[Keallyn's POV]Hindi ako makapagconcentrate sa pakikinig, paano ba naman may hambog na nangungulit sakin.
Kanina pa nya pinaglalaruan ang kaliwa kong kamay. Kung hindi susulatan, bigla niyang pipitikin o kaya kikilitiin yung palad ko.
"A..ano ba?!" pabulong kong sigaw nang muli niyang kiniliti ang palad ko.
As much as possible, tinataasan ko ang pitch ng boses ko para hindi siya makahalata.
"Ano?" painosente nitong sabi.
Binalik ko na lang ang tingin ko sa teacher. Naiirita ako sa pagmumukha niya.
Kaso may lahi atang paepal ang hambog na to dahil hinihipan naman niya ngayon ang tenga ko.
"K..knite!" pabulong kong sigaw. Tinawanan lang niya ako
"Ms. Velasqo and Mr. Abueva! naturingan nasa harapan pa naman kayo tapos anlakas ng loob nyong magingay? Kung di kayo tatahimik pwede na kayong lumabas!"
Sigaw ni ma'am sa'min.kainis, napagalitan tuloy kami.
Yumuko ako "So..sorry ma'am di na po--" biglang pinutol ni Knite ang sasabihin ko.
"Edi lalabas!"
Sabay hatak sakin patayo.
kinuha niya ang mga gamit ko sa desk at inilagay sa bag ko. Agad niyang kinuha ang bag namin at hinatak ako palabas.
Dahil sa bigla hindi agad ako nakapalag.
Nang makalabas, agad kong hinatak ang kamay ko. "Ano ba! kung lalabas ka, wag mo na akong idamay."
Hinatak ko ang bag ko sa kanya pero di niya binigay.
"Slave kita diba? Kaya susundin mo lahat ng gusto ko. Eh sa gusto kong lumabas kasama ka, papalag ka?"
Hindi na lang ako umimik, ayoko nang makipagtalo sa kanya.
Ngumisi siya at muling hinatak ang kamay ko.
Nang makarating sa tapat ng private room niya, saktong nag ring ang bell.
Hahatakin niya sana ako papasok pero muli kong hinatak ang kamay ko.
"Break time na knite"
"Oh tapos?"
"K..kung may iuutos ka pwedeng ano.. mamaya na? Kakain lang ako"
Nangako pa naman ako kay Aki na lagi kami sa field kakain. Baka naghihintay na yun dun.
"Wala akong ipapagawa panget, sasabay ka lang sa'kin sa pagkain, kaya pasok na"
"Wag na may kasama na ako"
Padabog niyang hinagis ang bag namin sa loob "Si lampa ba ha?"
Bahagya kong inayos ang salamin ko at tumango..
Ginulo niya ng buhok niya "Yung lampa na yun, lahat na lang ng pinagkakainteresan ko inaagaw sakin"
"Huh?" Anong sabi niya? Masyadong mabilis at mahina kaya hindi ko naintindihan.
"Wala ang sabi ko, i text o chat mo na lang siya. Sabihin mo sakin ka sasabay"
"W..wala akong phone" Palusot ko.
Napatampal siya sa Noo "Wag na nga! ako na lang tatawag. Kaya kung pwede pumasok ka na? Bago pa maginit ang ulo ko"
"Pero si Aki-"
"Wala nang pero pero, pasok na"
Hindi na ako nakatanggi dahil hinatak na niya ako paloob.
"Upo ka muna, kukuha lang ako ng pagkain"
"S..sige"
Anong meron at parang sinaniban ang hambog na to?
Umupo ako sa sofa, samantalang pumunta siya sa ref at binuksan ito.
"Anong gusto mo? May box ako ng pizza dito, iooven ko na lang o magluluto ako ng spaghetti?"
Saglit akong natutula, ito ba ang tinatawag na himala? Ambait ni hambog ngayon.
"A..ano okay na sakin yung pizza"
"Okay" Kinuha niya ito at isinalang sa oven.
Habang naghihintay, lumapit ako sa kanya. Di kase ako mapakali kay Aki.
"Kn..nite"
"Hmmm?" Tugon nito habang nakatingin sa Oven.
"A..ano natawagan mo na si Aki? Baka kase naghihintay siya sa field"
Nagulat ako nang bigla niyang hinampas ang lababo.
Kinuha niya ang phone niya at inabot sa akin.
"Oh ikaw na tumawag tsk. Pagkatapos niyan wag na wag mo nang mabanggit yung lampa na yun harap ko"
"O..okay? Anong password?"
"Panget as in P A N G E T, wag kang magassume na ikaw yan." Umiwas siya ng tingin "A..ano lang, trip ko lang yan"
Tamo to password lang ang tinanong ko andami agad sinabi.
Bumalik ako sa Sofa at hinanap ang contact ni Aki, agad ko itong tinawagan. Nakakatatlong ring palang sinagot na niya.
[ Knite, Nasan si Kea?"]
"Ako to, Aki"
[Kea?! Nasaan ka na? Bakit na sa'yo yang phone ni Knite? May pinapagawa ba siya sa'yo? Kumain ka na? Bakit hindi mo ko pinuntahan?! Nagugutom na ako!" ]
Natawa lang ako sa sunod sunod niyang tanong. Bigla ko kaseng naimagine yung mukhang niyang frustrated dahil sa'kin. Ang cute lang.
[Bakit mo ko tinatawanan liit! Mamatay na ako sa gutom dito oh. Hindi ka man kang ba naawa sakin?! ] Para siyang bata na nagtatantrums
"Mauna ka nang kumain. hindi ako makakasabay--"
Natigilan ako dahil hinatak ni Knite ang phone.
"Narinig mo yun lampa? Kumain ka na dyan sakin sasabay si panget tsk. geh" sabay baba ng phone.
Nakabusangot na umupo si Knite sa tabi ko.
"Kumain ka na panget, mamaya ka na makipaglandian sa lampang yun" sabay lapag ng pizza sa harap.
Teka, ano sabi niya? Makipaglandian?!
"H..hindi ako nakikipaglandian"
"Hindi daw pero kung makatawa wagas tsk"
"Sabi ng hindi e!"
"Tatanggi pa. porket nagmukhang tao na yung lampang yun nilalandi mo na?"
Dumampot siya ng pizza "mas gwapo naman ako dun"Hindi ko masyadong naintindihan yung huli niyang sinabi. Pansin ko lang, ang hilig niyang bumulong. Ano?
Ah basta bahala siya dyan, Isipin niya ang gusto niyang isipin. Kakain na lang ako , kanina pa ako nagugutom.
Sinimulan ko na ang pagkain ng pizza. Ang sarap! sa sobrang sarap di ko namalayang nakaanim na slice pala ako.
Biglang tumawa si hambog "Langya panget hahaha anlakas mo palang kumain. Anong meron sa tyan mo? dragon?"
Hindi ako nakasagot dahil bigla akong dumighay.
"Fuck hahahaha para ka talagang si Cy!" Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko "Andungis mo rin kumain"
Nailang ako sa ginawa niya kaya inagaw ko ang issue at ako na ang nagpunas."Sinong Cy? Yung Cyrene ba?"
Sino ba yang babae na yan at laging nakukumpara sakin?
Pagkasabi ko nang pangalan na Cyrene, biglang sumeryoso si Knite "Tsk, ano bang nakwento sa'yo ni lampa?"
"First love mo daw"
Ngumisi siya "Yeah First love ko nga si Cy pero may kulang sa kwento niya"
"A..nong kulang?"
"First love NAMIN si Cy at Ex siya ni Lampa"
Napatayo ako sa gulat "A..no?!" Shocks, Ex pala yun ni Aki?
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.