Chapter 26: Family

456 15 0
                                    

Leanne Danielle Astrid

5:30 AM

Nagising ako sa tunog ng lintik na cellphone ni Lianna. Nalaglag kasi. Tsk! Gusto ko pa matulog!

Yan ang sabi ng katawan ko pero ayaw ng matulog ng mga mata ko. Ano ba yan eh! Mamayang 8 pa pasok ko! Friday naman na ngayon, pag bigyan nyo na akong matulog at di na pumasok.

Tumayo na ako nang mapagtanto kong nandito si Kuya kaya hindi ako makakatakas sa unggoy na yun.

"Leanne is like a doppelganger of Ares and Athena, she's really good in Sword and spear and a good fighter. I think she can will the crown of Battle Queen." Boses yun ni Kuya ah? Sumilip ako sa pintuan at narinig kong nag uusap sila nina daddym napa ngisi ako dahil pakiramdam ko'y ako nga ang mananalo at mag uuwi ng korona.

"Anong sinisilip mo diyan, Leanne?" Napa ayos ako ng tayo at nilingon si Lianna. Peste.

"Ang aga mong nagising? Matulog ka a dun." Pagtataray ko.

"Eh kasi narinig kong bumagsak yung phone ko eh." So kanina pa pala sya gising?

"Gusto ko naring mag breakfast eh." Bumangon sya sa kama at naglakad papunta sakin.

"Bakit ka nakatulala, Leanne? May problema ba?" Nabalik ako sa wisyo at umirap sa kanya. Maliligo na muna ako. Hindi kasi ako sumasabay sa kanilang mag agahan dahil ayoko ng maingay.

Naligo ako at nagbihis na ng school uniform. Bihira ko lang din makasabay si Lianna sa pag pasok dahil nga sa ayoko.

Pagkalabas ko, nakita ko silang nakatingin sakin. Napansin kong wala pang laman yung mga pinggan nila at nakabusangot na si Kuya Von.

"Ma! Andyan na si Leanne oh! Kumain na tayo." Pag hihisterikal ni Kuya.

"Bakit hindi pa kayo kumakain?" Tanong ko kay mom.

"Ang pamilya, sabay sabay kumain." Palihim akong umirap sa sinabi ni mama. Pamilya pala 'to?

Nakita kong umiling si dad. Nabasa nya isip ko. Wala na akong ginawa kungdi umupo sa katabing umupan ni Lianna. Pinagitnaan ako ni Daddy at Lianna.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa hapag kainan. This is so unusual. Simula nang mag highschool ako'y di na sumasabay sa kanila kumain sa umaga, lunch, at even dinner.


"Mag tititigan lang ba kayo dyan? Bala kayo, kakain na ako!" Kinuha ni Kuya yung bowl ng kanin at nagsimula ng maglagay ng kanin sa pinggan nya. Tinitignan ko lang sya habang ginagawa nya 'yon.


Nang makakuha sya ng kanin at ulam, nagsimula na syang lumamon. Sumingal ako, bakit ba ako naiilang?


Kinuha ko narin yung bowl ng kanin at naglagay narin ako ng bacon. Nasusulyapan ko pa ngang pinagtitinginan nila ako pero wala akong pakialam, akala siguro nila'y tatayo ako at magdadabog. Sawa na ako.



Kumuha narin si mama at si daddy ng pagkain. Bahala sila dyan. Basta kakain ako at pagkatapos nito, aalis na ako.


"Nabalitaan kong bigla ka daw nagwala sa hallway, Leanne." Muntik na akong masamid sa narinig ko. Tapos na yun eh! Pag uusapan pa ba namin ni Dad yun?

Lumunok ako at sinulyapan si Kuya. Nag iwas tingin ulit ako, papatayin ako ni Kuya neto.

"Ano bang naging problema't nag wala ka? Tinakot mo daw ang mga stupidyante." Natawa kami sa sinabi ni mama.


"Vienne!" Saway ni Dad.


"Bakit? Totoo naman eh." Ngumisi ako. Parang dati lang...


Ganito dati ang pamilya namin, masaya, tila walang prinoproblema. Pero kasalanan ko kung bakit nagkaganito ang lahat.



I am the reason why this family is not happy like before.

Book 2: Battle Of The ImmortalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon