Lucia Vienne Norixe-Astrid
Nakatulala parin ako habang hawak hawak ko ang papel na nakuha ko sa bintana kagabi.
FLASHBACK
Tulog na ang mga anak ko pati narin si Viex pero ako, gising na gising parin habang nakatingin sa ulap habang nasa terrace ng kwarto namin.
Bilog na bilog ang buwan at walang ulap ang buong langit. Ang tanging nagsisilbing liwanag sakin ay ang liwanag galing sa buwan.
May naramdaman akong prisensya sa likuran ko kaya napatingin ako dun.
Wala namang tao.
Pero merong isang papel at isang maliit na kuya itim na kahon. Tumingin muna ako sa paligid bago kunin ang papel.
Lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng pagtayo ng balahibo ko. Napayakap ako sa sarili ko dahil nakaramdam ako ng kaba.
Binasa ko ang nakasulat sa papel.
six months.
Anim na buwan? Tumaas ang kilay ko sa nabasa ko. Anong meron sa anim na buwan?
Binuksan ko ang kahon, lumaki ang mata ko sa nakita ko. Isang malaking berdeng bato at kumikinang ito. Sa mga oras na 'yon. Isang tao lang ang nasa isip ko...
"Emerald. "
FLASHBACK ENDS
--