Chapter 15: Attacked

510 18 0
                                    


Leanne Danielle Astrid

Nakatingin ako sa ulap habang hawak hawak ang isang bagay.

Kumikinang. Nakaka-akit ang kulay.

"Emerald."

Natawa ako sa sinabi ko. Mataggal na rin pala...

Kailangan na nya kaya ng tulong ko?

Hindi. Dahil sa simula palang, kailangan na nya ako.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Malaki ang utang na loob nila saakin.

Dahil kung wala akong ginawa, wala ka na rin ngayon.

"Lianna." Banggit ko sa pangalan nya.




you owe me a lot.

Lianna Dasherin Astrid

Hindi nanaman pumasok si Leanne.

Nakadungaw lang ako sa bintana habang nagtuturo yung teacher namin.

Biglang humangin ng malakas kaya napatili ako ng biglang magsara ang bintana namin.

"What's  wrong, Ms. Astrid?  Nagcutting na nga yung kambal na,  hindi ka pa nakikinig sa klase ko!  Aba,  parehang pareha kayo ng tatay nyong si Viex! Blah blah blah blah--" hindi na ako nakinig at sinagutan nalang yung pinapasagutan sa libro.

" anong problema Lianna? " bulong sakin ni Lannie.

"Wala.. " sagot ko at binaling ulit ang atensyon sa libro.

Tumaas ang balahibo ko at tumingin sa pintuan. May hindi maganda akong nararamdaman.

Leanne Danielle Astrid

Tumingin ako sa bintana ng kwarto namin na naaninag ko mula dito. Bukas ang bintana namin at tinatangay ng hangin ang kurtina namin.

Bumaba na ako ng puno at naglakad papunta sa bahay namin. Alam ko kung sino ang nandon.

"Cia." Bulong ko ng makapasok ako ng bahay.

"Oh.  Nandito na rin pala ang isa mong anak. " May pilit na sumisigaw sa likod ko kaya nilingon ko 'yon.

Shit!

"anong ginawa mo kay Lianna?! " sigaw ko sa babaeng nagkukunyaring si Tita Lalaine. Oo,  alam kong sya yun.  Siguro nga,  malakas ang pakiramdam ko para malaman pa yun.

Tinatanggalan ko ng tali si Lianna sa kamay ng bigla akong nahampas papunta sa pader.  Shit.  Ang sakit ng likod ko.

"Tigilan mo yan Cia! " Natawa ako sa sigaw ni Mom. Hindi nya masasabihan ang isang yan.

Nasa loob si Mom ng isang seldang gawa sa Black magic.

Hindi na ako nagulat na ginaya nya ang mukha ni mom. Dati pa nya naman kasi nya ginagawa yun.

Para lokohin si Mom at baguhin ang lahat.

"Ano bang gusto mo?! " Natanggal na pala ni Lianna ang taling nakapulupot sa kanya kanina.

"Ano gusto ko?  Ang mamatay ka Lianna!" Akmang isasaksak nya ang espadang hawak nya pero tumayo agad ako at tumakbo papunta kayna Lianna. Hinugot ko ang espada sa bulsa ko at pinalibutan ito ng air bombs.

"Ikaw ang unang mamamatay! " Sigaw ko kaya napalingon sya sakin.

Binato ko ang air bombs ko sa kanya dahilan ng pagkaron ng malaking explosion.  Agad din naman nawala ang usok kaya inagaw ko ang espada sa kanya at pinahiga sya habang nakaturo sa leeg nya ang espada.

"Marami akong sinakripisyo para mabuhay sya ng matagal. Kaya hindi ko sya papabayaang mamatay sa kamay ng isang walang kwentang tulad mo. " Malamig kong sabi sa kanya.

"bakit mo ba kasi pinagtatanggol ang isang tao na ipapahamak lang naman kayo?  Tss!  Nakaka awa!" Isasaksak ko na sana ang espada pero ngumisi sya.

"mamamatay ako. Pero hindi sa mahinang tulad mo. " Biglang syang nawala ng parang hangin kasabay ng pagkawala ng rehas sa pinalilibutan si mom kanina. Pabagsak kong binitawan ang espada.


Bwisit!

Book 2: Battle Of The ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon