Chapter 15

6.1K 221 9
                                    

"Nay, ayos lang po ako. Ilang minuto lang naman po nang sumakit ang ulo ko pero po nawala naman po kaagad."

Sinabi ko kasi kay nanay Henya na sumakit ang ulo ko sa mall. Hindi ko lang sinabi na nagdate kami ng boss namin.

At ito nga, kanina pa nagtatanong si nanay kung may naalala na ako pero sabi ko wala naman. Ewan ko ba kung bakit ayaw kong sabihin ang naalala ko.

Baka kasi isipin ni nanay na masama akong tao. Akala ko sa tv ko lang makikita ang mga ganoong eksena pero hindi pala.

Ako ba talaga 'yong nasa alaala ko? Kung titignan kasi sa itsura ko ngayon, malabong may mag akala na ako nga 'yon.

"Ipa-check up na kaya kita?" Nag aalalang sabi ni nanay.

Ang OA naman. Natawa nalang ako.

"Si nanay talaga. Kaunting sakit lang naman yon nay, wag na kayong mag abala. Ayos na naman ako ngayon eh. Thank you nay sa lahat." Sabi ko.

Sorry na rin sa pagsisinulngaling ko minsan. Natatakot kasi akong sabihin ang mga nangyayari sa akin ngayon. Haaaay.

"Ano ka ba, Haylie anak. Anak kita diba? Kaya't may responsibilidad akong alagaan ka at mag-alala sa'yo."

Napangiti ako sa narinig. Napakalaking utang na loob ko kay nay Henya at hinding hindi mapapalitan iyon ng kahit na anong bagay.

***

"TALAGA??? KYAAAAHH! I can't imagine how he looked like when he's smiling! Alam mo naman yang pinsan ko, napakasungit. Nakakunot ang noo palagi at parang laging may dalaw. Hahaha" natatawa na rin akong naiiling.  Tuwang-tuwa kasi siya. At nang may maalala ako ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag.

Ini-scroll ko hanggang sa makita ang picture ni sir Kevin na nakangiti.

"Omg! Nakuhanan mo!"

Nakangiti ako ng mapait.

Nangako ako sa sarili ko na titigilan ko na siya pagkatapos ng date namin. At ayon nga...

"Kaso hindi ko nagawang halikan siya sa unang date namin." Sabi ko pa.

Nanghihinayang ba ako?

Naku! Kung makaasta ako parang sayang na sayang. Psh!

"Eeeh...sayang naman. Pero okay lang yon atleast Haylie, nagawa mo siyang mapangiti."

Dumating kasi si Trev.

Ayun pagkatapos ng tagpo namin ni Trev, makikipag kamustahan sana ako sa kanya pero hinila na ako ni sir Kevin palayo. Binigyan ko ng huling tingin si Trev at nakatingin siya sa uniform ko. May tatak kasing F.A sa kwelyo at sa school I.d namin.

Nakarating kami sa exit at isinakay niya ako sa taxi bago siya pumasok din.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang nag re-act ng ganun. Haaay. Sabi ni Frey, ganun talaga ang mga lalaki. Mahirap intindihin, kaya minsan dapat maging understanding.

"Class, we have a new transferee from H.E.U. Mr. Dominguez, come in." Sabi ng prof. Saka naman pumasok ang isang lalaking nakangiti sa akin.

Trevor Dominguez

"Hi! I'm Trevor Dominguez, call me Trev. I'm 21." Tapos ay kumindat pa siya na ikinatili ng mga babae sa klase namin.

Na miss ko rin ang pakindat-kindat niya noon. Ganoon kasi siya lagi. Siguro nag papa cute sa mga babae. Ganoon ang ginagawa niya.

Umupo siya malapit sa upuan ko at may sinabing nakapagpakaba sa akin.

"We'll talk later and you'll explain to me why I found your house empty." Sabi niya bago makinig sa guro namin.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon