Lileavon Flower on the multimedia. Gawa ko yan kaya panget. Lels
Von Lexius Astrid
"Von.. " Tawag ni Dad sakin.
Nandito ako ngayon sa library at nagbabasa basa ng mga libro. Wala kasing magawa.
"What? " sagot ko.
"Come with me. " hindi na ako sumagot. Sinarado ko na ang librong binabasa ko at inilapag ang ID ko sa table. Hihiramin ko kasi yung libro.
Sinundan ko lang si daddy habang nagbabasa ng libro. Hanggang huminto kami sa isang pintuan. Sang lugar to?
"Dad nasan tayo? " tanong ko.
Maraming klase ng halaman ang nandito. Iba't ibang kulay at disenyo ang mga kakaibang bulaklak na dito lang sa Arriesienne Academy makikita.
Lumapit ako kay Daddy kaya nakita kong mabuti ang kanina pa nya tinitignan.
Isang bulaklak na ang klase ay hati sa dalawa. Kulay pink ito na may violet at sa kabila naman ay light and dark blue.
"ang ganda. " wala sa sarili kong sabi.
"this is the LiLeaVon flower. " Sabi nya pero nakatingin parin sya sa bulaklak.
"tinanim mo to? " tumango tango sya.
"When I was nineteen years old. The fairy of my ex girlfriend gave me the seed of her new experiment. Itanim ko daw at diligan araw araw para mabuhay ng matagal. "
"sino ang nagbigay sayo? " tanong ko.
"Adrianna. But the one who made the seed is Wanda, her fairy." Tumango tango ako.
"Patay na si Adrianna..."sabi ko.
"I know. But her fairy is still alive."
"Where is she? "
"I Don't know..."sagot ni dad.
"araw araw kong diniligan ang halamaan na to. Ako lang at si Kit ang nakakaalam tungkol sa halaman na ito. At araw araw ko ring iniisip kung anong ipapangalan ko dito. " Tumingin sya sakin at sa hindi inaasahan, ngumiti sya.
Ngumiti ang isang Viex Daniel Astrid, ngumiti ang tatay ko.
"Simula ng ikasal kami ng Mommy mo. Dun ako nakaisip ng ipapangalan sa bulaklak. "
"Pinangalanan kong Lileavon Flower ang bulaklak na ito na pinaghalong pangalan nyong tatlo nina Lianna. "
"pero.. Pano mo nalaman na tatlo kaming magkakapatid? " tanong ko.
"My twin brother and I can see the future. Dati ginagawa ko yun pero ngayon hindi na, mas gusto ko kasing mas exciting ang buhay ko... Nakasama kayong pamilya ko. " Sagot ni Daddy sakin.
"Pero lagi kayong wala. Lagi kayong umaalis ni Mommy. "
"kasi hinahanap namin ang isang taong malapit sa mommy mo. At yun ay ang step brother nyang si Lexter. Nawala sya nung panahong...uhm... Sabihin na nating... Nung panahon ng pagkagulo sa school. Basta!" Sabi nya at hinawakan ang petal ng bulaklak.
"Ang ganda ng bulaklak Dad. Hindi ko akalaing may ganito palang klase ng bulaklak. " sabi ko. Tumingin sya sakin at ngumisi.
"hindi pa tayo tapos. "
------------