Chapter 7: Lianna, my twin.

688 25 0
                                    


Von Lexius Astrid


magisa akong naglalakad sa hallway. Sising sisi ako! Mula pagkabata ko ay gumagawa na ako ng mga mission at kahit kailan ay hindi pa ako nabigo. Pero ngayon..nabigo ako. Kating kati akong malama kung bakit pinapahanap ni Mommy yung bata. Sino ba talaga yung bata na 'yon? Anong connection ni mommy sa batang kamukha ni Leanne?


"Von." Nabalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni Sunny.


"Bakit?"


"Tapos mo na yung mission mo?" napa tss ako. 


"Bakit mo pa kailangang tanungin eh kung alam mo naman yung sagot?"


"Sa tingin mo ba tatanungin pa kita kung alam ko naman ang sagot?" Barado ako pagdating sa kanya. Ewan ko ba! Simula ng nag 4th year highschool ako at naging school mate ko sya at lagi na syang hinahanap-hanap ng mga mata ko. Lagi ko syang sinusundan at pinipicturan ng patago.


Ang sabi nina Zian, in love daw ako. Impossible! eh napaka lamig nga nitong si Sunny tapos bihira lang nya akong pansinin. 


"Barado ka nanaman. Tss." paalis na sana sya pero pinigilan ko ito. 


"What?!" Napalunok ako ng marinig ko sa boses nya na naiirita sya sakin.


"P-pwede ba tayong mag lunch?" yaya ko.


Lianna Dasherin Astrid


"Leanne..." Tinaas nya ang isang kilay nya at tinignan ako.


"What?"


"M-may itatanong sana ako sayo." Lumapit ako sa kanya at umupo. Kasalukuyan kasi syang nagbabasa ng magazine. 2 weeks syang suspended kaya hindi ko sya kasama kaninang pumasok.


"Siguraduhin mong may silbi at kwenta 'yan kung hindi.." Binilog nya yung magazine"Ipapakain ko 'to sayo." Malamig nyang sabi.


"Hindi ka pa ba magprapractice?" Bahagyang kumunot ang noo nya at nilipat ang magazine sa kabilang pahina.


"Practice saan?" 


"Malapit na maganap ang examination natin. Kailangan nating magpalakas." sabi ko.


"Magpractice ka mag isa mo."


"Leanne naman eh! Hindi pwedeng puro makeup at magazine lang ang hawak mo. Kung may ganda ka, dapat may utak at lakas ka rin." Nilapag nya ang magazine sa lamesa at malamig akong tinignan.


"Nakikita mo 'to Lianna?" Naglabas sya ng air bomb sa kamay nya at binaling ang tingin ulit sakin.


"tatama ito sayo kung hindi mo ititikom 'yang bibig mo." Kinuha nya ulit yung magazine at back to normal again. Para nanaman akong hangin.


"Leanne." Tumayo sya at matalim akong tinignan.


"Ano bang kailangan mo?!" sinigawan nya ko.


napayuko ako dahil sa lakas ng sigaw nya. "W-wag ka namang sumigaw Leanne." Hindi sya sumagot. Tinignan nya lang ako na para bang hinihintay nya lang na magsalita ulit ako.


"Bakit ba nagkakaganyan ka?" tumulo ang luha ko. Hindi ko na kasi matiis na magtanong sa kanya.


Ngumisi sya at tumingin sa malayo. Marahan ko syang tinulak. "sumagot ka!" paos kong sigaw sa kanya. Hindi lang sya ang marunong sumigaw!


"K-kambal mo ko pero bakit feeling ko parang hangin lang ako sayo?!" Sigaw ko 


"Tinatanong pa ba 'yan Lianna?" Nagulat ako sa sagot nya.


"Magkaibang magkaiba tayo. Kung sa buhay ng tao. Ikaw ang anghel at ako ang demonyo. Naiintindihan mo na ba?" Umiling ako.


Nilagpasan nya ako pero hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya. "Hindi ka naman ganyan dati Leanne!" umiling sya.


"Anong nangyayari dito?" singit ni kuya Von.


Dahan dahang lumapit sakin si Leanne. Wearing her cold stares and like a gangster walk? NAKAKATAKOT.


"Lianna, my twin. Hindi lahat ng nakaraan ay kailangan mo pang balikan. Eto ako ngayon. Kung talagang kakambal mo ako, tanggapin mo kung ano ako."Lumabas sya ng kwarto at padabog isinara ang pintuan. Nagcross arms si kuya at tinignan ako na para bang nakapatay ng tao.


______________________________________________


Hi! vOTE AND COMMENT

Book 2: Battle Of The ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon