BTG 23: Can't figure it out

11.3K 287 5
                                    

[Keallyn's POV]

"Class dismissed" pagkasabing pagkasabi ng last teacher namin, agad kong niligpit ang gamit ko at nagmamadaling lumabas ng room.

"panget!" rinig kong sigaw ni Knite pero hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

Kanina pa kase ako kating kati na puntahan yung Aki na yun. After ng mga sinabi niya sakin kanina, siya pa talaga tong may ganang magalit at magwalk out ha?

Inikot ko na ang buong school pero hindi ko pa rin siya makita. Imposibleng umuwi na yun dahil kasama sa usapan namin na sa mansyon siya ni Dad uuwi para mamonitor siya ni ninong. At nakita ko pa ang puting van ko na nakaparada sa parking lot kaya siguradong nandito pa yun.

Nagulat ako nang biglang may umakbay sakin.

"at last nahabol rin kita" Hingal na hingal na sabi ni Knite habang nakatingin sakin.
"Sino bang hinahanap mo at parang madaling madali ka? Damn! ambilis mo tumakbo" pagpapatuloy niya.

Hindi ako umimik at tinanggal lang ang pagkakaakbay niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pagtingin tingin sa paligid. Di ito oras para makipagbiruan.

"Nice, ang snob mo na ha" rinig kong sabi niya.

Diretso lang ako sa paglalakad "Ang fame na ni panget, hindi na ako pinapansin" matawa tawa niyang sabi.

I just put my invisible earphone at kunyari, wala akong naririnig sa kanya.

Patakbo siyang tumungo sa harapan ko At nakapameywang na humarap sa'kin.

"Sino bang hinahanap mo?" oops mukhang pikon na ata.

Inayos ko lang ang suot kong salamin at nilagpasan siya.

Bahala ka dyan haha.

"Hoy! Slave kita kaya wag na wag mo kong tatalikuran" sigaw niya.

Okay ito nanaman tayo sa slave thingy na yan.

Napilitan akong humarap sa kanya.

"Sino ngang hinahanap mo?"

"Si Aki" Bored kong sabi sabay talikod uli.

Sinabayan niya ako sa paglalakad "Bakit mo hinahanap si Lampa?"

Sheez, anong sasabihin ko?

"Uhm sa..sabay kami uuwi? Oo tama iha...hahatid nya ako " palusot ko.

Bigla niya akong hinawakan sa pulsuhan "tsk ako na lang maghahatid sayo"

Hinatak ko ang kamay ko "Ano, hindi na may usapan kami ni A..aki"

"Hindi, ihahatid nakit--"

"Tama si Liit, may usapan kami kaya Ako na ang maghahatid sa kanya" Pareho kaming nagulat sa biglaang pagsulpot ni Aki sa likod ko.

Agad niyang kinuha ang backpack ko at hinawakan ako sa braso "tara na" cold niyang sabi.
Pinagmasdam ko ang kanyang mukha, hindi ko makita ang loko lokong Aki na mahilig mang-asar. Ang seryoso niya.

Nawala tuloy ang urge ko na sitahin siya sa inasta niya kanina. Mukhang hindi ito ang tamang panahon para duon, ramdam ko rin na galit siya sakin.

Tumango lang ako at nagpatinaod sa paghatak niya sa'kin.

Pero hindi pa man kami nakakalayo, humarang na si Knite sa harap namin.
"Teka lampa, ikaw? maghahatid?" may halong pangiinsulto nitong sabi "ako na lang baka kung ano pang mangyari kay panget" singit ni Knite sabay hawak sa kabilang braso ko.

The eff, Ang epal talaga ng hambog na'to kahit kailan. Saka ano yung meaning niya na baka may mangyari sakin?

Kita ko ang pag-igting ng panga ni Aki sa sinabi niya "Don't worry Knite, I'll keep her SAFE" mariin nitong sabi. Talagang may diin ang salitang safe.

Umurong ang dila ko sa tindi ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Teka parang may pinaguusapan silang ewan at di ako makarelate.

"Really Safe?" Matawa tawang sabi ni Knite "Sa pagkakaalala ko, the last time na may hinatid kang babae--"

"Shut up, " pigil ni Aki sa sinasabi ni Knite.

"Oh bakit ayaw mo bang iparinig kay panget kung gaano ka kalampa at kaduwag?"

Napayuko si Aki at nararamdaman kong untiunting lumuluwag ang pagkakahawak niya sa'kin hanggang sa tuluyan niya akong bitawan.

"Sige Knite, ikaw na lang maghatid sa kanya" sabay abot ng bag ko dito.

the heck? Ano bang nangyayari sa kanila.

Ngumisi si Knite "Kahit naman hindi ka pumayag, Ako pa rin ang maghahatid sa kanya" Inilagay niya ako sa gilid at mas lalong lumapit kay Aki

"Dahil hindi na ako papayag, na may mawala nanaman dahil sa pagiging duwag at lampa mo"

Dinuro nito ang dibdid ni Aki "tandaan mo yan" sabay hatak sakin papalayo.

Papalayo kay Aki na nanatiling nakayuko. Hindi nakatakas sakin ang paggalaw ng balikat niya...

umiiyak nanaman siya

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon