[Keallyn's POV]
Mapakla akong natawa nang magsink in sa utak ko ang lahat ng sinabi nila.
Ikakasal kami ng pinakaiinisan kong lalaki bukas.
Siguro...kung hindi niya pinatay si Knite, masaya ako ngayon.
Maybe, I am the most happiest women on Earth. Ikakasal ako sa lalaking mahal ko.
Kaso....
Lahat ng pagmamahal na nararamdam ko sa kanya, napalitan na ng galit.
Galit ako sa kanya.....SOBRA.
Ang mas kinaiinisan ko pa, simula nang dumating ako sa Pilipinas. Planado na pala lahat.
Para akong tauhan sa isang palabas na pinaikot at pinagmukha nilang tanga. Andami kong pinagdaanan ng dahil sa pagdidisguide ko.Ang masaklap pa, kung sino pa ang taong pinagkakatiwalaan ko siya pa ang gumawa sakin nito.
I feel alone and Hopeless.
Feeling ko wala akong kakampi.
Lahat sila pinagkakaisahan ako.
Useless din kung tatanggi ako sa kanila at lalaban. Isa pa, di ko na maatim ang may mamatay na inosenteng buhay nang dahil sakin.
mrs. Keallyn Wibbleton Aruta? Is not a bad idea, i guess.
"Dito na po" sa sobrang pagiisip ko, di ko namalayang nandito na pala kami ng mayordoma sa sinasabi nilang magiging kwarto namin ni Aki.
Tumango lang ako sa kanya at pumasok. Susunod sana siya pero di ko na siya pinapasok. "I want to be alone" mariin kong sabi.
"Pasensya na po madam, pinapasabi din po pala ni master na pauwi na siya"
nakayuko nitong sabi."The hell i care, pakisabi na rin sa master mo na wag na wag siyang magpapakita sakin"
"P..pero--"
Di ko na siya pinatapos at malakas kong ibinagsak ang pinto. Nilock ko rin ang doorknob nito.
Napahinga na lang ako nang malalim habang pinagmamasdan ang buong kwarto. Kagaya sa sala, Everything was made in black and red. Ang kaibahan nga lang, may kulay gold din na umiibabaw, para bang kwarto ito sa isang 7 star hotel. Sumisigaw ang karangyaan, doble ang laki nito kumpara sa kwarto ko sa mansiyon ni Dad.
Hinubad ko ang suot kong red sandals at patalong umupo sa malambot na kingsize bed. Sandali kong hinulot ang paa ko, i bit my lip. damn! naka 3 inches heels ako habang umakyat ng bundok kanina. Kaya medyo kumikirot.
Tapos ay patihaya akong humiga, Sa sobrang sarap higaan ng kama. After a few minutes nakatulog ako.
~~~Nagising ako nang may malambot na bagay ang dumampi sa noo ko.
"Liit" rinig kong bulong ng sobrang pamilyar na boses. Nakarinig ako nang malalim na paghinga "God knows how much i miss you" ramdam ko ang hinanakit sa boses niya.
Nanatili akong nakapikit, ayokong makita ang pagmumukha niya.
Pinakiramdam ko ang heartbeat ko.
Shit
Bakit....
Ang Bilis?
Agad akong dumilat, nagulat ako dahil inches apart lang ang layo ng mukha namin.
Agad ko siyang natulak dahilan para mapahiga siya sa kama.
Nararamdam kong uminit ang pisnge ko.
Mariin akong napapikit. Darn it! Yung epekto niya sakin. Di pa rin nagbabago.
"Get...out Aki" cold kong sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (Completed)
Action"I am a Mafia Queen who turns into a freaking Nerd" - Keallyn a.k.a Venom. ____ This story contains some scenes and languages that are not suitable for young audiences. Read at your own discretion.