Leanne Danielle Astrid
"Mukha ba akong nagbibiro?!" reklamo ko ng makaalis si Daddy. Da hell! Ngayon pa nya nakuhang hindi maniwala sakin? Nakita ko yung Lexter na matagal na nilang hinahanap, WITH MY TWO PRECIOUS EYES!
"Para kang tanga." sabi ni Lannie na kakapasok lang sa kwarto ko.
"Shut up!"
"Bakit apat na araw ka ng hindi pumapasok?" tanong ni Lannie ng makaupo sya sa sofa, nag cross arms sya at ngumisi sakin.
"2 weeks akong suspended! Duh! Hindi ka ba nainform ni Ms. Watchner?" tanong ko.
"Sa tingin mo ba mag eeffort akong puntahan ka dito kung alam ko naman na?" tanong nya.
May biglang sumagi sa isipan ko kaya tumakbo ako sa pintuan at nilock ito. Umupo ako sa tabi nya at hinarap sya.
"May kwento ako! Wag mo tong ipagsasabi sa iba ah?" Kumunot ang noo nya. "Ano yun? Bilisan mo male-late ako!" reklamo nya.
"Saglit lang to!"
"Ano ba kasi yun?" Inirapan ako. Napaka sungit naman nito! Pero syempre mas masungit ako. Walang palag yan sakin!
"May nakita akong lalaking..matangkad..uhm..tapos maputi! Sobra! Naka cloak sya na color black tapos.."tumigil ako saglit dahil napansin kong sumeryoso ang mukha nya at malalim ang iniisip. Nakatingin lang sya sa lapag na tila malalim ang iniisip.
"Huy! Hindi pa ako tapos magkwento nakatulala ka na dyan!" sigaw ko. Nabalik sya sa reyalidad at tinignan ako.
"Ituloy mo." utos nya. Pero bago ko ituloy, tinignan mo muna sya kung okay lang ba talaga. Naka drugs ba 'to?
"So yun nga! uh..tapos yung nakacloak kasi na yun, nung tinanggal nya yung hood. Si tito Lexter yung nakita ko." Bigla syang napa tayo.
"WHAT?! NO!" Nagulat ako sa sigaw nya kaya tumayo narin ako.
"Oh? Bakit ganyan reaksyon mo?"Tanong ko.
"Impossible yang sinasabi mo!" sigaw nya.
"Nakita ko ng dalawang mata ko Lannie." Galit na mukha ang sukli nya sakin. Anong problema nya?
"Ano ba kasing problema Lannie? Bakit affected ka?! Hindi ka ba masaya na buhay ang tito natin?!" sigaw ko sa kanya pero nakatingin lang sya sakin.
"I don't believe you Leanne! LIAR!" Sigaw nya.
"SA MANIWALA KA MAN O HINDI! But still, nakita ko si Tito Lexter! He's Alive!" Sinampal nya ako. Shit! Ano bang problema nito! Naka irita na ah!
"Sinabi ko na sayo Leanne. NO! He's not alive." Diin nyang sabi bago lumabas ng kwarto ko.
----------------------------------------------
Lol. Sorry sa late na update.