BTG 27: It hurts

11.3K 282 36
                                    

[Keallyn's POV]

Napadilat ako nang marinig ko ang alarm ng cellphone ko.

Damn sobrang inaantok pa ako. Parang ayoko nang tumayo sa queen size na kama ko dito sa mansyon. I miss this bed, ibang iba talaga to sa cheap na kama ko sa apartment.

I streched my arm and yawn. Kahit na sobrang inaantok pa ako, kailangan ko nang bumangon. Bago kase magsimula ang training namin, may early meeting pa ako sa mga tauhan ko ngayon para sa report nila about sa business ko.

Muling nagalarm ang Cellphone ko kaya agad ko itong dinampot para patayin. Napangiti ako nang mabasa ang notification na nandito.

'ITS TIME TO WAKE UP, LIIT!'

Ito yung notification na ginawa ni Aki noon.

Speaking of Aki.

Biglang nagflash back sa utak ko yung time na hinalikan niya ako.

Agad akong bumangon at ginulo ang buhok ko.

"Argh Keallyn~ Its just a kiss! Forget about it!" para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.

I shake my head at tumayo na para makapagshower.

Tapos ay agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto.

Bago bumaba, tinitigan ko muna ang pinto sa kaliwa ng kwarto ko. Sabi ni ninong, dyan daw ang kwarto ni Aki simula nang tumira siya dito sa mansyon pero hindi ko pa siya nakikita simula ng umuwi ako kagabi.

Huminto ako sa tapat ng pinto. kakatukin ko palang sana ang pinto nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin si Aki.

kumunot ang noo niya nang makita ako.

oh shit.

Ramdam ko ang malakas ng heartbeat ko at bigla akong nailang dahil naalala ko nanaman yung halikan namin kahapon.

But i maintain my pokerface and calm posture.

"Yes ms Wibbleton? may sasabihin ka po ba?" Cold na tanong niya sakin.

Para akong naubusan nang salita dahil sa cold treatment na binibigay niya sakin kaya hindi agad ako nakasagot.

Mukhang nainip siya kaya he just tsk-ed at nilagpasan ako na para bang hindi ako nageexist sa harap niya.

Duon ko lang napansin na may dala dala siyang maleta.

Agad akong tumakbo at humarang sa harap nya kaya huminto siya.

"San ka pupunta? Bakit dala mo yan?" tanong ko sabay turo sa maleta nya.

"Aalis na ako dito, I decided na idecline ang offer mo sakin bilang personal keeper mo" sagot niyang habang di nakatingin sakin.

Umiling ko "No way Aki! Nakapirma ka na sa kontrata natin"

Humarap siya sakin "Then file a case in court against me"

"p..pero kasama sa kontrata na once na di mo sundin ang contract, p..papatayin kita" bigla akong nanghina sa huli kong sinabi.

May nilabas siyang balisong at binuksan ito sabay abot sa kamay ko.

"Alam ko ms.Wibbleton kaya sige patayin mo na ako" inalalayan pa niya ang kamay ko na itutok ito sa leeg niya.

Inagaw ko ang balisong, sabay hagis pababa, No way ni ayaw ko ngang masaktan siya ng iba tapos papatayin ko pa?

Hinawakan ko ang kwelyo niya.

"You asshole! Bakit ka ba nagkakaganito ha?! Bakit mo kailangang umalis"

"Because i need to, master"

"Bullshit ka Aki, stop calling me master! and why do you need to leave me!" pabalagbag kong binitawan ang kwelyo niya.

Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at naglean para bumulong sakin.

"For your safety Keallyn, ayokong magaya ka kay Cyrene"

"Are you kidding me?! for my safety?" takang tanong.

Hinawakan niya ako sa balikat at bahagyang ngumiti "Hindi mo pa alam kung sino talaga ako, mapapahamak ka lang pag kasama mo ko Kea"

"Wala akong paki kung mapahamak ako, i can protect myself Aki....Just dont leave please" pabulong lang ang huli kong sabi.

May part sakin na sobrang tutol sa pagalis to the point na parang nagmamakawa na ako sa kanya. Na para bang malaki siyang kawalan once na umalis siya ngayon.

In this situation may narealized ako.

I like him.

Yeah, May gusto ako kay Akihiro Aruta, sa isang lalampa lampa at mahinang nerd noon na lagi akong nililigtas.

"Kahit anong sabihin mo aalis pa rin ako, unless kung papatayin mo ako ngayon mismo"

"Are you nuts? Hindi ko kayang patayin ka!" sigaw ko

ngumisi siya "Bakit Kea? diba ito naman ang gawain mo? ang pumatay"

Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

"Oo mamatay tao ako pero iba ka Aki hindi ka basta basta lang, importante ka sakin"

he smirked "Pano yan master?, the feeling is not mutal. Hindi ka importante sakin, Simula nang dumating ka sa buhay ko, ilang beses na akong muntik mamatay. Alam mo,
nagsisi nga ako kung bakit pa kita nililigtas noon e"

Natigilan at natulala ako sa sinabi niya.

"Geh kung wala ka naman palang balak na patayin ako, aalis na ako" Nilagpasan niya ako at pumunta siya sa gilid ko "Ito na sana ang huling paguusap natin"

At tuluyan na siyang umalis.

Nanatili ako sa pwesto ko at napayuko ramdam ko na ang likidong malayang lumalandas sa pisnge ko.

Nanghihina ang tuhod ko.

why do i feeling this? mayroong something sa puso ko na para ba akong sinasaksak ng paulit ulit.

Masakit.

sobrang sakit.

I am a heartless queen right? pero bakit nasasaktan ako ng ganito?

[Akihiro's POV]

Kahit na nandito na ako sa Hokusai palace, parang naririnig ko pa rin ang ang paghikbi niya nang umalis ako.

'Sorry sa masasakit na salita Keallyn'

Ginawa ko lang yun para magalit ka sakin, para pag umalis ako hindi ka masyadong maapektuhan.

pero kabaligtaran ata ang nangyari. napaiyak pa kita.

kailangan ko talagang umalis.

Dahil pag nanatili pa ako sa tabi mo.

Baka magaya ka kay Cy, baka patayin ka rin nila.

Napahinto ako sa paglalakad nang may pawisang Lalaki na may bitbit na katana ang sumalubong sakin sa harap ng Hokusai palace.

"Master Akihiro?"

Tanong nito. kahit na naguguluhan ay tumango lang ako.

Binaba nito ang katana at para bang yumuko sakin.

"Welcome to Hokusai palace master Akihiro, the prince of all Shinobi and the future mafia lord of Hara Organization"

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon