Sa paglalakad ko sa hallway ng school, halos lahat ng atensyon ng mga kapwa ko estudyante nakatuon sa'kin. Mababakas ang gulat, pagtataka at pandidiri sa mukha nila.
Well, sino bang hindi mabibigla kung may isang panget at baduy na nerd ang naglalakad sa isang kilalang school ng mga elite. Sa school ng mga jerk at brat na walang ginawa kundi ipagmayabang ang mga kayamanan at estado ng pamilya nila. Sa school na para lang sa mga anak ng mga nakakaangat sa lipunan. Sa Wibbleton Elite Institution.
I just mentally rolled my eyes and keep walking. I don't give a damn care about their reaction or whatsoever. Aksaya lang sa oras ang mga inutil na yan.
Dumiretso na agad ako sa room ko, sa ABM 03. Wala pang teacher pero halos lahat ng upuan may naka-occupy na. Sa totoo lang hindi siya mukhang room ng senior high. Parang elementary student kase ang mga magiging classmate ko. Ang Gulo nila at ang ingay, mayroon pa ngang nagbabatuhan ng crumpled paper at naghahabulan. Nang mapansin nila ang presensya kong parang tangang nakatayo sa pinto, lahat sila natigil sa kanya kanyang ginagawa at tumingin sa'kin.
"Excuse me miss? Mukhang naliligaw ka ata?" mataray na sigaw ng isang babae, sa itsura at way ng pananalita niya mukhang maarte at walang ginawa kundi magpaganda ang isang 'to. Tsk mukha na nga siyang clown sa makeup niya.
May isang babae naman ang tumayo at lumapit sa'kin
"Hindi siya naliligaw Ynah, siya ata yung sinasabi Ni ma'am na scholar at bagong transferee" lumingon ito sa'kin "tama ba miss?"
Tumango lang ako. Mukhang mabait naman ang isang 'to.
"Ah sige, bakante tong seat sa unahan, dyan ka na lang umupo"
Wow! ang ganda ng pwesto ko. Sa unahan at take note gitna pa. Note the freaking sarcasm please tsk."S..salamat"
Ngumiti lang siya at bumalik sa upuan niya.
Nilibot ko ng tingin ang buong room. Ngayon ko lang napansin na halos lahat sila nakatingin pa rin sa'kin at nagbubulungan.
The eff! Ngayon lang ba sila nakakita ng nerd?
Maya maya ay may dumating na teacher. Agad itong napatingin sa'kin.
"Ms. Velasqo Right, the tranferee?" she asked while giving me a confused look.
"O..opo ma'am"
Tinitigan niya ako na parang may mali sa'kin. Lalong kumunot ang noo niya nang mapansin ang maluwag kong blouse "I see, okay introduce yourself later. For now take a sit" utos niya na agad kong sinunod. Then humarap siya sa buong Klase. "Okay Class, goodmorning"
"Good morning ms. Gomez" sabay sabay na respond ng mga classmate ko
"Class, may bago kayong classmate, this week lang siya nakapagtransfer at scholar siya ng owner ng school"
"huh? Kilala niya si ms.Wibbleton?"
"o em gee, nameet na niya ang owner?"
" What?! Kilala nya yung owner?"
Lihim akong napangiti sa bulungan nila.
Dahil ang taong tinatawag nilang ms.Wibbleton at ako ay iisa.
"Quiet class! let ms. Velasqo introduce herself" sigaw ni ma'a tapos ay lumingon at tumango sa'kin.
Pupunta na sana ako sa harap pero natigilan ako nang may padabog na bumukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.