Leanne Danielle Astrid
Nanlulumo akong naglalakad sa hallway. Bakit ba ayaw nilang maniwala saakin? Mukha ba akong nagbibiro sa mga sinasabi ko?! Feeling ko talaga walang naniniwala sa mga pinagsasasabi ko!
"Leanne! Bakit ka nandito?" tanong sakin ni Lianna.
Nandito ako sa tapat ng classroom nila. Kailangan ko syang makausap.
"Kailangan kitang makausap." Sagot ko.
"Bakit? Tungkol saan?" Tumabi si Lannie kay Lianna at tinignan ako.
"Nandyan ka pala Leanne!" Hindi nya talaga ako nakita dito?
"No. Picture ko lang 'to. Don't mind me!" pilosopong sabi ko sa kanya. May atraso pa sya sakin! Pagkatapos nyang magalit at sigawan sigawan ako tapos gaganyanin nya ako? Nag hahanap ba sya ng sakit sa katawan?
"Sabi mo eh..Lianna halika na!" Hinawakan ko ang braso ni Lianna.
"Kailangan nating mag usap!" sabi ko.
"Late na ako Leanne..mamayang uwian nalang okay?" Hindi na ako nakatiis.
"KAILANGAN nating mag usap!!" sigaw ko kaya napatigil ang mga stupido at stupidang mga studyante at pinagbulungan ako.
"Hindi ba, suspended si Leanne?"
"Oo. Dalawang linggo daw.."
"Anong gingawa ng bad ass na yan dito?"
"Buhay pa pala yan?"
Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa mga narinig ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako ganito dati? Binatawan ko ang braso ni Lianna, baka malaman pa nyang nanginginig na ang kamay ko. Nag iwas ako ng tingin, feeling ko sinasaksak ako sa mga bulungan na mas lalo pang rumami dahil sa kinikilos ko.
May biglang humawak sa braso ko at bigla akong nawala ako sa hallway.
---
pagkadilat ko nakita ko ang ground ng school namin. Sino nagdala sakin dito?
Tumingin ako sa may hawak ng braso ko. Singkit, maputi, at gwapo. Sino ba to?
Binawi ko ang kamay ko at tumingin sa kanya. "Bakit mo ako tinakas dun?" Nagkibit balikat sya at umupo sa bench.
"Gusto ko lang.."simple nyang sagot.
"Ngayon lang kita nakita dito ah..transferri ka?"tanong ko.
"Obvious ba?" Kitang kita ko sa mukha nya na ayaw nya dito.
"Bakit ayaw mo dito? Masaya dito.." Sabi ko.
"Hmm..sabihin na nating..ayoko ng nandito ako. Mas gusto ko pang mamatay kaysa malayo sa taong mahal ko..pero nagkamali ako, nandito rin pala sya." Tumingin sya sakin at ngumiti.
Tumabi ako sa kanya," Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.
"Im Lincon. Lincon Saints."
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lincon Saints on the multimedia.