[Knite's POV]"Please Knite"
Pabulong na sabi sakin ni Kea habang hawak ang braso ko. she was like pleading, para bang nagmamakawa siya sakin na gawin ang isang bagay.
Tinitigan kong maiigi ang mukha niya, she bite her lip at di nakatakas sakin ang butil na luha na lumandas sa pisngi niya "Im tired of all this shit" bulong nito
I frown.
Whats wrong with her? She's not the Keallyn that I know a sadist, full of dominancy and the bossy one. There was a pain flash on her teary eyes.
Naguguluhan akong tumingin kay Akihiro "I thought.... she was willing to marry you?"
Yun ang sabi niya sakin kaya pumayag ako na magtago muna rito pansamantala.
Hindi ako tinuluyang patayin ni Aki sa isang Kondisyon, yun ay di ako pwedeng magpakita kay Mitsuki. sa tatay niya para ipakitang nagsucess siya sa mission. Pero pagkatapos ng kasal nila at official na magmemerge ang Hara at Venom pwede na raw akong magpakita.Sinabi din niya saking, alam ni Keallyn na buhay ako at nandito sa basement ng Hokusai palace at ito mismo ang nagsuggest na magtago muna ako.
Lalong humigpit ang hawak sakin ni Kea nang balakin ni Aki na hatakin siya. "Ano ba!" sigaw ni Kea then lumingon siya sakin "Look, kung ano man ang sinabi niya sayo hindi--hmmmp!" Natigil sa pagsasalita si Kea ng tuluyan na siya nitong nahatak at may itinakip na puting panyo sa bibig niya.
Papalag sana siya pero maya maya'y humina ang galaw niya at........ at nakatulog siya.
Fuck it.
Ayan din ang ginawa niya kay Kea sa Music Room.
Nasa pagitan namin siya napahiga, sasaluhin sana siya ni Aki pero agad ko siyang tinulak at ako ang sumalo kay Kea. She was peacefully landed on my arms.
Binuhat ko siya, pansin ko ang pagpayat at paggaan nito. Ang lalim na din ng eyebag niya.
Masama kong tinitigan ang tarantado kong pinsan "Fuck you dude, Willing pala huh?" sarkastiko kong sabi "Hindi ko ramdam na willing siyang magpakasal sayo."
Nagigting ang panga niya sa sinabi ko "Willing siya. Um-OO na siya kahapon"
"Kahapon?! Tangina akala ko ba last month ka nagpropose sa kanya at pumayag siya!"
Ngumisi siya "Uto uto ka kase"
"Tarantado ka pala--Knia!"
Napasigaw ako dahil lumapit si Knia sa binti ng gagong to at pinaghahampas siya.
"Bad ka Kuya Akihiro! Bad ka! Inaaway mo Kuya ko!" tuloy tuloy pa rin siya sa paghampas dito.
"Knia! Come here wag kang lumapit sa kanya"
Lumuhod si Aki upang magpantay sila
"Oh i forgot to thanks this little angel, dahil sayo Knia pumayag magpakasal sakin si Kea" Malademonyong sabi niya sabay buhat sa kapatid ko."Putang ina ka, ginamit mo pala ang kapatid ko!"
Ang buong akala ko, dinala niya si Knia dito dahil gagawin siyang flower girl. Fuckshit..
Ngumiti ito sa kapatid ko "At ngayon little angel gagamitin kita para makuha ang bride ko" tapos ay may kinuha siyang balisong at itinipat ito sa dibdib ng kapatid ko.
Paulit ulit ko siyang minura dahil di makapagsalita at namumutla si Knia sa sobrang takot.
"Choose. This little angel or my bride?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Pareho silang importante sa sakin.
Alam kong pag binigay ko si Kea sa kanya, hindi ito magagawang saktan ni Aki pero sa kapatid ko....kahit na pinsan namin siya di ako nakakasigurado dahil baliw na ang gagong yan.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.