Malalaman mo din mamaya Andrei (Alex)."sabe nya.
Pinaandar na ni Steph yung sasakyan at ganito ang naging itsura nameng mga lalake.
O____________O
Si Steph kase sobrang bilis magpaandar ng sasakyan. Lahat ng nadadaanan namen blurred na eh. Pati si John na nasa passenger seat nagulat at biglang ng seat belt eh. Na usually hindi nya ginagawa.
Yung girls naman sumigaw kanina pero ngayon tahimik na pero ang higpit pa din ng kapit samen.
Tiningnan ko si Lyan. Namumutla sya tapos nakapikit. Ewan ko ba kung anong meron saken. Pero bigla ko syang niyakap. Napamulat naman sya at nagtatakang tumingin saken.
"Wag kang matakot. Andito lang ako. "Sabe ko at hinigpitan ang yakap ko sakanya.
She smile and she hugged me back. Pumikit na din sya.
"Thank you. "Sabe nya pero nakangiti pa din.
*dug.dug.dug.dug.*
A-ano yun? Baket ang bilis ng tibok ng puso ko? Nag thank you lang naman sya saken. Na first time nyang ginawa dahil nga lagi kameng nagaaway. Pero ang babaw naman kung dahil lang sa nagsabe sya saken ng thank you.
Baka dahil lang sa kaba. Kase ang bilis mag patakbo ni Steph ng sasakyan at baka madisgrasya kame. Tama yun nga. Wala ng iba.
Bigla kameng tumigil sa isang restaurant. Napatingin naman samen si Steph nung parang hindi kame kumikibo.
"Oh? Anyare sa itsura nyo? Baket ang puputla nyo? "Tanong nya pag kahinto ng van.
Hindi namen sya pinansin at nag uunahan na kameng bumaba ng van at napasalpak sa kalsada.
"N-nasa langit na ba ako ?"
"B-buhay pa ko?"
"N-naiwan ata yung kaluluwa ko."
Sabe namin habang nakasalampak pa din sa sahig. Si John nakasandal sa van at tulala, si Grae nakadapa sa kalsada na parang niyayakap ito.
Nakita namen si Steph na nakatayo sa harapan namen habang nakakunot yung noo na nakatingin samen.
"Ano bang nangyare sa inyo? Mag sitayo nga kayo jan, para kayong mga tanga."Sabe nya sabay alis.
Pero napahinto din ng maramdaman nyang hindii kame nakasunod sakanya. Kaya nilingon nya kame.
"Ano pa? Hindi pa kayo tatayo jan? Nagugutom na ko. Pag di pa kayo tumayo ako ulit ang mag dadrive mamaya. Pabor saken yun, para mas mabilis tayong makarating sa Palawan. Good idea! Ang talino ko talaga. Sige jan na kayo. Kakain lang ako. Hintayin nyo na lang ako jan."Sabe nya.
Biglang nanlaki yung mata namen sa narinig naman at sabay sabay kameng tumayo at tumakbo papasok ng restaurant.
Ayaw na naming si Steph ulit ang mag drive. Baka tuluyan na kaming mamatay.
_________
EDITED!!!!
BINABASA MO ANG
CoLd Vs. Hot
ActionHighest rank achieved: #16 in Action ________ There's a happy go lucky girl that change her self because of what her been through. She choose to be strong, cold and fearless to hide her true feeling. Even she change a lot, the only thing that she ca...