“The more you resist change, the more it will be painful for you to accept it.”
Leanne Danielle Astrid
"Leanne!" Fvck. Nilingon ko yung gumulat sakin.
"Ano bang kailangan mo Lannie? You don't need to scare me." Sabi ko.
"What? Haha. Ikaw ba yan Leanne?" Sabi nya at pinisil pa yung mukha ko. Tsk.
"Huwag mo nga akong hawakan!" Pag tataboy ko sa kanya. Si Lannie ba talaga 'to? Parang tanga.
"Usap muna tayo. Wala naman kasi yung first 3 subjects natin. May faculty meeting, pinatawag ata ng mommy mo lahat ng teachers." Tumango tango ako at nagsimula na kaming maglakad lakad. Wala rin kasing studyante sa hallway. Hmm. Tungkol saan naman kaya yun?
"Ay. Nakita ko nga palang magkasama si Lianna at Lincon kanina, napapadalas yun ah. Ano kayang pinaguusapan nila?" Ngumisi ako.
"Hindi ko alam. Baka pinag uusapan yung kasal nila." Biro ko.
"Namimilosopo ka nanaman, Leanne." Sya.
"Eh anong gusto mong sabihin ko?" Natatawa kong tanong. Hindi sya sumagot at tinignan ako.
Tumigil ako sa pagtawa at seryoso syang tinignan. "May problema ba?" Tanong ko. Umiling sya.
"Natutuwa lang ako." Sagot nya at ngumiti ng mapait.
"Problema mo?" Tanong ko na medyo may halong irita.
"Kasi maski maraming kasalanan sayo si Lianna. Mahal mo parin sya." Napasinghal ko sa sinabi nya. Mahal?
"Naglolokohan na tayo dito." Sabi ko at tinalikuran sya. Ano bang gusto nyang iparating? Na may paki ko sa lintik na Lianna na yan? No way.
"Si Lianna ang dahilan ng pagiging ganyan mo at sya rin ang dahilan kung bakit ka pa buhay ngayon." Napahinto ako sa sinabi nya. Alam nya?
"G-ginawa ko lamang yun para mabuhay ako." Nakita kong umiling sya.
"Hindi. Hindi Leanne. Hindi lang dahil dun. Dahil ayaw mong masaktan ang mommy at daddy mo kasi mahal mo sila. Niligtas mo si Lianna sa kapahamakan at dahil mahal mo rin sya at importante sya-----" Pinutol ko sya.
"Hindi! Bakit mo ba laging sinasabing mahal ko yung tangang yun!?" Sigaw ko sa kanya.
"Dahil hindi ka magpapatulong kay Sunny na bumalik sa nakaraan at mag panggap na si Emerald kung hindi mo sya mahal. Hindi mo aayusin ang nakaraan para lang sa sarili mong kagustuhan. Dahil may puso ka Leanne, mahal at may pakialam ka sa kanila." Nanginginig na ako. Hindi.
"N-nagkakamali ka. G-ginawa ko yun dahil mamamatay si Mom kapag hindi ako b-bumalik sa nakaraan." Sagot ko habang nagpipigil ng iyak.
"Hindi man nila nakikita ang sakripisyo mo. Alam mo sa sarili mong, ikaw ang nag ligtas sa pamilya nyo. Ang tapang mo, Leanne. Nakipaglaban ka sa bingit ng kamatayan."
Sinakripisyo ko lahat. Oo, bumalik ako sa nakaraan at nagpanggap na si Emerald Greeden. Nakita ko kung pano nahirap si Mommy at kung paano nya pinahirapan si mommy, kung paano nya kami paikutin lahat.
Pero akala kong tapos na ang problema ko, hindi pa pala. Hindi permamente ang potion. Sa kasalukuyang panahon, meron nalang syang dalawang buwan. Ang bilis ng panahon. Malapit nang magtapos ang langit langitan ko.
Dahil sa susunod na biyernes, magsisimula na ang tunay na kwento. Ilang araw na lang ba? Oo. Pitong araw nalang para tanggapin ko lahat lahat ng mangyayari sa Ariessienne Kingdom. Sa lahat ng estudyante, sa amin, sa akin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sa kwintas na matagal ko ng tinatago. Konting panahon nalang, paalam.
BINABASA MO ANG
Book 2: Battle Of The Immortals
FantastikAre you ready to play a game called death?