Sa wakas ay ubos na rin ang paninda ko ngayong araw. Kailangan kong umuwi agad kasi nasa bahay si nanay at may lagnat. Kailangan kong magluto ng pagkain.
Lumabas ako ng Palengke at naglakad. Medyo malayo pa rin kasi ang lalakarin ko papuntang sakayan ng tricycle. Medyo padilim na rin.
Nag abang ako ng sasakyan pero hindi ako makasakay kasi punuan na. Lumipat ako ng pagbabantayan. Ngayon ko lang na pansin na madilim na pala at naririto ako sa mukhang eskinita.
Ang ginawa ko, naglakad ako papunta sana sa lugar ulit na posibleng dadaanan ng sasakyan.
Hindi ako mapakali sa nilalakaran ko. Isiniksik ko ang benta ko kanina na limang libo sa bulsa ng suot kong pantalon.
"Ayon, pare! Siya ang tinutukoy ng mga tao na magandang babae na napadpad sa baybayin. Ang kinis! Jackpot tayo rito." Nagsikuhan ang dalawang humarang sa daraanan ko. Bitbit ko parin ang isang banyera, at dalawang malalaking basket na pinaglagyan ng gulay at isda.
"Oo nga pare. Mukha siyang anghel. Ako ang una pare ah? Hawakan mo muna siya." Sabi nung isa. Ako yata ang Tinutukoy nila dito. E ako lang naman at sila ang tao dito banda.
Napakunot ang noo ko nang pumasok lahat sa isip ko ang balak nila.
Hinawakan ako sa braso ng lalaking medyo mataba tapos marahang hinimas na nagpataas ng balahibo ko.
Nandidiri ako sa dalawang ito. Balak ba nila akong gahasain?
"Wow pare, ang kinis nga. Ako muna ang una pare. Mamaya ka na pagkatapos ko." Tinapik niya ang kasama niya na ikina atras ko.
"Ayaw yata sayo ni ganda. E ako muna ang una!"
Umatras pa ako ng kaunti habang nakangiti sila ng malapad na palapit sa akin.
Nahawakan ulit ako ng isa sa braso at hindi ko na alam ang susunod na ginawa ko.
Nakita ko nalang na walang malay ang dalawang lalaki.
Bakit ko nagawa yon?
Masama ba akong tao? Malakas ang tambol ng dibdib ko habang inaalala ang mga nangyari.
Umuwi ako na nanginginig sa takot at panghihina.
"A-anak? Naku, kanina pa ako nag-aalala sayo. Anong nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" Nag aalalang tanong ni nanay Henya.
Magulo pala ang nakalugay kong buhok at may dumi ang damit ko.
DUGO.
"N-nay..." sambit ko na hindi parin nawawala ang panginginig ko.
"B-bakit may dugo sa damit mo anak? Anong nangyari sa'yo?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Nanay. Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay. Nagtataka man ay tiningnan niya isa-isa ang mga kamay ko pati ang katawan ko kung may galos ba o kung ano ang nangyari sa dugo. Saan ito galing.
"Wala kang galos o sugat. Saan galing ang mga dugo sa damit mo?" Naguguluhang tanong ni nanay.
Sasabihin ko ba? Paano kung matakot siya sa akin? Paano kung paalisin niya ako sa bahay kapag nalaman niya ang nagawa ko sa mga lalaki?
"W-wala po ito nay. M-maliligo lang po ako." Sabi ko saka tumayo. Ugh! Hindi ko gustong magsinungaling pero kailangan.
Nagmadali ako sa pag akyat sa hindi gaanong kataasan ng hagdan papunta sa taas.
Pagkatapos kong maligo ay nakatulog agad ako sa sobrang pagod na nararamdaman sa buong katawan ko.
KINABUKASAN
"Anak, mag empake ka. Aalis tayo bukas ng umaga." Nagulat ako sa sinabi ni Nanay henya. Saan kami pupunta?
"Ho? Bakit po?" Tanong ko. Ngumiti siya na ikina hinga ko ng maluwag.
"Papasok tayo bilang katulong sa pinagtatrabahuan ng kapatid ko. Natanggal kasi ang dalawang katulong doon kaya't tayo ang papalit. Ayos lang ba sa'yo?"
Naalala ko ang nagawa ko kagabi. Kailangan kong umalis dito. Baka malaman nilang ako ang may gawa sa mga lalaking nasaktan ko.
Wala sa sariling tumango ako.
"Aay! Salamat. Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin ka. O sige, mag eempake na rin ako." Maligayang sabi ni nay Henya.
Napangiti ako sa kasiyahang nakikita ko kay nay henya. Kahit hindi ko pa maalala ang pinagmulan ko, masaya parin akong kasama si nanay.
Minsan hindi ko rin naman maiwasang hindi maging curious sa katauhan ko. Sino ba talaga ako? Bakit marunong akong dipensahan ang sarili ko laban sa mga taong gustong manakit sa akin? Sumasakit lang ang ulo ko kapag pinipilit ko ang sarili ko.
"Anak." Tawag ni nanay sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
Nakatingin lang ako sa ekspresyon niya.
"Ikaw ba?" Nag aalangang tanong niya.
Kinabahan ako sa tanong ni nanay Henya.
"P-po?"
"Sabi nila ikaw ang may gawa sa kanila noon. Bakit mo sila nasaktan? Alam kong mabuti kang tao. Hindi mo magagawa yon kung hindi sila ang nanguna. Likas na mga adik ang mga lalaking iyon sa kanto."
Bakas ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. Huhulihin ba ako ng mga pulis?
Kinagat-kagat ko ang hintuturo ko dahil sa kaba habang nakayuko. Nahihiya ako kay nanay Henya. Ano nalang ang iisipin niya? Na nakasampid siya ng isang masamang tao?
Na maling tao ang kinupkop niya? Malaki ang utang na loob ko kay nanay Henya sa lahat ng naitulong niya sa akin mula nang makita niya ako sa dalampasigan.
"N-nay, di ko po sinasadya. M-may gagawin po silang masama sa akin noong nakita nila ako sa madilim na parte noong pauwi na ako. Hindi ko po talaga sinasadya nay."nakayuko ako. Hindi ko kayang tignan si nanay Henya. Ginulpi ko ang kalalakihan. Paniguradong nasa ospital sila ngayon lahat at napabalita na ang ginawa ko.
"Alam ko, anak. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nagawa mo 'yon kasi ang dami nila at isa ka lang. Babae ka pa naman---may kinalaman ba yan sa pagkakaroon mo ng amnesia?" Tanong ni nanay.
Nakahinga na rin ako ng maluwag. Akala ko pagagalitan na ako ni nanay kaya't napangiti ako at nagkibit balikat sa tanong niya. Hindi ko na masyadong iniisip ang nakaraan ko kasi darating ang araw at maalala ko rin ang lahat. Ang importante ay ang kasalukuyan.
---
Hapon na rin kami nakarating sa terminal ng bus station sa manila. Halatang masaya si nanay ngayon kasi makikita na niya ang nag-iisang kapatid niya.
"Ate! Naku! Nakita rin kita sa tinagal-tagal ng panahon! Jusko, ang ganda at ang puti mo na!" Salubong ni nanay sa isang babaeng mas matanda sa kanya ng ilang taon.
"Oo nga. Ang tagal din nating hindi nagkita. Mabuti naman at pumayag ka ring mamasukan bilang katulong sa pinagtatrabahuan ko." Sagot ng kapatid ni nanay.
"O-oo. Eto nga pala ang Tinutukoy ko sa'yo, ate. Siya si Haylie." Pakilala ni nanay sa kapatid. Nanlaki naman ang mga mata ng babae sabay turo sa akin.
"Hindi mo naman sinabi sa akin , Henya na maganda pala itong kinupkop mo! Naku. Ang kinis pa. Galing ka pang probinsiya pero ang puti mo parin." Natutuwang sabi niya. Mabuti nalang at mabait din ang kapatid ni nanay.
"Naku salamat po--"
"Pwede mo akong tawaging tita Haireen. O diba? Parang pamangkin na talaga kita? Naku! Anong lahi ba ang naka buntis sa'yo Henya? At ang puti-puti ng pamangkin ko?" Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.
Napa 'aaw' naman ako pero natawa na rin sa naging reaksiyon ni nanay Henya. Napapailing nalang si nanay sa mga pinagsasabi ng kapatid niya.
---
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
ActionA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...