BTG 19: Second Encounter

13.4K 326 18
                                    

[Akihiro's POV]

Kanina pa ako naiilang sa kinikilos ni Liit. Pangiti ngiti siya tapos lilingon sa'kin sabay iiling habang nakangiti. After akong ayusan ni ms bubbles kanina, naging ganyan na siya. Haay hindi siguro bagay sa'kin kaya ganyan siya. Ang panget ko siguro.

Huminto siya sa isang stall na puro cap. Kumuha siya ng tatlong black at nagbayad sa counter. Pagbalik agad niyang binigay kay Knite ang isa "Magcacap tayo mamaya paglabas natin, baka may makakilala nanaman sa'kin sa labas. Nagiingat lang wala pa naman akong dalang weapon ngayon" then lumapit siya sakin, nagulat ako ng bigla siyang tumalon at isinuot sa'kin ang isang cap "yan bagay sayo" nakangiti niyang sabi sabay tap sa balikat ko.

Ano kayang nakain ni Liit at bakit ambait bait niya ngayon? Pero ayos na to kesa sa masungit siya, baka tadtarin na naman ako ng bala.

"Kahit naman may makakilala sa inyo sa labas malady, safe pa rin kayo. I have two pistol here" sabi ni Knite. Sabay sabay angat ng gilid ng Jacket niya.

Woah may baril nga.

"Good. Incase na may mangyari mamaya, ibigay mo kay Akihiro yung isa"

Ano?!

Tututol na sana ako pero naunahan ako ni Knite "But malady, hindi siya marunong"

Huminto sa paglalakad si liit at humarap sa'min "Says who? sa huling pagkakaalala ko, the last na naghawak ng baril si Akihiro may napatay siyang dalawa para iligtas ako" proud na sabi ni Liit.

Kung siya proud pwes ako hindi! Hanggang ngayon nakokonsensya pa rin ako pero ayoko lang sabihin kay liit baka magalit nanaman siya.

"Dalawa? itong lam- si Aki nakapatay na ng dalawa?!" gulat na sigaw ni Knite.

Natigilan kami dahil halos lahat ng tao malapit sa'min dito sa mall napatingin kay Knite.

"Ah Oo dalawang ipis haha?" pagpapatuloy niya,

hooo! muntik na.

Tinitigan siya ng masama ni Liit, she just tsk-ed at nauna nang maglakad papuntang exit. Mukhang malalagot si Insan mamaya.

Paglabas agad niyang sinuot ang cap, pumunta kami ni Knite sa kabilaan niya para takpan siya. May chance kase na madali siyang makikilala dahil sa kulay pula niyang buhok.

I felt relieved nang makasakay kami ng ligtas sa van nila.

Umupo si Knite sa passenger seat habang kami ni Liit sa likod.

"Saan na po tayo ma'am" Tanong ng driver kay Liit.

"Wala na kaming pupuntahan, sa mansyon na ni dad" maotoridad na sabi ni liit.

Tumango lang ang driver at pinaandar na ang sasakyan.

"Knite" habang nasa byahe, bigla niyang tinawag si Knite

lumingon si Knite sa'min "Yes malady?"

"why the heck are you shouting at mall like a freaking teenage girl huh? Di mo ba kayang patahimikin yang bunganga mo?"

"sorry malady, nabigla lang ako sa sinabi-"  She cut him off.

"The next time na gagawin mo yun, i swear ako mismo puputol nyang dila mo"

Pareho kaming napalunok ni Knite sa sinabi niya. T..teka seryoso ba siya sa part na puputulin yung dila?

"promise malady di na mauulit" then tumingin na siya sa harap.

"Siguraduhin mo lang tsk"

Hindi na ako umimik, baka pag nagsalita pa ako, ako naman sigawan niya. Tumingin na lang ako sa labas.

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon