Leanne Danielle Astrid
Habang nagsasayaw ang aking ama at ina dun sa gitna ng Mystic forest at yung iba'y nagsasayaw narin ng mga kapartner nila. Ako naman, nanadito sa itaas ng puno habang tinitignan yung kuko ko. Palitan ko na kaya 'to ng----
"Lianna." Napukaw ang atensyon ko sa boses na nagsalita sa baba na tinatawag o kausap ata ang magaling kong kakambal.
"Psh..si Lincon lang pala." Bulong ko sa sarili ko at ibinalik ang sarili ko sa pag iisip. Eh kulay black naman kaya tapos yellow? Oo nga medyo bagay.
"May I have this dance?" Hindi ko alam pero bigla nalang akomg bumaba sa puno at pumagitna sa kanilang dalawa.
"Lianna. We have to go, malalim na ang gabi." Malamig kong sabi sa kanya pero nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko makita ang reaksyon nya dahil nakaharap ako kay Lincon na ngayon ko nalang nakita.
"P-pero hindi pa tapos sina Mommy." Pumikit ako dahil sa pagka irita.
"Pabayaan mo na sila! May pasok pa bukas." Hila ko sa kanya pero nag pupumiglas sya. Tsk!
"Ano ba?! Sumama ka nalang!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Pero...L-leanne, sabado bukas." Umirap ako sa hangin at wala ng nagawa kungdi magteleport kaming dalawa papuntang kwarto.
"Ano ba, Leanne? Bakit ka ba nagagalit nalang bigla bigla?" Sigaw ni Lianna sakin. Hinilot ko ang sentido ko dahil narealize ko ang pinagsasasabi ko kanina. Nakakahiya sa mga tao, at kay Lincon.
"Wala." Sabi ko at dumiretso sa kwarto ko. Bakit ba kasi ganon yung inasta ko kanina?
Nagseselos ako.
Natawa ako sa naisip ko. Bakit ba ako magseselos? Lincon is just a piece of shit! Ngayon ko lang ulit sya nakita.
"Leanne! Ano ba? Iteteleport mo ako dito tapos wawalk outan mo?" Binalingan ko ng tingin ang pintuan ko. Nakakabwisit ka.
"Lumayas ka nga sa harapan ng pintuan ko!" Sigaw ko. Narinig ko naman ang paghinto nito kasabay sa pagpatay ng ilaw sa labas ng kwarto ko. Natulog na siguro yun. Pakialam ko ba?
Bumuntong hininga ako at umiling iling. Nahihibang na ata ako.
----------------------
Sorry po sa maikling update. :(