Leanne Danielle Astrid
Naglalakad ako sa hallway na puno ng stupidents. Bakit ba nag kalat ang tae dito?
"Sabi nila, dating na daw ang dalawa!"
"Oo nga eh. Bagay sila!"
Bulungan ng mga stupidents. Psh. Akala siguro nila hindi ko sila maririnig.
"Anong pinag uusapan nyo't nag kukumpulan kayo dito?" Tila nanigas sila sa kinakatayuan nila. Ngumisi ako at nilapitan sila.
"S-si L-lianna po kasi a-at..." Nauutal na sagot ng isa. Tinaasan ko naman ng kilay yung kasama nya.
"S-si Lincon po." Biglang nag init ang kamay ko. Naramdaman kong umaapoy ang kamay ko na ikinagulat ng dalawang stupidyante dito.
"B-bakit po?! Wag nyo po kaming papatayin!" Sigaw ng babae kaya naagaw nya ang atensyon ng mga stupidyante sa hallway at nagsitakbuhan papalayo saakin. Kinalma ko ang sarili ko.
Leanne, calm down.
Bumuntong hininga ako nang mawala ang apoy sa kamay ko. Makakapatay talaga ako.
Sang lupalop naman sa Ariessienne Academy nagmula ang chismis na 'yon?!
Ngumisi ako. Hindi lang naman ako ang tutol sa relationship kuno daw. Nandyan naman sina mama.
"Leanne!" Lumingon ako sa tumawag, si Lannie.
"Ano?" Bored kong tanong.
"Ano nanaman yung ginawa mo? Tinakot mo yung mga studyante, Alam mo namang isa ka sa pinaka malakas dito." Inirapan ko sya. Hayst. Ang bilis talaga kumalat ng chismis.
"Pinapatawag ka ni Ms. Watchner. Hay nako Leanne! Puro sakin ng ulo ka nalang." May bigla akong naalala.
"Puro sakit nalang ng ulo yung binibigay mo sakin!" Sabi 'nya' sakin at sinaraduhan ako ng pinto.
No. Hindi na mangyayari yun.
Nilagpasan ko nalang sya at naglakad na papunta sa faculty. Ewan ko ba sa Watchner na yun, mainit dugo saakin.
"Ms. Leanne Danielle Astrid. What did you do?!" Napapikit ako sa bungad saakin nang makapasok ako ng faculty. Grabeng kahihiyan to.
"Wala naman..."napakamot ako sa ulo ko at ngumiti ng alanganin. Suspension na ata ulit ito.
"Hayst! Porket anak ka ng prinsesa'y maka asta ka na akala mo kung sino ka." Sino ba 'to para ganitohin ako?
"Hindi kita pwede ipasuspend dahil kakagaling mo lang dun." Na alerto ako sa sinabi nya.
"Wala naman akong nasaktan! Bakit kailangan pa ng suspension? Lumalagpas ka na sa limitation! Teacher ka lang!" Hinampas ko yung lamesa nya na ikinagulat nya.
"Wala. Kang. Karapatang. Hatulan. Ako. Dahil. Guro. Ka. Lang." Diin kong sabi at nilisan ang office na yon. Pag kalabas ko. Nakita ko si Sunny na kasama si Lianna. That bitch. Tss!
"Anong ginagawa mo dito Lianna?" Pilit kong ginawang normal yung boses ko para di nya malamang galit ako sa kanya pero mukhang nabigo ako dahil kumunot ang noo nya.
Nang gigigil talaga ako. Kinuyom ko ang kamay ko at nag buntong hininga. Calm down.
"Anong problema Lea--" di na nya natuloy yung sasabihin nya kasi natapakan nya si Sunny. Psh..
"Urgh! Go to hell Lianna!" Sigaw ni Sunny habang hawak yung paa nya.
"Hala! Ayoko mapunta sa hell." Ngumisi ako.
"Simula ng kinalaban mo ako. You're already in hell, Lianna."
---------------------------
Vote and comment po. Thanks