Chapter 33: Goodbye

572 17 0
                                    

Leanne Danielle Astrid

"Mama!" Agad na tumakbo si Lianna
pwestong pinaglahuan ni Mama kanina. Humigpit ang hawak ko sa espada ko. Tsk. Pano na 'yan? Walang malay si Daddy at lahat ng studyante at tao dito ay kung hindi patay, itinago nina Lincon. Hindi ko alam kung saan nila itinago ang mga tao sa bayan malapit dito. Sa tingin ko'y sa underground.


"Tapos na ang laro Leanne. I think dapat pinasalamatan ka pa ng nanay mo eh. Kungdi dahil sayo, matagal na dapat syang patay at nakapag higanti na ako! Pero umepal ka Leanne eh. Nasa future ka na nga, hindi ka pa mapakali. Sila ang present noon Leanne, kayang kaya nilang baguhin ang kapalaran nila. Tanga tanga ka Leanne." Lumunok ako at nanatiling tahimik. Wala akong masabi. Tanging hikbi lang ni Lianna at ang paghinga nina Lincon ang tanging tunog na naririnig ko.

"Nasapol ba kita Leanne? Hmm. Kawawa ka naman. Eh kung sumama ka nalang saakin para maghiganti---" Dun ako nagsimulang magalit at naglakas loob na magsalita na.

"At ang lakas din ng loob mong sabihin kung ano ang dapat kong gawin. Mas magaling ka pa sakin ano? Kahit kailan, habang buhay ako. Hinding hindi ako gagawa ng katarantaduhang bagay tulad ng pakikipagkampi sayo." Demonyong tawa nanaman ang lumabas sa bibig nya. Ang sarap punitin.

"Papatayin.Kita.Cia" mahinahon kong sabi pero nabigo ata ako dahil tumawa nanaman sya ulit.

"Iba ka na Leanne. Pinipigilan mong magalit! Haha. Pero bago 'yan, pagpahingahin muna natin ang knight and shining armor mo." Nakarinig ako ng isang pagbagsak sa lupa. Pagkalingon ko, nakita kong nakabagsak sa lapag si Lincon at wala naring malay. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa espada ko. Nangigigil na ako at gusto ko ng ibaon sa bungo 'to ni Cia.

Kinuha niya si Mommy dahil gusto lang nya maghiganti! Fvck that Cia Washington! Tinignan ko si Lianna. Nakayuko sya habang rinig na rinig ko parin ang hikbi. Tumingin din ako kay Daddy na walang malay. I wonder if he already know about this, he can see the future remember?

"Wala kang utang na loob Leanne. Kung hindi dahil sakin, wala dapat Leanne Danielle Astrid!" Ngumisi ako. Alam ko na ng punto nya.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at malamig ko ding tinititigan ang bawat kilos nya. Nakitaan ko sya ng konting kaba pero agad din nawala 'yon. Tumabi ako kay Lianna na ipinagtaka nya.


"Hindi ako tumatanaw ng utang na loob, Cia. Tulad mo, gusto ko rin ngayong gumanti. Buhay ang kinuha mo.." Inihanda ko ang espada ko at itinago si Lianna sa likod ko. This will be a great fight. Paalam.

"Kaya buhay din ang kapalit." Agad akong tumakbo sa kay Cia at hinampas sya ng espada ko pero nasupresa ako dahil may espada din pala syang dala. Tunog ng espasda lang ang maririnig sa buong groud.

Bigla nya akong nahiwa sa kamay kaya nabitawan ko ang espada ko. Oo aaminin ko. Hindi porket ako ang battle queen ay hindi na ako natatalo. All shits do mistake a thousand times a day.

Kahit na mas bata ako kay Cia ay malakas talaga siya at magaling sa pakikipaglaban.


Naglabas ako ng hurrcanes at pinalibot ito sa kanya pero agad itong nawala. Fuck. She's really good in manipulating her dark magic.

Nakita kong may hawal sya na dark ball kaya gumawa ako ng shield para protektahan si Lianna. Mamatay na ako wag lang si Lianna.

"Tigilan mo na ang kalokohang ito Cia!" Sigaw ko habang patuloy na gumagawa ng dipensa sa mga dark ball na binabato ni Cia. Nahihirapan na rin ako dahil sa sugat na natamo ko sa aking kamay.

Nagpakawala ako ng tubig sa aking kamay at tinabunan si Cia pero agad din siyang nakabawi at nakalabas sa water ball na ginawa ko. Wala akong laban dito.

Gumawa ako ng espada na gawa sa kidlat at binato ito sa direksyon ni Cia pero tawas ito. Shit. Lianna's good with this. Dapat siya nalang ang pinabato ko nito.


I made an bombs made from fire. Binato ko 'yon kay Cia at maswerte ako dahil natamaad sya sa may bantang binti kaya nagkaroon ito ng second degree burn.

"Ahhh! Urghh! H-hahaha! Akala mo matatalo mo ako sa mga ganyan mo? Ha! Ako parin ang pinakamalakas!" Suminghal ako.

Ginalaw ko ang mga halaman at itinali ito sa paa ni Cia. May sinabi siyang kung ano man 'yon at bigla nalang sumugod sakin ang mga halaman. Pinatamaan ko sila ng kidlat  kaya napatay ko din ang lahat.


Biglang kumirot ang kamay ko. Oo nga pala, may sugat ako.


"Leanne! Palabasin mo ako dito!" Tumingin ako sa direksyon ni Lianna. Pinupukpok nya ang shield na ginawa ko para sa kanya. No. Ako ang lalaban kay Cia.

Pinulot ko ang espadang hawak ni Lincon. Nagteleport ako sa likod ni Cia pero dahil mabilis ang reflexes nya, nailagan nya ang espada ko.


Nilabas nya ang espada nya at sinugod ako. Sinugod ko rin sya at parehas naming nasaksak ang aming sarili.

Lianna Dasherin Astrid

Sumigaw ako habang pinupukpok ang  shield na ginawa ni Leanne. Nasaksak nila ang isa't isa pero si Cia, sa braso lang at nahiwaan lang ito. Nasaksak si Leanne sa bandang tiyan.

Biglang nawala ang barrier kaya tumakbo ako agad sa pwesto ni Leanne. Nakakagulat pero maayos parin siyang tumayo at hindi iniinda ang sakit mula sa nakasaksak sa kanyang tiyan na espada. She's really brave.

Mula sa pulang dugo at naging itim ito. Lumaki ang mata ko at nag alalang tumingin kay Leanne. Napahiga ito sa sahig kaya sinalo ko ang ulo nito ang nilagay sa lap ko.



"Leanne!*sobs* lumaban ka!" Umiiyak kong sabi sa kanya. The black blood means, nahaluhan na ng lason ang buo mong katawan. That sword has a poison.

"R-remember nung aràw ng training natin? I saved you kasi alam kong maraming nagmamahal sayo." Umiling ako habng pinapahid ng luha ko.

"No Leanne. Maraming nagmamahal satin. So please don't leave us..." I trailed off


"Please don't leave me." Halos bulong kong sabi.

And for the very first time. Nakita kong umiiyak ang isang Leanne Danielle Astrid. She's crying.

"N-naalala mo noong mga bata pa tayo Lianna? I- i can't promise you na lagi tayong magkasama dahil alam kong darating ang araw na iiwan kita...a-at ngayon ang araw na 'yon." Lalong lumakas ang pagiyak ko. At humigpit ang hawak ko kay Leanne. Nawala na si Mom at ayaw ko namang mawala rin sya.

"P-pasensya na dahil hindi ako naging mabuting kakambal sayo. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para protektahan ka, pero dumating na ang tamang panahon Lianna. Kailangang ikaw na ang magprotekta sa sarili mo ngayon..." Magsasalita pa sana ako pero huli na ang lahat. Unti unti ng pumikit ang mata ni Leanne kasabay ng pagilaw niya papunta sakin. Naramdaman ko ang unti unting pagbabago sa sarili ko.

So it's me. Ako si Lianna. At si Leanne ang half. Kinuyom ko ang palad ko. Naalala ko pa ang huli niyang sinabi bago sya pumikit.

"Always Remember this Lianna. Mahal na mahal ka ni Ate."

Gusto kong bawiin lahat ng masasamang sinabi ko tungkol sa kanya. Masyadong naging masama ang tingin ko sa kanya at kahit kailan ay hindi ko siya napagisipan na may kabaitang taglay pala sya.

Nakarinig ako ng kaluskos at gilid ko. Nakita ko si Cia na nakaluhod habang hawak ang sugat niya. Biglang dumilim ang tingin ko at sinugod siya gamit ang espada ko. Lalaban pa sana siya pero huli na ang lahat. Pinugutan ko siya ng ulo. At sapat na 'yon para mapatay ko siya.

Lumiwanag na ang paligid at nagkaron narin ng malay sina daddy. Binitawan ko ang espada ko at malungkot na tumingin sa kalangitan.


Finally. It's over.

Book 2: Battle Of The ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon