Leanne Danielle Astrid
Nang sumapit ang gabi, biglang tumahimik ang paligid sa harapan ng Mystic Forest. Lahat ng studyante ay nanonood sa magiging Training ng legendaries ng Highschool.
Tahimik lang akong nakasandal sa puno habang isa isang tinitignan ang mga iba pang legendaries. Lianna, Lincon, Michelle, Sunny, Zian, Lannie. Kami kami rin lang pala ang legendaries.
Ilang saglit pa'y pinatay na nila ang ilaw kaya naging sobrang dilim ay tila liwanag nalang sa buwan ang nagsisilbing liwanag dito.
Napatingin ako sa direksyon nina Lianna at Lincon. Ewan ko kung malabo ang mata ko o namalik mata lang ako. Nakita ko kasi si Lincon na nag aalalang nakatingin sakin, tsk. Baka hindi ako yun.
Biglang nagsalita si Ms. Watchner sa maliit na stage. Habang may suot na nakakapangilabot na ngisi, well, sino tinakot nya? Mukha syang asong ulol na dinamitan ng basahan. Tsk.
"Listen, Legendaries. This will be the mechanics of your training. Mayroong pitong kulay pulang bandila sa dulo ng Mystic Forest, tag iisa kayo at kailangan nyo itong makuha. Pero syempre kailangan may wist..."Umirap ako sa hangin. May pa thrill thrill pang nalalaman.
"maraming halimaw sa loob. At kung ano ano pang delikadong hayop sa buong Ariessienne Kingdom. Kailangan nyong makuha individually ang flag na may pangalan nyo bago lumitaw ang daan patungo palabas ng Mystic Forest. Is that clear Legendaries? " tumango tango sila at inihanda ang sarili. Lumapit na ako sa kanila at tumayo ng tuwid. Katabi ko si Zian at Lannie na ngayon ko lang nakita ulit.
Habang bumubunot si Ms. Watchner ng papel na may pangalan, nakita kong ngumisi sya at humugot ng papel. Sa ngisi palang nya, alam ko na kung sino ang uunahin nya.
"Ang mauuna ay si Lianna." as expected, sya nga ang uunahin. Base sa ngisi ni Ms. Watchner ay may katarantaduhan itong plano kay Lianna. Nagtanong kasi sya ng pinakamahirap na tanong tungkol sa subject nya at nasagot ito ni Lianna kaya labis ang hiya nito sa sarili at alam kong gaganti itong gurang.
Tumayo agad si Lianna at naglakad papuntang entrance ng Mystic Forest. Pinagmasdan ko ang kilos nya, nanginginig ang kamay nya at medyo mangiyak ngiyak. Hindi nya kakayanin 'to.
Nilingon ko si Daddy na naka ngiting naka tingin sakin. Alam nya kaya ang mangyayari sa future? Kunot noo kong tinignan ang isang malaking screen na lumitaw sa kalangitan at tila tv.
Pumasok na si Lianna kaya naman inangat ko ang ulo ko at pinagmasdan mabuti ang galaw ni Lianna.
May halimaw na sumugod sa kanya pero agad nya itong nasaksak. Napangiti ako, mabuti naman at marunong na syang sumaksak para tumaas naman ang level nya.
May mga Aexchzicons(akshzicon) na lumabas sa gilid nya. Isa itong human size na gagamba at may isang daang mapupulang mata at takot din sa tubig. Naglabas si Lianna ng water hurricane at ipinalibot ito sa Aexchzicon. Namatay naman ito agad kaya tumakbo agad si Lianna palayo. Patuloy lang ang nangyayari habang sya'y nakikipaglaban pinagmamasdan ko ang hawak na tablet ni Ms. Watchner na nagsisilbing control sa mystic forest. Nang malapit na sa dulo si Lianna, may biglang lumabas na tatlong ahas na sobrang laki. Fvck! Lianna is scared of snakes!
Biglang nandilim ang tingin ko kay Ms. Watchner. Sya ang may pakana, dinagdagan nya ng halimaw sa mystic Forest para hindi manalo si Lianna.
Nakita ko ang takot sa mga mata ni Lianna kaya hindi na ako nagsayang pa ng oras. Tumayo ako na ikinagulat ng lahat. Madilim na aura ang bumalot sa paligid. Malamig ko silang tinignan lahat, lalo na si Ms. Watchner na nakangisi sakin.
"I'll join your fvcking game at idedemo ko sa mga halimaw kung paano kita papatayin. " malamig kong sabi kay Ms. Watchner na ikinagalit nya.
"no! Bawal ang may kateam work sa training. " Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.
"Then bawal ka ding humingi ng tulong kapag papatayin na kita." Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng gurang na yun ang patakbong pumasok sa Mystic Forest. After this shitty training, I will fvcking kill that Elizabeth Watchner.
May halimaw na humarang sakin at agad ko naman itong binato ng ice ball upang maging yelo ito.
May Aexchzicon na umatake sakin pero agad din itong namatay dahil sa lighting sword na isinaksak ko dito.
Paulit ulit lang ang nangyari, parami narin ang halimaw sa paligid at hindi ko ito kaya. I need to save my twin.
Sa sobrang galit ko'y sumigaw ako ng napakalakas at naglabas ng fire bombs at pinasabog sa buong mystic forest. I'm gonna totally burn this fvcking forest kapag hindi ko nahanap si Lianna.
Narinig ko ang sigaw at ungol ng mga namamatay na hayop at halimaw. Pinabayaan ko lang yun at pinagmasdan sila.
May malaking crack sa lupa at may kulay asul akong apoy sa kamay. Ang ibig sabihin nito, ito ang pinaka malakas na klase ng apoy sa lahat.
Nagsimula na akong tumakbo papunta sa dulo ng forest at nagbabato ng fire bombs sa paligid. Sunog na lahat ng puno at halos puro buto ng hayop ang makikita mo sa paligid.
Nang makita ko si Lianna na nakaupo sa lapag habang ang tatlong ahas ay nakapalibot sa kanya.
"STUPID SHITS!" galit na sigaw ko sa mga ahas. Lumingon ito sakin at inilabas ang matutulis na pangil nito na may pulang likido. Alam ko na kung anong klasing ahas ito. Isa itong Pischeonre snake at may lason ang pulang likido nito.
Hindi ako nagdalawang isip na sugurin ang unang ahas. Papatayin ko silang lahat.
Lianna Dasherin Astrid
"STUPID SHITS!" may narinig akong isang sigaw gamit ang pamilyar na boses. Nakita ko si Leanne na sobrang lamig at dilim ng aura na nakatingin sa tatlong ahas. Biglang tumaas ang balahibo ko, nakakatakot syang tignan.
Bigla syang sumugod sa isang ahas at naglabas ng kidlat. Tumama ito sa ahas at nagkaron ng malakas na pagsabog. Sobrang kapal ng usang sa paligid kaya napaubo at habang hinihintay na mawala ang usok.
Nang mawala ito, nakita kong nakatayo si Leanne habang nakatungtong sa pangalawang normal na ahas na pugot ang ulo. Hindi ko na kinayanan ang nakita ko't tinakpan ang mga mata ko. Ang daming dugo.
Natatakot akong makita si Leanne na nakikipaglaban. Baka mapano sya't ang Pischeonre snake ang huli nyang papatayin para maka alis kami sa lugar na'to.
Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mata ko nang makita kong naglabas sya ng apoy at iniiwasan ang pulang likidong dinudura ng ahas. Nanginginig ako sa sobrang takot dahil marami naring naging sugat si Leanne. Sinunog nya ito at tinapon sa gilid. Sobrang lakas. Hindi ako makapaniwala.
Dahan dahan akong tumayo at lumapit kay Leanne na sugatan. "Okay lang ba Leanne?! " nag aalala kong tanong. Tumango tango sya at nagsalita.
"Okay lang---Lianna. Wag. Kang. Gagalaw. " Mabagal nyang sabi sakin habang nakatingin sa likod ko. Bigla naman akong kinilabutan sa tunog na narinig ko sa likod. Isang Aexhziconidale, isang uri ng makamandag na gagamba na kasing laki ng tao.
Hindi ko na alam pero parang slow motion ang nangyari, mabilis na tumakbo sakin si Leanne at niyakap ako patalikod. Sisigaw pa sana ako ng takpan nya at likod ko at bumulong.
"Don't worry. You're safe now. " Huli nyang sinabi kaya napapikit ako at narinig ang malakas na sigaw ni Leanne kasabay ng pagtulo ng luha ko.
And everything went black.
----------
Hala! Anong nangyari kay Leanne?!
-Ateng Yelo