3rd person's POV
Mahigpit na hinawakan ni Leanne ang espada nya at matalim na tinignan si Cia. Mag isa lang si Cia at wala syang kahit anong alagad na sinama. Sa tingin nya siguro'y mapapatumba niya ang Ariessienne Kingdom at Academy ng ganon ganon lang, Tulad ng nangyayari ngayon.
Gumilid ng konti si Cia para ipakita sa kanila ang bagay na kinuha nya sa Secret Garden ng Ariessienne Kingdom. Ang Quinemit Flower.
"P-paanong nasa iyo yan?" Gulat na tanong ni Lucia. Kitang kita nya kung paano tuluyang namamatay ang halaman. Nakikita na nya kung paano sya tuluyang mamatay.
The Flower. That's her timer. At ngayon, unti unti na syang nalalanta. Unti unti na syang namamatay.
"Bakit hindi mo tanungin si Leanne?" Mapaglarong tanong ni Cia.
Mapait na tinignan ni Lucia ang kanyang anak na si Leanne. Malamig lang na tingin ni Leanne sa kanyang ina pero sa loob loob nito ay nasasaktan sya.
"Anong kinalaman mo dito Leanne?" Nanghihinang tanong sa kanya ni Lucia.
Nanatili lang walang imik si Leanne at nakatitig sa nanghihinang si Lucia.
"Wala." Maikling sagot ni Leanne pero bakas dito ang lamig at galit sa boses nito.
"Traydor 'yang anak mo Lucia! Sya ang dahilan kung bakit ka nanghihina! Sya ang dahilan! Siya ang Emerald Greeden na nakilala ninyo!" Nanlaki ang mga mata nina Lianna, Viex, at Lucia sa narinig.
Nang makawala si Viex sa itim na mahika ni Cia ay sinugod nya agad ito. Todo ilag lang si Cia. Pinapanood lang ni Leanne ang lahat ng 'yon nang bigla syang kwinelyuhan ni Lianna.
"Do something Leanne!" Hindi umimik si Leanne kaya napasabunot si Lianna sa sarili.
"Manood ka na lamang." Simpleng sagot ni Leanne kaya nakatanggap sya ng sampal galing kay Lianna.
"Hindi ito ang oras para magpatumpik tumpik, Leanne! Do something!" Sigaw ni Lianna habang nakatingin sa kanyang ama na sinusugod ni Cia at ang kanyang ina na nanghihinang nakaluhod sa lupa.
"At hindi rin ito ang oras para mag tanga tangahan. If you do something, Cia will eliminate the plant." Napahilamos si Lianna ng mukha.
Leanne Danielle Astrid
"bakit ba yung halaman pa ang iniisip nya?" Gusto kong iuntog sa pader 'tong babaeng 'to eh. Hindi ba nya naiintindihan?
Ang halaman 'yan ay ang buhay ni Mommy. Kapag tuluyang nalanta at namatay ang halaman, yun narin ang katapusan ni Lucia Vienne Norixe.
Kapag may ginawa kaming galaw habang nakikipaglaban sya kay Daddy. For sure, Cia will do everything mapadali lang ang pagkamatay ni Lucia.
Saglit na nga lang ang oras ay papaagahin pa nya? No. Tuloy ang plano ko.
"Leanne!" Isang tinig ang narinig ko.
"Lincon.."
"Tulungan natin ang daddy mo!" Akmang tatakbo sya papalapit pero pinigilan ko sya na ipinagtaka naman nya.
"Bakit?" Umiling ako at dahan dahan syang binitawan. Biglang tumalsik sa puno si Daddy at nawalan ng malay kaya napatili si Lianna.
"Oh please Leanne! Do something!" Hayst. Damn you Lianna.
Mamaya't maya ay malalanta ba ang halaman. I need to do something.
Umamba na akong ilalabas ang espada, humakbang na ako ng konti habang tinititigan si Cia na nakangisi lang sakin.
Mas lalong dumiling ang paligid kasabay ng pag ihip ng hangin. Ang bawat hibla ng buhok ko ay nakikipagsayaw sa hangin at nararamdaman ko ito sa aking balat.
Biglang tumunog ang orasan ng Ariessienne Kingdom kasabay ng pagbagsak ni Mommy sa lapag. What the fvck?! Patakbo akong lumapit kay Mommy pero bigla akong tumalsik. Mala demonyong tawa ang naririnig ko kay Cia. Sinipa nya ang halaman kaya unti unting naglaho si Mommy ng parang bula. She's gone.
Nabitawan ko ang espadang hawak ko. Naging tanga nanaman ako. Hindi ko napansin ang oras. Shit. Kasalanan ko ito.
"Time is up, Leanne..."
------------------
Sorry for the late update! Nakita ninyo naman po yung author's note ko diba? Huhuhu. Sorry.