Lucia Vienne Norixe-Astrid
Palakad lakad ako ngayon sa kwarto namin, tsk!
"Mommy! Sige na!" Pag pilit sakin ni Lianna.
"NO. We need to go Vienne." Natahimik si Lianna sa lamig ng boses ni Viex. Marahan kong siniko si Viex at binulungan.
"Magsorry ka."bulong ko.
"Tsk! at bakit naman ako magsosorry?" Inirapan ko sya dahil sa ka childishan nya.
"Alam mo Viex. Para kang bata! Simpleng sorry lang sa anak mo hindi mo magawa."
Ganito kasi yan. Gusto ni Lianna na sumama kay Von sa mission nya. And our answer is NO! Bakit naman namin sya ipapasama ni Viex eh hindi naman sa nilalait ko sarili kong anak pero..may pagkatanga pa naman 'tong si Lianna.
"Bahala ka nga dyan! Hindi na kita papansinin kahit kailan. Manigas ka dyan Viex!" Mag wawalk out sana ako pero pinigilan ako ni Viex.
"M-mag sosorry na.."Ngumisi ako at tinulak sya pabalik sa kwarto ni Lianna. Sabi ko na nga ba, hindi nya ako matitiis.
Viex Daniel Astrid
Naisahan ako dun ah! Tsk. Alam naman ni Vienne na hindi ako anghel para magsorry at magpakabait sa anak namin..pero..urgh!
Pumasok ako sa kwarto ni Lianna. Nakita ko syang nasa bintana at umiiyak. Tss.
"L-lianna.."Lumingon ito sakin at pinahid ang luha.
"Dad..s-sorry.."Nilapitan ko sya at hinawakan sa pisngi. Bakit ba kasi hindi ko naging kamukha si Leanne at Lianna?
"Shh...s-sorry kanina baby ah? Hindi sinasadya ni Daddy. Wag ka na kasing makulit, Okay?" Marahan itong tumango.
Nakahinga ako ng maluwag at nginitian sya.
"Anong Iniiyak-iyak ng tangang 'yan Daddy?" matalim kong tinignan si Leanne, napakatulis talaga ng dila.
"Shut up Leanne." Nasabi ko nalang at tumayo na. May kailangan pa kaming asikasuhin ni Vienne.
Lucia Vienne Norixe-Astrid
Habang hinihintay ko si Viex ay biglang dumating si Von.
"Ang bilis mo ata Von. Nahanap mo na?" tanong ko.
bumuntong hininga sya at tinignan ako. "Nawala ko yung picture." simpleng sagot nya.
hindi ako sumagot, hinihintay ko ang susunod nyang sasabihin. "At nalaman ko rin palang..hindi Emerald Greeden ang pangalan nya." Kumunot ang noo ko.
" Pano mo naman nasabi yan Anak?"
"Dahil ang Emerald Greeden na 'yon ay 50 years ng patay. Hindi pa po kayo nabubuhay ni Dad ay matanda na ito kaya impossibleng ang bata sa litrato ay nag ngangalang Emerald Greeden."
Napaisip ako. Bakit nya kailangang itago ang pangalan nya sakin kung gusto nya---or should I say..na sya ang susi para matapos lahat ng nangyari sa nakaraan?
"I failed Mom..I'm sorry." Umiling ako.
"It's okay Von." Wala sa sarili kong sabi dahil sa iniisip ko ngayon.
Sino ba talaga ang batang 'yon?
_______________________________________
Sorry sa late na UPDATE. Nasira kasi yung phone ko at hindi ko alam kung kailan papalitan ni papa. Kaya siguro every week nalang ako maguupdate or what?? I'm not sure guys. Sana Hintayin nyo ang pagbabalik ko.
Vote and Comment.