Chapter 31: Thank You

430 14 0
                                    

Lianna Dasherin Astrid

I don't  know why Daddy and Leanne announced that the battle of the Immortals had been cancelled for some unknown reason.

At eto pa ang pinagtataka ko.  Bakit tuloy parin ang praktis maski wala ng battle of the Immortals?

"Lianna. Get your fvcking ass off to your bed.  We need to practice. " Umikot ako sa kama and as I reached the end of my bed,  I stood up and I saw my monster twin that looking at me dangerously. Hahaha!

"I'm not a fvcking monster,  Lianna. Take a bath then go to our place. " Naintindihan ko naman ang sinabi nya kaya tumayo na ako at hinila ang sarili ko papuntang banyo kahit papikit-pikit pa ako.

Pagkapasok ko sa banyo ay saktong narinig ko naman ang pagsara ng pintuan ng kwarto namin.  Lumabas na sya. Bumuntong hininga ako.

Isang araw makalipas pagkatapos mangyari ang pagligtas nya sakin. Bintantayan ko sya magdamag sa ospital at hindi natulog para mabantayan sya, pero pagka gising nya,  masungit na ulit sya. Ang laki ng utang ko kay Leanne. Hindi ko alam kung paano ko sya mababayaran.

Nagkaron ng peklat sa likod si Leanne dahil sa pangil ng Aexhziconidale na kumagat sa likod ni Leanne. 

Pagkatapos kong maligo,  lumabas ako ng banyo at nakita kong nakaupo sa kama ni Leanne si Mama at hawak ang picture frame ni Leanne  na nakasimangkot. Hahaha!

"Are you okay,  Lianna? " tanong ni Mommy sakin at bibalik nya ang picture frame ni Lianna sa lamesang katabi nito.

"Yes.  Okay na po ako, pero si Leanne?  I don't think so." Malungkot kong saad.

"She's fine. Pagod lang ang kakambal mo. Tumutulong kasi sya sa pagti-train ng mga studyante. " Nagulat ako sa sinabi ni Mommy. Si Leanne tumutulong?

Base sa reaksyon ko,  nabasa siguro  ni mama ang iniisip ko.  "Yes.  Tumutulong sya.  Hindi ko rin alam kung anong nakain ng kakambal mo't tumulong sya, at hindi lang yun,  usap usapan ng mga trainers na palagi syang ngumingiti at mababait sa mga batang natritrain nya. What did you do to your sister,  Lianna? " hala?  Ano nga ba?

"W-wala naman po akong ginagawa m-mommy. Siguro baka ganun lang talaga si L-leanne. " Nauutal kong sabi.

Hindi parin sumisink in sa utak ko yung sinabi ni Mommy tungkol kay Leanne. Kahit siguro'y sabihin ko ito kayne Zian at Lannie ay paniguradong magugulat din ito.

"Thank you, Lianna." Nagulat ako sa sinabi ni Mommy.

"Bakit ka po nag thethank you?" Ako.

"Salamat. Nang maganap ang training nyo at makita kang nahihirapan, natatakot doon sa tatlong ahas. Nakita kong may pakialam sayo si Leanne. And I was so thankful for that. Sobrang saya ko dahil nakikita ko na ang dating Leanne. Yung matulungin, yung masiyahin. Simula kasi nang mawala sya ng apat na araw noong mga bata pa kayo'y nag iba na sya. Naging malimit nya sa tao at lahat ng kaibigan at kaklase nyo, inaaway nya. Naging sakit din sya sa ulo dati, puro guidance office o di kaya napriprincipal sya. Kaya ngayon, hindi ko kilala kung sinong Leanne ang nakikita ko, kaya ngayon, nagpapasalamat ako dahil tinulungan mo sya Lianna, tinulungan mo syang maging sya. Thank you Lianna, thank you." Lumapit ako kay Mommy at niyakap sya.

May naramdaman akong tumutulo sa balikat ko kasabay ng pag galaw ng balikat ni mama. She's crying.

----------

Book 2: Battle Of The ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon