BTG 29: Girlfriend lol

9.5K 250 7
                                    

[Knites POV]

"Be my girlfriend, malady, sasabihin ko lahat sa'yo" bulong ko sa kanya.

I do my best para magmukhang seryoso sa sinabi ko. Sa totoo lang, gusto ko lang naman siyang pikunin. Kahit na nagiging sadista siya, ansarap lang titigan ng mukha niyang gigil na gigil sakin.

At isa pa, kahit naman walang kundisyon, sasabihin ko pa rin sa kanya ang lahat ng nalalaman ko about Hara Org. She is my master at kasama sa trabaho ko yun.

Humanda na ako sa pagsigaw niya o pagsapak sakin.

Pero sobrang layo sa ineexpect ko ang naging reaksyon niya, she just smiled. Yung ngiting parang nangaakit?

'The fuck, anong nangyayari kay malady, Don't tell me na seseryosohin nya yung sinabi ko?

Nagtaasan ang balahibo ko nang hinawakan niya ang balikat ko at marahang hinamplos ang kamay niya pababa hanggang abs ko. Hinawakan din niya ang kulay silver kong necktie at niluwagan ito.

Damn biglang uminit, Fuck it hormones magpigil kayo!

Tumingkayad siya at bumulong sakin "Girlfriend ba Knite? andali naman ng kondisyon mo" she said using her seductive voice.

Nanuyo bigla ang lalamunan ko, di agad ako makapagsalita.

T..totoo ba to? Pumapayag ba siya?

Hinatak niya ako gamit ang necktie hanggang sa makarating kami sa desk. Umupo siya sa dito at pinulupot ang binti sa bewang ko.

"T.eka Malady, pumapayag ka?"

Hinatak niya ang necktie ko pababa para magpantay ang mukha namin. "Oo ba, basta papayag ka rin sa susunod kong gagawin sayo" sabi niya habang nakatingin sa labi ko sabay kagat sa kanyang labi.

Darn it, ang hot niya tignan!

"Ano bang gagawin?" i asked

Hindi siya sumagot sa halip ay tinanggal lang niya ang pagkakapulupot ng binti niya. Tinitigan ko ang gagawin niya at nagulat ako nang unti unti niyan inaangat ang kanyang above Knee na black skirt.

Ito ba yung gagawin niya?

oh men! Heaven.

Bigla niyang hinawakan ang baba ko at iniharap sa mukha niya.

"Hep hep hep, sakin ka lang tumingin baby."

Naks baby daw.

"Sige papayag na ako maging girlfriend mo, basta ba pumayag kang....." pagbibitin nito.

"Pumayag na ano?" sabik kong tanong.

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya, mula sa seductive smile napalitan ito ng ngisi.

At nakaradam ako ng matulis na bagay na nakatutok sa kaliwang dibdib ko. Pagtingin ko, tinutukan na pala niya ako ng kutsilyo.

"Payag ako, basta ba pumayag ka na ibaon ko tong kutsilyo sa puso mo gago"

Fuck nagood time ako.

"Sige ibaon mo na, tutal nasaktan na rin naman ang puso ko sa ginawa mo, gawin mo nang literal" pagdradrama ko.

she smirked "As you wish" tapos bumwelo.

Agad kong hinarangan ang kamay niya "Masyado ka namang masurin malady, joke lang yun"

She just tsk-ed

"Ganto na lang, since may kutsilyo ka naman. Yan na lang ang gagamitin ko Para sa kundisyon ko"

"Paano?"

"itutok mo ulit sakin yan"

Agad niyang sinunod "Tapos?"

"In ten Seconds itatry kong agawin yan sayo, using this" sabay kuha ng ballpen sa loob ng suit ko.

"Ten seconds? Easy."
Prente niyang sagot

Ngumisi lang ako "Pag naagaw ko sa'yo yan. Papayag kang maging girlfriend ko at wala kong sasabihin tungkol sa Hara organization, deal?"

"Okay deal, Pero pag di mo naagaw, ikukwento mo ang bawat detalye ng lintik na Organization na yun at... Gagamitin kita sa target shooting ko bukas"
Napalunok ako sa huling sinabi niya. Ang brutal talaga niya.

"Game"

Pumunta kami sa gitna ng library room. Agad niyang itinutok ang kutsilyo sakin.
Itinaas ko rin sa ere ang kulay silver na fountain pen na hawak ko.

Tutok na tutok siya sa hawak kong ballpen. Siguro ay iniisip niya kung ano ang gagawin ko rito.

Malakas kong hinagis pataas sa ere ang ballpen, sinundan niya ito ng tingin.

At dahil nadistract siya sa ballpen, Ginamit ko ang Three seconds para agawin ang kutsilyo sa kanya.

Ginamit ko ang kanan kong kamay para hawakan ang wrist niya sabay tupi nito pataas kaya lumuwang ang pagkakahawak niya dito. Gamit naman ang kaliwang kamay inagaw ko na sa kanya ang kutsilyo.

Saktong pagbagsak ng Pen sa semento, natutok ko na kay Malady ang kutsilyo.

Gulat na gulat siyang tumingin.

"Pano ba yan malady, girlfriend na kita at bilang regalo sa first day natin. Ikwekwento ko pa rin ang tungkol sa Hara Organization. Ang swerte mo, mabait akong boyfriend"

Then the next thing I knew, pinagsasapak na niya ako sa Dibdib "You asshole, hindi kita boyfriend!" Sigaw niya.

Natawa lang ako.

Ang cute ng girlfriend ko mapikon

Behind Those Glasses (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon