[Akihiro's POV]"hmm Mr. keeper, Maya maya darating na si Knite galing ospital. " walang lingon lingon at Cold na sabi ni Liit sa'kin. Tuloy tuloy lang siya sa pagtakbo
Kasalukuyan kase kaming nakasakay sa threadmill ng Gym nila.
Hininto ko muna ang threadmill at humarap sa kanya "Pwede na siyang makalabas Kea?" tanong ko.
Huminto rin siya sa pagtakbo at nakapameywang na humarap sa'kin "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na tawagin mo kong malady at wag na wag sa pangalan ko ha?. Personal keeper lang' kita kaya wag kang mag feeling close" Sabay talikod at walkout.
Napakamot na lang ako sa cold treatment na binibigay niya sa'kin. After nung time na may nasabi akong di maganda sa kanya, naging ganyan na ang pakikitungo niya sa'kin. Lagi na niya akong binubulyawan at tinatarayan. Pag nagtre-training naman kami lagi niya akong pinahihirapan.
Sobrang sama pa rin ng loob niya sa Akin. Aaminin ko, naging Jerk ako nung time na yun, dala ng galit may nasabi akong di maganda about sa family background niya. Sobrang naguguilty tuloy ako sa tuwing naaala ko yung maamo niyang mukha na papaiyak. Gusto kong magsorry pero sa tuwing magsasalita pa lang ako, lagi na niya akong inuunahan ng sigaw o di kaya'y pagtataray niya.
Gusto ko nang makipagbati sa kanya! Pero paano?
Nahinto lang ako sa pagiisip nang pumasok si tito Ricky sa Gym.
"Akihiro, pinapatawag ka ng master mo. Nasa sala siya, kasama na ang pinsan mo"
Nandyan na si Knite?
"Susunod na po"
Agad akong nagpunas ng pawis, at kumuha ng bagong t-shirt bago bumaba.
Pagkababa ko, kita ko si Knite na nakaupo sa wheel chair, habang masinsinang nakikipagusap kay Kea. Ibang iba sa pinsan ko na laging nambubully sa'kin sa school. Napakaseryoso at Kagalang galang niyang tignan sa suot niyang tuxedo kahit na puro gasa pa ang ulo niya.
I wonder, paano kaya pag nalaman ni Knite na ang master at ang nerd na binubully ay iisa? Ano kayang magiging reaksyon niya?
Interesting haha.
Sabay silang napatingin sa gawi ko dahil siguro tunog ng yabag na nililikha ko.
Nanlalaki ang mata ni Knite habang nakaturo sakin "A...anong ibig sabihin nito malady? bakit nandito yang lampa na 'yan?"
"Siya ang sinasabi kong magiging partner mo Knite"
maotoridad na sabi ni Kea.Bakit pag si Knite tinatawag niya sa pangalan? pag ako mr keeper lang. Ang Unfair mo malady! huhu
"Ano?! Kapartner ko yang lampa na 'yan?! seryoso ka malady?" sigaw ni Knite.
Nagkibit balikat lang ako kay Knite at umupo sa harap niya.
"Mukha ba akong nagbibiro? at pwede ba stop calling him 'lampa' sa pagkakaalam ko magpinsan kayo diba? Bakit parang anlaki ng galit mo sa kanya ha"
Hindi nakasagot si Knite at tinitigan lang ako ng masama. Kitang kita ko kung gaano nagigting ang panga at pagyukom ng kamao niya.
Naiintindihan ang kinikilos niya ngayon, Dahil alam kong malaki ang galit niya sakin.
May nagawa kase akong malaking kasalanan sa kanya 'noon'. Dahil sa'kin may mahalagang tao sa buhay niya ang nawala.
At sa tingin ko hinding hindi na niya ako mapapatawad.~~~
Nang matapos na ang usapan namin, agad na pinapunta si Knite sa Kwarto niya para makapagpahinga.
Bumalik kami sa Gym ni Kea para ituloy ang daily routine namin. Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para makipagayos sa kanya
"psst" tawag ko pero hindi siya lumingon, patuloy lang siya sa pag curl up.
"Malady" hindi pa rin ako pinansin "Kea" ayaw pa rin. Eto tignan natin kung di siya lilingon "Liit!"
Gotcha! tumingin din siya kaso parang papatayin naman ako sa pagtitig niya.
Lumapit ako at lumuhod sa harap niya.
"Sorry na oh, wag ka nang magalit please." binigay ko pinakasinsere na smile ko sa kanya "Di ko naman sadya yung nasabi ko, Masyado akong tuliro nung time na yun at saka di ko naman alam na ganun pala yung n..nagyari sa magulang mo."
"oh Ngayon alam mo na tsk"
"Oo, so please bati na tayo, ayoko na ng cold treatment mo liit" Nagpacute talaga ako para di niya ako matiis haha!
Nabuhayan ako ng ngumiti siya pero agad din siyang ngumuso para pigilan. Cute haha.
"parang kang bata tsk"
"aysus, kunyari payan pero ngumiti siya kanina~ So ano di ka na galit?"
"galit pa rin, pero may alam akong way para mawala to"
"ano? kahit ano yan gagawin ko"
she smirked "sumunod ka sakin"
Ewan pero bigla akong kinabahan sa pagngisi buya. Parang may gagawin siyang di maganda.
[Keallyn's POV]
What the hell was happening to me?!
I almost smile nang magact si Aki na parang bata kanina. Dapat galit ako sa kanya at isa pa hindi ako to! hindi ako napapangiti nang ganung kababaw na dahilan. Argh! ano bang nangyayari sakin?
"Anong gagawin natin dito?"
Tanong ni Aki nang makapunta kami sa garden. May balak kase akong gawin sa kanya."Gusto mong mawala yung galit ko diba?"
"Oo naman!"
masigla niyang sagot."hmm Good, pumwesto ka doon" .sabay turo sa plywood na ginagamit ko sa target shooting.
"a..anong gagawin ko dyan?"
"Basta tumayo ka lang dyan, wag nang magtanong"
"Bakit parang kinakabahan ako sa gagawin mo?" sabi niya sabay tayo sa target shooting.
talagang kabahan ka na.
Kinuha ko ang baril na nasa mesa at ikinasa.
Mukhang nagulat si Aki sa ginawa ko
"Kea! para san yan!" sigaw niya.
ngumisi ako "Para i test kung gaano ka kabilis!"
"Kabilis?" takang tanong niya.
"Kung gaano ka kabilis umiwas sa bala ko"
Pero bago pa man siya makareact nagpaputok na ako.
Natawa ako sa reaksyon niya, para siyang bata na nagsisigaw "Ahhh, liiiiit papatayin mo ba a--"
Nagpaputok ulit ako. Wala naman akong balak na patamaan siya, sobrang layo kaya hahahaha trip ko lang talaga si Aki ngayon.
Since napatawa naman niya ako, i guess mapapatawad ko na siya sa ginawa niya sa'kin. wag lang niyang uulitin, baka tuluyan ko na siya sa susunod
just kidding
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Ação"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.