Von Lexius Astrid
Excitement ang nararamdaman ko ngayon. Aalis kami mamaya!
Wait. Kailan ba yung huli naming family bonding? Ah! 6 years old ako noon at 4 palang ang kambal.
Nakakahiya pa nga nun kasi nadulas pa ako sa inflatable nun at una mukha ang tumama sakin.
Hayst. Buti nga Hindi nasira mukha ko, mawawalan ng gwapo sa mundo.
Nag alala si Mommy, Daddy at Lianna sakin pero si Leanne, pinagtawanan ako.
Hanggang ngayon naaalala parin ni Leanne yun at paulit ulit na inaasar sakin.
"Really? Anong nakain ng daddy nyo at nagyaya sya ng family bonding?" Tanong ni Mommy sakin.
Nandito kami ngayon sa bahay namin. Wala naman kasi akong pasok kaya naka chill lang ako habang nakikinig sa boring na lectures ngayon ang kambal---I mean si Lianna lang pala.
Dahil sigurado akong nag cutting classes nanaman si Leanne at may punishment nanaman yun panigurado.
"Ewan ko. Basta sabi nya, dapat before 5 nasa bahay na yung kambal dahil mag ddinner tayo sa labas." Tumango tango sya at inilapag ang magazine na hawak nya.
"Darating na sina Kassandra next week." Ibinaling ko ang tingin Kay Mommy.
"Kasama nanaman nya yung kambal nyang parang si Leanne. Tss." Natawa si mommy sa sinabi ko.
"Sandra, Honey. That's her name." Umirap ako sa kawalan.
"Don't care mom."
"Tsaka nga pala, malapit na ang battle of the Immortals." Buti naman at chinange topic na ni mom.
Naaalala ko pa kasi kung pano ako laging sinusungitan at pinapahiya, binabara, iniinsulto ng Sandra na yun. Yes. Mas matanda sya pero yung ugali, akala mo nakikipag usap ako Kay Leanne.
"Opo. Malapit na nga."
"Three days before maganap ang battle of the immortals, darating sinabi Kassandra dahil sila ang mag opening ng event na yon."
Tumingin si Mom sakin. Mata sa mata. It means seryosong bagay ito.
"Train the twins and if they win that contest. I'll give you a prize."
Nabuhay lahat ng cells ko sa katawan.
"Anong prize?!" Excited Kong tanong.
Tumawa si Mom at tumayo. "It's a secret young man." She answered.
"Payag ka ba? Deal?" Ngumisi sya sakin.
I can't even imagine that she's my mother. Ang cool nya para maging nanay!
Ngumiti ako ng parang aso at nakipag shake hands sa kanya.
"Deal."
------------------
Mana ka sa tatay mo Von! Ang hangin!
-Ateng Yelo