Lucia Vienne Norixe- Astrid
"Anong sumanib sayo at nagyaya ka ng family dinner, Mr. Astrid?" Tanong ko habang sinusuklay ang buhok ko.
"Wala naman, Mrs. Astrid. May masama ba?" Nag kibit balikat lang ako at humarap sa kanya.
"Okay lang?" Tanong ko. Humarap sya sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Normal na violet dress lang yung suot ko at nag suot nalang ako ng necklace at binun yung buhok ko.
"Mukha kang tao." Inirapan ko sya at tinalikuran sya. Bwisit sya!
Naramdaman kong may yumakap sa likod ko kaya umikot ako para tignan yon but accidentally nauwi ito sa pagkadikit ng labi namin ni Viex.
"Sorry, my bad." Sabi ni Von sa likod ni Viex habang nakatakip ang Mata. Marahan kong itinulak palayo si Viex at lumapit kay Von.
"What brings you here, Von?" Natawa si Von sa Tanong ko. Anong nakakatawa dun?
"Mukhang naistorbo ko ata kayo kanina Mom. Hahahaha! Look at your face mom, mukha kang sasabog na patatas!" Suminghal ako sa sinabi ni Von at tinignan ang magaling nyang ama na tawa ng tawa hanggang ngayon.
"Pinagtritripan nyo ba ako?" Inis kong Tanong pero wala silang tugon at busy pa sa pag tawa ang dalawa. Tss!
"Mag sama kayong mag ama kayo." Inirapan ko silang dalawa bago kunin yung pouch ko at lumabas ng kwarto. Kaimbyerna!
Leanne Danielle Astrid
Nandito ako ngayon sa kwarto namin ni Lianna. Aalis daw kasi kami mamaya kaya eto ako ngayon, mas lalong nag papaganda. Kaya MAS NAG PAPAGANDA kasi matagal naman ma akong maganda, MAS lalo na ngayon.
May kumatok sa pintuan pero hindi na ako nag abalang tumayo. Tinatamad ako no tsaka busy ako sa pag lagay ng hikaw sa tenga ko.
May kumatok ulit sa pintuan kaya naiinis kong tinignan si Lianna na parang tangang namimili ng susuotin.
"Lianna! Hindi mo ba narinig na may kumakatok?"
"Ha? Meron ba?" Tanong nya at dumiretso sa pinto. Tsk! Tatanga tanga!
"Bakit ang tagal nyong buksan yung pinto?!" Inis na Tanong ni mommy habang naglalakad papuntang sofa. Nilibot nya ang tingin sa kwarto namin.
"Haish! Ang gulo ng kwarto nyo. Kailan yung huling linis nyo dito?" Napa hagikgik ako don dahil hindi naman kami nag lilinis. Minsan, kapag pumapasok dito si Wanda sya na ang nag lilinis dito dahil daw parang binagyo ang kwarto namin.
"Last week." Simpleng sagot ni Lianna.
"Bakit parang sinakluban ka ng langit at lupa, Mom?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nga." Pag sang ayon ni Lianna.
"Urgh. Wag nyo nalang tanungin okay?" Inis na sagot ni mom.
"Ang init ng ulo." Bulong ko.
"Mag regla siguro." Bulong ni Lianna.
"Hindi. Gurang na 'yan eh."
"Tama. Ang mga gurang menopause na."
"Akala nyo hindi ko naririnig yang mga bulungan nyo, Lilea?! Urgh! Akala ko pa naman matatahimik mundo ko kapag nandito ako. Pati rin pala kayo pinag tritripan ako." Padabog na sinara ni mom ang pintuan namin habang kami tawa lang ng tawa.
Very good mom. Naaayon sa mga pangyayari ang Plano namin.
----------------------------------------------------------------------------------------
//Ateng Yelo's dictionary//
Lilea (li-li-ya)
Combined name of Lianna and Leanne. Ito rin ang "twin name" nila.