Chapter 9: Dead or Alive?

594 20 2
                                    


Lianna Dasherin Astrid


"Anong nangyari?" napalunok ako dahil sa tono ng pananalita ni Kuya Von.


"Eh kasi---" hindi ko na natuloy ang dapat na sasabihin ko ng may pumutol sakin.


"Ako ang may kasalanan..sa labas mo ako kausapin kung gusto mo ng mas malinaw na explanation." Malamig na sabi ni Leanne.


"P-pero! Ako ang nauna!" angal ko at pumunta sa tabi ni Kuya Von.


"Ako ang dapat mag paliwanag." dagdag ko pa.


"Porket ikaw ang nanguna kailangan ikaw rin ang magpapaliwanag?" tinignan ko lang sya.


"Ako na ang magpapaliwanag. At wag ka ng umangal habang nakakapag pigil pa ako ng galit." Diin nyang sabi at hinila si Kuya Von palabas ng kwarto.



Leanne Danielle Astrid


Hinila ko si Kuya Von palabas ng kwarto. Nang gigigil ako. GIGIL NA GIGIL AKO! tss.


"Anong nangyari? Bakit kayo nagsisisgawan ng kakambal mo?" tanong ni Kuya sakin.



Napabuntong hininga ako bago magsalita," Kasalanan ko lahat." simple kong  sabi.


"Anong ginawa mo?" tanong nya.


"Inaway ko. Sinigawan nya ako, dumating ka. Tapos!" Umirap ako.


"Anong sinabi mo?" Umirap nanaman ako sa kawalan.


"WALA.KA.NA.DUN" Akmang aalis na ko pero biglang nanigas ang buo kong katawan.


"Lagot ka kay Daddy. Ginamitan mo ko ng power." sabi ko sa kanya. Ngumisi sya.


"Eh ano ngayon? May valid reason ako."  kampante nyang sabi. Umiling ako at pinailaw ang mata ko.



"Aray! LEANNE! URGH!" nakawala ako sa pagkaparalyze at hinarap sya.


"Stop this Leanne!" sigaw nya.



"No way my dear weak brother." Hindi pa kita tapos pagtripan.


"Lagot ka talaga kay Daddy!" sigaw nya


"As if namang takot ako Von!" 


"Tss! Bad ass!" Nagmemake face ako habang kinukuha yung vase na may sunflower.


"Hey! Don't do that Leanne! Urgh!" itinapat ko sa kanya yung sunflower. Nagsimula na syang bumahing ng bumahing. Tss! Manigas ka dyan.


"Leanne?" Ngumiti ako ng pagkatamis tamis at nilapitan si Daddy. "Hi Daddy!" ngiting aso kong bati sa kanya.


"What did you do to your brother?" Nagkibit balikat lang ako tsaka tumakbo.


"It's my fault dad!" sigaw ko at tumakbo palayo.


"Leanne!!!" humalakhak ako habang nag eecho sa tenga ko ang sigaw ni Kuya Von! wahahhaha.


May humarang saking lalaki sa daan kaya napatigil ako." Who the hell are you?" masungit kong tanong.


"bad ass.." kumunot ang noo ko at napataas ang isa kong kilay.


"Who are you?" tanong ko.


Tinanggal nya yung coat nya at nakita ko ang mukha ng isang lalaki. "Ikaw yung Lexter?" gulat kong tanong.


Ngumisi sya sakin at sumenyas ng 'sshh' sabay naglaho.


akala ko ba patay na sya?


_____________________________________________________________________________________


Bitin. Sabaw. tss! Na-aauthors block ako kaya pag pasensyahan nyo  na.


VOTE AND COMMENT.

Book 2: Battle Of The ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon