BTG 16: A knife and a bullet

14.4K 362 7
                                    


(Akihiro's POV)

Nanginginig kong binagsak ang baril na hawak ko.

I... i killed 2 goons, I... killed them using my hand! m..my sinfull hand. Isa na akong m..mamatay tao!

Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon. Ang naalala ko lang, biglang nagdilim ang paningin ko nang tinutok ang baril kay Kea, ang tanging nasa isip ko lang that time ay iligtas siya.

Habang tinitignan ang katawan ng pinatay ko, bigla akong nakonsensya. Paano kung pamilyadong tao sila? may possibilities na nakasira pa ako ng pamilya. Ang sama ko, ang sama sama ko!

S..sorry S..orry

[Keallyn's POV]

May tinawagan na ako para linisin ang kalat namin ni Aki.
Tinawagan ko rin si ninong para sunduin kami. After a few minutes may puting van ang huminto sa tapat namin.

"Lika na" anyaya ko kay Aki.

Pero parang wala siyang narinig nakatulala lang siya sa kawalan.
Parang anlalim ng iniisip niya.

Nabalik lang siya sa huwisyo ng hinatak ko siya.

"H..ha?"

Napailing na lang ako "sakay na, dali!"

Tumango lang siya at mabilis na pumasok sa loob, Umupo ako sa tabi niya.

"Ilan ang nakaencounter nyo nak?" tanong ni ninong na nakaupo pala sa passenger seat.

"Tatlong lalaki nong"

Umiling iling siya "Ngayon alam mo na kung bakit mo kailangang magdisguise. Tsk wala pang isang oras simula nang umalis ka nak, may nakaencounter ka na agad. Paano kung wala kang dalang baril kanina? baka kung ano nang--"

Tinigil ko na siya sa panenermon sa'kin. "hep hep hep. Ano ba ninong Tatlong lalaki lang yun psh. Kahit siguro wala akong dala kanina, matatalo ko yung mga yun."

"Alam ko, ang akin lang sa susunod magiingat ka. Alam naman nating maraming naghahanap sa'yo. Lalo na ngayong nagiging mabenta ang negosyo mo sa black market. Lahat ng mga kakompetensya mo, gusto kang mawala"

Ang sinasabi ni ninong na negosyo ko ay ang pagbebenta ng mga weapons sa illegal na paraan. Kahit anong weapon, meron kami mula sa iba't ibang klase ng baril, (from small fire arm to large cannons) ibat ibang sword (from small to samurai), bow, spear or even explosive weapon. Lahat ng 'yon binebenta namin sa black market ng whole sale sa kapwa ko mga mafia lord. Hindi ako natatakot mahuli ng gobyerno dahil nagiging buyer ko rin sila. Ang kinababahala ko lang ay ang mga kakompetensya kong tanga, mga walang utak, duwag. Hindi nila ako kayang tapatan sa negosyo kaya gusto nila akong patayin. Gaya na lang ng balak sakin gawin kanina, marumi sila maglaro tsk.

"Hindi ko na kailangang magingat nong, lalo pa ngayong may dalawa na akong keeper. Lalo na tong si Aki?" tinap ko yug balikat niya "Ang galing nya kanina, within a seconds nakapatay siya ng dalawa" pagmamalaki ko.

Napalingon si ninong sa gulat "Ano dalawa? Nakapatay siya ng dalawa?!"

"Yup using only a knife and one bullet, diba aki?"

Nilingon ko si Aki, bullshit kaya pala hindi nagrerespond sakin nakatulala nanaman siya. Parang tanga na inuuntog ang sarili sa salamin ng kotse. Problema nito?

"Aki!"

Nagulat ako nang bigla siyang pumikit at pinagsiklop ang kamay niya "Walang akong , wala akong kasalanan. Sorry sorry pinatay ko sila"

Eh? Problema nito?

"Anong pinagsasabi mo?"

Hinawakan niya ako sa magkabilaang braso at niyugyog "I kill them Kea, mamatay tao na ako!"

Binigyan ko siya ng sapak sa Panga pero hindi ganoon kalakasan.

"Aray!" sigaw niya. tsk ang OA

"Wag mo sabihing nakokonsensya ka? Walang lugar ang konsensya sa mundo ko, sa mundong papasukan mo. Hindi yan ang last na papatay ka kaya masanay ka na."

Bigla siyang nagseryoso "Hindi makonsensya? Keallyn pinatay ko yung tao! Paano kung may pamilya yun ha? Paano kung may anak pala silang magiging miserable dahil sakin!"

Biglang naginit ang ulo ko sa pagsigaw niya "Eh ano bang paki ko sa pamilya nila ha! Alam mo Aki, nakakainis na yang pagiging mabait mo, dahil dyan nagiging duwag ka"

Umismid siya.
"Palibhasa wala ka kaseng pamilya kaya di mo alam ang nararamdaman ko-" di ko na tinapos ang sasabihin niya at binigyan ko siya ng sampal.

How dare him!

Dahil sa sinabi niya, bigla kong naalala ang parents ko. Ang mga magulang kong walang awang pinatay noong 10 years old palang ako.

"Oo Hindi kita naiintindihan kase wala akong pamilya. Na kaya ako naging ganito dahil wala na sila. Pero kasalanan ko ba yun ha?! Kasalanan ko ba na kaya ako naging masama dahil walang awang pinatay ang magulang ko sa harap ko ha?! sabihin mo sakin kasalanan ko ba yun!" halos pumiyok na ako dahil nagpipigil akong umiyak.

Suddenly bigla kong naalala ang lahat. Kung paano sila pinatay habang nagbobonding kami sa isang park. Kung gaano ako katakot nung time na yun.

Biglang nanlambot ang kaninang galit na mukha ni Aki "soo...rorry di ko alam na-"

"Di mo na kailangan magsorry, tama ka naman eh. Na kaya hindi kita maintindihan dahil wala akong pamilya. Sorry ha? Ambait bait mo kase, samantalang ako sagad ang kasamaan"

Saktong pagkasabi ko noon, huminto ang sinasakyan namin. Nandito na pala kami sa tapat ng mansyon ni Dad.

Agad akong bumaba, ramdam ko nang anytime magbabagsakan ang luha ko.

Naiiyak ako sa Sobrang Inis at Galit! Gusto ko din siyang saktan at bugbugin pero may kung ano sa pagkatao ko ang pumipigil sakin.

"Kea" inunahan ako ni Aki sa pinto "Sorry, di ko naman alam na-"

Hindi ko na siya pinatapos, malakas ko siyang hinawi at tumakbo na ako papasok sa kwarto ko at duon na umiyak.

Lintik na Aki yan, 7 years akong naging heartless, after mamatay ng magulang ko never akong nagpakita ng emosyon kahit kanino pero dahil lang sa kanya, Dalawang beses na akong umiyak.

Ano bang meron sa kanya at bakit ako nagkakaganito?

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon