BTG 4: Slave?!

18.8K 448 34
                                    


***
What? ako slave? ako na si Keallyn Velasqo... gagawing slave ng siraulong to?!
***

CHAPTER 4: SLAVE?!

KEALLYN'S POV

Almost one hour na ata akong nakaupo dito sa lababo ng comfort room habang nakatingin sa kamao kong may sugat.  Sinadya ko talagang magpatagal para kumalma. 

Ang daming nangyari na first time lang para sakin simula nang umuwi ako dito sa Pinas.

Sa State kase nirerespeto ako ng mga tauhan ko dahil mataas ang tingin nila sa'kin, Never akong nakaranas ng sinigawan o binantaan. Never din akong nabully, dahil sa pinapasukan kong school noon  ako ang batas, mapababae o lalake kinatatakutan ako.

Masyado lang ata akong nabigla sa mga nangyari kaya muntikan na kong magwala kanina. In short hindi ako sanay..hindi ako sanay na ganito kababa ang tingin sa'kin.

-

Makalipas ang ilang minuto, napagdesisyonan ko nang lumabas. Bago lumabas ng comfort room, tinalian ko muna ng panyo ang fist ko. Masyadong napalakas ang sapak ko kanina kaya nagkaroon ng sugat, may iilan pa ngang bubog na bumaon. Okay lang, actually di nga  masakit, maliit lang ang sugat na'to kumpara sa mga pasa at sugat na naranasan ko habang nagtre-training sa states noon.

Pagbukas ko palang ng pinto, agad ko rin itong sinara. shit lang.

May hambog kase na nakatayo sa labas.  Gahd!  hanggang dito ba naman susundan niya ako? Masyado atang nasasayahan ang gago sa pambubully sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim bago muling buksan ang pinto.

" bakit antagal mo atang magcr?" bungad sakin ni Knite habang cool na nakahawak sa bulsa niya.

Teka, ano bang paki niya kung matagal ako sa CR? at kung makaasta ang isang to parang close na kami.

"A..a... b..bakit ka nandito?"

"Tagal mo kase sa CR" pinakita niya sakin yung wrist watch niya "lunch break na nerd "

"t..tapos?" paki ko kung lunchbreak na?

"Pinadala sa'kin ni ma'am yung bag mo half day lang kase tayo may meeting daw sila faculty, it means uwian na--Oh" sabi niya sabay  hagis sa bag ko.

Kung normal lang akong babae, malamang natumba na ako sa sobrang lakas ng pagbato niya. Ang gentleman niya GRABE. Pero infairness, pumunta talaga siya dito para ibigay sakin 'tong bag? Aba bumabait na ang loko.

Pilit akong ngumiti  "T..thanks"

Ngumisi siya, yung klase ng ngisi na parang may sasabihing masama "Thanks? nagpapatawa ka ba? di uso sakin ang 'thank you nerdy'. May kapalit yang ginawa ko sa'yo"

Sabi na eh, asa naman akong babait to.

Inayos ko ang suot kong salamin "A...anong kapali--Ouch" di pa ako tapos sa sasabihin ko nang binato niya sakin ang bag niya doble sa lakas kanina.

"You will be my slave nerdy, sa ayaw at sa gusto mo. At yang bag ko? ikaw na rin ang maguuwi niyan. Lahat ng notes sa lesson natin susulatin mo sa notebook ko at syempre pati assignments ko ikaw gagawa. Ayos ba?"

What? ako slave? ako na si Keallyn Velasqo. ,. gagawing slave ng siraulong to?!

"pe..pero--"

"hep hep hep! wala nang pero pero nerd. Once na tumanggi ka sakin, I swear papahirapan ko ang highschool life mo sa school na'to"

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon