Sorry sa sobrang tagal na update. Mianhe~
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Lucia Vienne Norixe
"Sige na po. Baka hinahanap na po kayo ni Prince Viex." Inayos ko yung uniform nya at ngumiti.
"Okay lang. Sasamahan na kita pabalik--" pinutol nya ko.
"No need." Sagot nya. Tinignan ko sya at sinuri. Nilapitan ko sya, nag squat para maging kapantay nya at Hinawakan ko sya sa balikat.
"Yung sinabi mo kanina...t-totoo ba yun?" Tanong ko sa kanya pero tinignan nya lang ako sa Mata. Nag iwas ako ng tingin dahil nakakailang tumitig sa berde nyang mga Mata.
"Happy Birthday." Tumingin ako sa kanya ng nagtataka. Birthday?
"Today is October 11. Happy Birthday Princess Lucia." Ngumiti sya at inabot ang lollipop sa kamay ko. Agad ko naman itong tinanggap at nag pasalamat.
"Good bye! Enjoy your day!" Binatawan na nya ako at tumakbo sa hallway papuntang building nya.
Tumayo ako ng maayos at tinignan ang lollipop. Birthday ko pala ngayon?
Biglang nag ring yung phone ko kaya kinuha ko ito sa pouch ko pero bago 'yon tinago ko yung lollipop sa pouch ko.
"Hello?"
[Vienne. Asan ka na?]
"P-papunta na ako." Sagot ko at nagsimula ng maglakad.
[Okay. See you soon.]
Lianna Dasherin Astrid
"Excited na ako!" Tili ko habang nag aayos ng table.
"Shut up. Mag ayos ka nalang dyan." Sinimangutan ko si Leanne at pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko. Pangatlong beses na nila ako sinaway ng ganyan. Ang ingay ko daw. Totoo ba?
Birthday kasi ni Mommy ngayon kaya eto kami hinahanda yung suprise namin sa kanya.
"5 minutes nalang. Mag tago na tayo." Kinaladkad ako ni Leanne papunta dun sa likod ng puno at nagtago.
Lucia Vienne Norixe-Astrid
Habang naglalakad ako papunta sa school ground ay napansin kong walang katao tao at sobrang tahimik. Maaga pa naman ah? Sa pagkakaalam ko'y 8:30 pa ang curfew ng mga estudyante pero ni isang tao, wala akong nakita.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko hanggang sa marating ko ang destinasyon ko. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o matatakot dahil sobrang dilim dito at wala namang tao!
Balak ko na sanang kunin yung cellphone ko at tawagan si Viex nang may biglang umilaw sa magkabilang gilid ko. Lumulutang ito papuntang kalangitan at unti unti ring nagkakaron ng mga maraming ilaw kaya napagpasyahan kong sundan ito. Sobrang daming lanterns nito ah? Sino naman kaya ang gumawa nito?
Nagkalat ang mga lanterns sa paligid na nagsilbing liwanag rin sa buong school ground. Muntik na akong mapasigaw ng may humawak sa dulo ng bestida ko. Isang batang lalaki at nag abot ito ng isang rose, nagpasalamat ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Bakit may bata dito? Diba dapat natutulog na ang mga 'yon? May humila ulit sa dulo ng bestida ko, May mga balak ata silang hubaran ako.