BTG 7: Cyrene?

17.5K 392 16
                                    


Gaya ng nakagawian. Pagpasok na pagpasok ko palang ng gate, sinalubong agad ako ni Akihiro na todo kaway pa sa'kin. Halos araw araw din niya akong hinihintay dito kaya nakasanayan ko na.

"Psst Keallyn!"

Bilib na talaga ako sa pagiging positive thinker  ng nerd na'to. Sa kabila ng pinagdaan niya kahapon  at pagpapahirap sa kanya ni Knite this week, nakukuha pa rin niyang ngumiti at tumawa.

Sumabay siya sa paglalakad "Bakit ba lagi kang nale-late?"

"tinatanghali lang ng gising" sagot ko pero ang totoo ay nalalate ako, dahil sa paglalagay ng cosmetic na pimple.

Natulala siya sa kawalan parang may iniisip tapos biglang pumalakpak na parang may narealize "aha!  akin na yang phone mo"

"eh? bakit?"

"basta akin na!"

No choice ako at binigay sa kanya ang phone kong mumurahin, ano nanamang gagawing ng nerd na'to?

May tinype siya sa phone ko at agad din itong binalik sa'kin.

"yan na"

"Anong ginawa mo?"

"Alarm para di ka na malate hehe"

Tinignan ko yung alarm at halos maginit ang ulo ko sa nabasa kong note na lalabas tuwing magaalarm.

'ITS TIME TO WAKE UP LIIT!"

What the fuck, Ako maliit?!

"H..hindi naman ako maliit, okay naman yung 5 flat!" sigaw ko sabay sapak sa braso niya.

Uh, oh.

Napalakas ata ang sapak ko, sa sobrang lakas, tumama siya sa pader sabay salampak sa lupa.

"ahh!" sigaw niya habang iniinda ang sapak ko. Namimilipit na siya sa sakit "Babae ka ba talaga? bakit anlakas mo sumapa-Ouch"

Psh bagay lang 'yan sa'yo, wala pang umiinsulto sa height ko, palibhasa six footer ka kaya anlakas mong manlait tsk.

Pumantay ako ng upo sa kanya "s..sorry"
sabay himas part na sinapak ko.

"Aray!" pfft Ang OA naman nitong magreact, parang diniinan ko lang haha.

"ha...hala s..sorry"

"Aish, mukhang magkakapasa ata ako. Grabe ka liit anlakas mong sumapak"

Aba't talagang pinanindigan niya ang pagtawag sa'kin ng liit.

"Hindi nga sabi ako ma..malii--"

"Hoy Lampa at panget! Ang aga nyo nag p PDA dyan tsk" Agad kaming napatayo ng marinig namin ang boses ni Knite.

"Kanina ko pa kayo inaantay sa room, nasan na yung bag ko?"
maangas niyang tanong.

"Eto oh" inabot ni Akihiro ang bag niya. Naku kung ako yan, ibabato ko yan sa pagmumukha niya.

"may mga notes at assignment na ba to?"

"Oo meron na" Sagot ko.

"Good, umakyat na kayo doon sa room. Gawan niyo rin ng assignment si Ynah"

Aba't! kapal talaga ng mukha ng gago na to, wala naman sa usapan namin na pati sa girlfriend niyang mukhang clown magpapaalipin kami.

Magsasalita na sana ako para tumutol pero naunahan ako ni Aki.

"Sige sige" sabay hatak sa'kin papuntang room.

Letse, umiiral nanaman ang pagiging duwag at uto uto niya tsk.

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon