Viex Daniel Astrid
"Pero sa susunod na natin ituloy. May Ipapagawa ako sayo." Nakita ko ang pagkadismaya ni Von. Hayst.
Pasensya na Von pero Hindi pwede. May nanunuod satin. Simula palang ng pagpasok namin dito.
"Ano po yung ipapagawa nyo?" Tanong nya.
"Tell Lianna and Leanne that they should be in our house already before 5 o' clock in the afternoon. Magdidinner tayo sa labas." Lumiwanag ang mukha ni Von.
Yes. Gustong gusto ni Von na lumalabas kami at namamasyal.
"Really?! Sure! Sure! Bye dad!" Hinalikan nya ako sa pisngi.
Hindi ko alam na ngiting ngiti na pala ako ngayon, kailan ko ba sya ulit nakitang ganyan kasaya?
"Mukhang nagkakasaya kayo ah.." Isang Hindi ko kilalang boses ang nagsalita sa likod ko.
"Sino ka?" Tumawa sya ng malakas.
"Bakit ba pare-parehas kayo ng tanong sakin? Tsk." Hindi ko magawang lumingon. Dahil may nakatutok na matalim na bagay sa likod ko.
"Gusto mo akong makilala?" Hindi ko man nakakita pero nararamdaman Kong malaki ang ngisi nya sa labi at tila nan loloko laman.
"Wala akong balak na kilalanin ka. Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko.
"Sayo? Wala. Pero sa ANAK mo meron." Nagulat ako sa sinabi nya, kilala ko kung sinong tinutukoy nya.
Umikot ako at hinarap sya. Agad bumungad sakin ang matalas na espada na nakatutok sa dibdib ko.
"A-anong kailangan mo kay Lianna?" Gustohin ko mang magalit pero Hindi ko magawa.
"Sya? Haha! Isa syang hadlang sa mga plano ko kaya papatayin ko sya!" Sigaw nya.
"PAPATAYIN KO SI LIANNA!" Bago pa nya ako sugurin naglabas ako ng air bomb at binato ito sa kanya.
Malaki ang naging explosion kaya sobrang lawak ng usok ang nangyari dito.
Nang mawala ang usok, agad syang hinanap ng mga mata ko.
Naisahan nya ako.
Nagtiim bagang ako at sinuntok ang katabi kong pader. Naramdaman ko ang hapdi sa kamay ko. Dugo.
Napahawak nalang ako sa pader.
Hinding Hindi ako papayag na patayin nya si Lianna.
"mauunang mamamatay ang babaeng 'yon." Nag tiim bagang ako at nilisan na ang lugar.
-----------
AN://Bakit ba gustong gusto nyang patayin si Lianna?
Ano ba talaga si Lianna?
To be continued.....