Cia Washington
Natatawa ako habang kalaro ang sarili ko ng chess. Tulad sa realidad, naglolokohan lang tayo. Isang madaya, isang naglalaro ng patas. Hindi ako mamatay, habang buhay ko silang pahihirapan.
Biglang bumukas yung pintuan kaya itinigil ko ang pagtawa ko at tumingin sa kanya.
"Anong kailangan mo, Stephanie?" Bigla syang lumuhod sa harapan ko. Parang alam ko na 'to.
"C-cia! Ayoko na. Sawang sawa na akong magkunwaring si Queen Ciara! Araw araw kong pinapahirapan ang mga kaibigan ko pero hindi ko na talaga kaya----" Pinutol ko sya.
"Sa tagal mong nagkunwari ngayon ka pa susuko?! Ngayon ka pa susuko kung kailan malapit ng matapos ang laro?! Wala kang kwenta!" Ibinuka ko ang palad ko ang binatuhan sya ng apoy. Ngumisi ako habang naririnig kong umiiyak sya at iniinda ang sakit.
Simula nang palihim syang kumampi saakin ay kinuha ko ang kapangyarihan nya gamit ng aking itim na mahika. Sa isang daan at dalawangpung taon kong paninirahan sa Aesthra Kingdom( Ang tawag sa aking kaharian) alam ko na darating ang araw na mapapasaakin ang Ariessienne Kingdom.
Pina-ikot ko lahat ng tao sa buong Arriesienne Kingdom. Gamit ang aking kapangyarihan, pinatay ko ang isang Luke Psyche Norixe at Ciara Bien Norixe nang maipanganak nya ang kaisa isa nyang anak at gamit ng mga kawal ko, pinagmukha ko silang si Ciara at Luke para magkaron ako ng libangan habang sila'y nagdurusa at nasasaktan.
Ilang dekada din akong nagtago upang maipagpatuloy ang larong sinimulan ko. Simula sa paniniwala nilang isinumpa ko ang anak ni Luke at Ciara, hanggang sa kasalukuyang panahon na nagkakagulo sila. Tuwang tuwa ako habang pinapanuod ang mga pangyayaring 'yon.
Pero hanggang sa isang araw, nakilala ko si Kit. Lagi ko syang binabantayan at kahit kailan ay hindi ko sya isinama sa laro ko. Pero meron pang isang sagabal, si Lalaine. Ang anak ni Winston na isang mahusay na guro dati sa Ariessienne Kingdom. Simula nang magkagulo sa palasyo nila, ipinadukot ko si Lexter at Lalaine para mailayo sila sa mga taong mahal nila.
Nabalik ako sa katinuan nang mawala na ang sunog sa harapan at buto na lamang ng tao ang aking nakikita. Humalakhak ako ng napakalakas, magdusa ka ngayon West. Wala na ang pinakamamahal mo.
"A-anong ginawa mo kay Stephanie?!" Napangisi ako. Buti nalang pala't pinatay ko na sya dahil mas mahihirapan akong ibalik ulit sa selda ang mga ito.
"Long time no see, Lexter and Lalaine." Mapang asar kong sabi at humalaklak. Halos hindi ko na sila mamukhaan sa sobrang payat nila. Isa lang ang bagay sa kanila, ang mamatay.
Naglabas ako ng itim na mahika sa palad ko. "Ano kayang kaya nitong gawin sa inyong dalawa?" Nakakaloko kong tanong. Nakita ko ang takot sa kanilang mata at wala ng nagawa kungdi ang tumakbo. Duwag.
Humalaklak ako at sinundan silang dalawa, marahil sa gutom at payat nila'y di na nila kinaya pa ang pagod. Dapat lang.
"Napapagod na ba kayo, Lexter?" Tanong ko habang pinapanuod sila. At habang natatakot sila.
At hanggang sa maabutan ko sila, kinawakan ko ang buhok nila at hinila pataas. Ininda nila ang sakit mula sa matutulis kong kuko na nakabaon sa ulo nila.
"P-patayin m-mo nalang k-kami!" Sigaw ni Lexter na ikinatawa ko. Masaya 'to.
"As you wish." Tugon ko at inikot ang ulo nila dahilan ng pagkaputol nito. Humalakhak ako at binitawan ang ulo nilang nakahiwalay sa katawan nila.
Ngumisi ako. Patay na ang pinaka mamahal mong mga kapatid, Lucia.
"Ang sabi ko'y wag mo silang sasaktan. Pero hindi mo lang pala sila sinaktan, pinatay mo sila. Wala kang kwentang kausap, Cia." Dahan dahan ko syang nilingon. Ngumisi ko at tuluyan syang hinarap.
"Long time no see, Leanne."