Lucia Vienne Norixe- Astrid
Padabog akong pumasok ng kwarto pero wala akong nadatnan.
Asan sila? Parang kanina lang nagtatawanan sina Von dito?
Naglakad ako sa malawak na pasilyo ng Ariessienne Kingdom nang biglang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito. Si Viex nag text..
From: Mr. Astrid ❤️
Vienne. May pinuntahan lang kami Nina Von at Lilea. Kita tayo sa ground ng Ariessienne Academy mamayang 8, I love you. :*
Recieved 6:25 PM
Hayst. San naman kaya sila nag punta?
Tinago ko sa pouch yung phone ko at luminga linga sa paligid. May narinig kasi akong umiiyak.
Lumapit ako sa malaking vase na nasa tapat ng isang malaking pintuan. Sumilip ako ng bahagya para makita kung sino yung umiiyak. Naaninag ko ang isang bata na nakatayo, umiiyak habang tumitingin tingin sa paligid at tila may hinahanap. Nakahinga ako ng maluwag at tumayo ng maayos. Akala ko naman kung ano na.
Nilapitan ko ito at hinawakan sa balikat. Tumigil naman sya sa pag iyak at tumingin sakin.
"S-sino ka?" Tanong nya.
"You can call me Ate Lucia." Ngumiti ako sa kanya.
"I-ikaw si Princess Lucia?" Tumango ako bilang sagot.
"P-pero bakit wala ka pong crown?" Natawa ako sa Tanong nya. Bakit nga ba?
"Hmm..sabihin na nating...ayoko ng special treatment sa iba." Tumingin sya sakin ng nag tataka kaya ngumiti ako.
"Ayoko ng buhay maharlika. Gusto ko simpleng buhay lang kasama ang mga anak at asawa ko. Pero may kailangan akong tungkulin dahil ipinasa na sakin ito ng tita ko sakin kaya wala akong magagawa pa." Ngumiti ito sakin.
"Mali po ang sabi sakin ng mga teachers ko. Mabait ka po." Yumuko ako at suminghal. Sinong Satanas ang nag sabi non?
"Salamat. Anong pangalan mo?" Tanong ko at hinahaplos ang buhok nyang kulay asul at na hanggang bewang. Ang ganda nito.
"Adrianna." Natigilan ako sa sinabi nya. Adrianna?
"S-sigurado ka?" Tanong ko.
"Opo. Adrianna Louise Clawson po." Nakangiti nyang sagot at niyakap ako kaya niyakap ko sya pabalik. Akala ko naman...hayst.
"Bakit ka umiiyak kanina, Adri?" Natawa ako sa isip ko. Bakit ko sya tinatawag sa nickname ni Adri?
"Namimiss ko na po kase yung mommy ko. Simula po kasi ng pumasok ako dito hindi ko na po sya nakita." Malungkot nyang sagot. Niyakap ko nalang sya. Wala akong magawa. Maski ibalik ko sya sa mommy nya ay paniguradong dito ulit ang bagsak nya. Delikado ang kakayahan nila sa mundo ng mga tao. Lalo na ako.
"Pasensya na ah? Wala akong magawa." Sabi ko sa kanya.
"Ano nga palang power mo?" Tanong ko sa kanya habang nakangiti pero unti unting nawala ang ngiti ko sa sinagot nya.
"Death Power."
----------------------------
Ateng Yelo's Note:
Okay guys! Tama na muna sa mga pasabog. 😂😂
Mag saya muna tayo. Invited tayo sa birthday ni Lucia! 🎉🎊