[Keallyn's POV]
Kasalukuyan akong nandito sa starbucks, malapit sa school namin, halos 15 minutes na rin akong nakaupo dito at hinihintay ang bago kong keeper, si Aki.
Napagdesisyunan ko kaseng dito kami magusap. After pumayag ni Aki, sinabi ko sa kanya na ngayon namin paguusapan ang tungkol sa pagiging personal keeper niya. Kung ano ang mga dapat niyang gawin at hindi. Tapos ay didiretso kami sa mall para na rin bilhan siya ng damit at mamake over na tsk Ayoko magkaroon ng personal keeper na baduy manamit.
"S..sorry master, Im late"
Bungad ni Aki, sabay upo sa harap ko.
"Its okay, wag mo na lang gawin next time. Di pa naman ako sanay na pinaghihintay ako"
"o..opo m..master"
Napangisi ako sa inaasta niya, aww masyado atang kinakabahan ang bagong keeper ko.
"So simulan na natin sa rules and regulation?"
"S..ige"
"First, ayaw na ayaw kong tinatawag akong master, lalo ka na. Just call me Keallyn o Kea pag tayong dalawa lang pero pag nasa harap tayo ni Knite o ng ibang tauhan ko, call me malady. Okay?"
"Noted, mas- Kea"
"good, next ikaw lang ang nakakaalam ng pagdidisguise ko. Kaya once na may ibang makaalam, ikaw lang ang pwede kong sisihin at i swear pag nangyari yun ihihiwalay ko yang ulo mo sa leeg mo"
Namutla siya sa banta ko" P...pano pag si Knite--"
"Walang alam si Knite at wala akong balak sabihin sa kanya"
"B..bakit?" kita ko ang takot at pagkalito sa mukha niya.
"e sa ayaw ko, paki mo ba?"
Ang totoo, si Aki talaga ang main reason kung bakit ayokong sabihin kay Knite. Once na malaman ni Knite na ako ang nerd na binubully niya, alam kong magbabago din ang pakikitungo niya kay Aki. Mapipilitan itong maging mabait sa kanya, plastic kumbaga. Which is ayaw na ayaw kong mangyari.
Gusto kong manatili ang arrogance ni Knite towards Aki. Then tuturuan ko si Aki kung paano tapatan si Knite. Sounds Exciting Right?
"Ikaw lang ang makakaalam ng secret ko Aki, mapagkakatiwalaan ba kita?"
"opo"
"Pwede ba pag tayong dalawa lang, maging komportable ka sakin. tratuhin mo ko na parang dati lang."
"Pero ibang iba ka na kase, nakakatakot ka na" bulong niya habang nakayuko.
That word 'nakakatakot' bat pag sa ibang tao, okay lang sakin na marinig yan even take it as a compliment. Pero pag kay Aki, ayoko? Ayokong matakot siya sa'kin.
Hinawakan ko yung kamay niyang nakapatong sa lamesa. Nginitian ko siya "wag kang matakot, ako pa rin to. Si Kea! yung nerd na lagi mong tinatawag na liit, yung nerd na lagi mong nililigtas"
Namumula ang tenga niya habang nakatingin sa kamay namin. Agad ko itong binitawan. Fuck! baka anong isipin ni Aki.
Nabalik lang ako sa huwisyo nang bigla siyang tumawa. "Cute mo talaga pag nagugulat hahaha"
"Yan, mas maganda yung ganyan. Hindi ka kinakabahan. Pero last mo na yan sa patawag sa'kin ng cute tsk ngayon lang kita pagbibigyan"
"Okay, so yung liit pwede?"
"Patayin kita, pwede?" sarkastiko kong sabi.
"Sabi ko nga hindi Hehe"
"Madali ka naman pala kausap, anyway about sa training ang paguusapan natin. Since ako naman ang may-ari ng school na pinapasukan mo. Inexcuse na kita pati si Knite ng 3 months para makapagtraining kayo araw araw"
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.