I
wanna
kill
him
now!
This asshole inubos na niya talaga ang pasensya ko argh!
Tumigil sa pagtawa si Knite nang biglang magring ang cellphone niya. Kumunot pa ang noo niya, nang makita kung sino ang tumawag. "Hello?"
Perfect timing hindi siya nakatingin, i form my fist at bumwelo para bigyan siya ng isang deathly punch. I swear lahat ng galit ko, ibubuhos ko dito
In the count of three makakatikin na sakin ang hambog na to. *smirk*
three.... two.....one
Buong lakas kong inabante ang kamao ko...
"ano?!" pero bigla siyang tumayo kaya napasubsob ako sa sofa. Tumama pa ang Noo ko sa edge nito.
"oww" shit! magkakabukol pa ata ako.
Napalingon sa'kin si Knite na saktong kabababa lang ng phone.
"Pfftt hahahaha panget! Bakit ka nakadapa diyan? para kang palaka hahaha"
"w..wala" sabi ko sabay upo, ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa Inis at kahihiyan.
kainis ang epic ng ginawa ko.
"Aww, are you trying to seduce me huh? dahil ba nadisaapoint ka na hindi natuloy yung kanina? Dream on panget! Kahit na tumihaya ka diyan, di kita papatulan hahaha"
Aba't ang kapal talaga ng mukha ng hayop na to! Seduce him? Never mangyayari yun! baka kill him pwede pa.
Sisigawan ko sana siya pero nagring ulit ang phone niya.
"Hello....... Sa WEI nga ako...... sige sige pupunta na ako dyan" then binulsa niya ang phone at tumingin sa'kin.
"oh Ikaw na bahala dito panget, linisin mo ha yung tipong wala nang alikabok ang matitira ha pfft" then kinuha niya ng shirt niya at nagmamadaling lumabas.
Saktong paglabas niya, kinuha ko ang vase sa coffe table at malakas na ibinato sa pintuan. bwishit.
~~~~~
"ARGH! Die Knite Abueva , diiiiie!" paulit ulit kong sigaw habang walang awang sinasapak ang punching bag.
Kasalukuyan akong nasa Gym ng mansion ni Dad, tuwing weekends lang ako nakakapunta dito dahil tuwing weekdays duon ako sa bulok na apartment ko nakatira.
"Bwisit kang Abueva ka!" buong lakas kong sigaw.
Napailing na lang si Ninong Ricky sa pagkabutas ng punching bag.
Siya ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Personal Keeper siya ng pumanaw kong ama . Personal keeper pala ang tawag sa kanang kamay ng mga mafia lord.
After ng pagkamatay ng parents ko, si ninong Ricky na ang nagsilbi kong guardian, 5 years din niya akong inalagaan sa States, siya din ang nagturo sa'kin kung paano makipaglaban.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalagi sa gym, ang alam ko lang nakabutas na ako ng 4 na punching bag na may mukha ni Knite. Yeah ganon ako kagalit sa kanya.
Umupo muna ako habang tinitignan si ninong na pinapalitan ang punching bag.
"Kawawang bata" sabi niya habang natatawang, nakatingin sa picture ni Knite.
"tsk kawawa? Mga ganyang tao di dapat kinakaawaan ninong"
"Bakit nak? ano bang ginawa sa'yo ng lalaking to at parang galit na galit ka?"
"Sobrang laki ng atraso sa'kin nyan, Binubully niya ako sa school nong, tapos naghahariharian pa yan sa school KO! alam mo bang may private room pa yan duon? Argh kapal talaga ng mukha"
Tinawanan lang ako ni ninong.
"Nong naman, ano bang nakakatawa sa sinabi ko?"
"wala nak, . Nung nasa states tayo lagi ka lang kalmado pero dito para kang bata na na galit na galit at nagsusumbong sakin haha"
" Iba kase sa states nong, eh dito isa lang akong mahinang nerd tsk, bakit ba kase kailangan ko pang magpanggap"
Tumabi siya sa'kin at inakbayan ako "napagusapan na natin to diba? para to sa proteksyon mo nak. Maraming tao ang naghahanap sayo, ang kaisa isang heirs ng mga Velasqo at Wibbleton. Hindi lang sa media pati na rin sa ibang mafia group na naging kaaway ng ama mo pinaghahanap ka."
"Gets ko naman yun nong, ang akin lang hindi ako sanay sa ganito"
"Don't worry nak, makakasama mo naman yung personal Keeper mo sa school para maiwasan ang pambubully sa'yo"
"P..po? May personal Keeper na ako?!"
"Oo naman, sa katunayan nak. Pamangkin ko ang personal keeper mo."
"Pamangkin nyo po?"
"Oo at kaedaran mo pa. Hindi pa man ipinapanganak ang batang yun, kinontrata na nang ama mo ang magulang niya na maging Personal Keeper mo"
Kailangan talaga magkaroon ng personal keeper ng isang mafia leader, sila ang magsisilbing kanang kamay ng mga mafia lord, hindi biro ang trabaho nila kaya sana naman matalino at magaling sa pakikipaglaban ang personal Keeper ko.
Biglang may kumatok sa pinto.
"Oh mukhang nandito na ang personal keeper mo nak"
"What? ngayon ko na siya makikita?"
Nakangiting tumango si ninong "Pasok" sigaw niya.
Pigil hininga ako habang hinahantay na bumukas ang pinto.
Halos malalag ang panga ko nang bumukas ang Pinto at iniluwa siya.
"IKAW?!" sigaw ko.
what the heck, siya ang personal keeper ko?!
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.