4 months has been past pero malinaw pa rin sa alaala ni Knite ang pangyayaring iyon.Ang araw na sumabog ang palasyo ng Mga Shinobi, ang palasyo ng Hara Organization, ang Hokusai Palace.
Parang sirang plaka na paulit ulit na tumutunog sa isip niya ang sunod sunod na pagsabog nito. Malalakas. Nakakabingi.
Nagsisilbing bangungot para sa kanya ang pangyayaring iyon.
Pangyayaring alam niyang hanggang sa kamatayan pagsisihan niya.
'napakawala kong kwenta! Dapat bumalik ako! dapat niligtas ko siya!' sigaw niya sa isip.
Sinisisi niya kase ang sarili sa pagkawala ng babaeng mahalaga sa kanya.
Nang makarating sa sementeryo, agad na ipinark ni Knite ang sportscar sa gilid kung saan malapit ang puntod ng bibisitahin niya.
Malakas niyang hinampas ang manibela at bahagyang inuntong ang sarili dito.
Wala siyang lakas na loob lumabas ng sasakyan.
Ito kase ang kaunaunahang pagbisita niya sa nasabing puntod. Miski sa burol nito hindi siya dumalo.
Hindi niya matanggap.
Ayaw niyang tanggapin.
Bukod sa pagluluksa, nakakaramdam din siya ng guilt dahil hindi niya tinupad ang pangakong ililigtas niya ito.
"Sorry" bulong niya sa hangin habang nakayuko sa manibela.
"Sorry, sorry"Huminga siya ng malalim at tumingala upang pigilan ang nagbabadyang luha.
Inabot niya ang bouqet of white roses sa passenger seat sabay tanggal ng seatbelt.
Nagdadalawang isip man pero kalaunay lumabas din siya sa kotse. Handa nang harapin ang katotohanang wala na siya.
'Nawala siya dahil sakin'
Sumalubong sa kanya ang preskong hangin ng sementeryo na lalong nagpapadagdag sa kaba niya.
Natuon ang tingin niya sa puntod na may nakapatong na eyeglasses.
Mapakla siyang napangiti.
'Yan ang salamin na ginamit niya sa pagdidisguise'
Dahan dahan siyang lumipat, animoy sinusulit ang bawat oras sa paglapit sa puntod nito.
Sa pagliit ng distansya, unti unti niyang naalala ang huling paguusap nila bago sila maghiwalay.
"Magpahinga ka muna Cy, promise babalikan kita dito mamaya"
i assured to her tapos ay hinalikan ko siya sa noo.
"K..kahit wag na"
agad akong umiling "Hindi yun pwede, Just trust me. This time di na kita pababayaan"
she smile, a sad one "Sana nga" she took a deep breath "k.keep safe s..superman"
Kasabay ng paglapag niya ng bulalak ay siya ring paglandas ng luhang kanina pa niya pinipigilan.
In memory of
Cyrene Eslava
December 1998- November 2016God Knows kung gaano kinamumuhian ni Knite ang sarili niya.
He still remember kung gaano kalungkot ang mga mata ni Cy habang sinasabi ang katagang 'Sana nga' para bang alam nitong hindi na siya mababalikan.
For the second time around, binigo niya ang kanyang kababata.
Nag-indian sit siya sa harap ng puntod nito at marahan itong hinaplos "Cy, S...sorry For being a useless friend. again" Panandalian Siyang tumigil "Andami mong tinulong at sinakripisyo sakin pero ni isa wala akong nagawa sayo."
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.