BABALA: Medyo SPG okay?***
"N-no. Hindi ako pwedeng magkamali...you're Leianne Steinfield...
My bestfriend."
Automatikong nahinto ang paglalakad ko sa narinig.
"Teka lang ha? Here..." abot niya sa akin. Isang pirasong maliit na papel na minadali niyang kunin sa maliit niyang bag.
"Take this, if you want to know why I know you as Leianne, I can help you. I know it's you, bestfriend kita eh." Malumanay niyang sabi kasabay ng malungkot na ngiti niya.
***
"Haylie! Kanina pa kita hinahanap! Ugh! Kanina pa nagwawala si Kevin mo sa kakahanap sa'yo. At gods! He beat Vince and Vladimir when he saw them!" Naghe-hesteryang bungad ni Frey nang makarating ako sa room namin ni Frey na isang cottage.
"H-ha? Asan siya?" Tanong ko ngunit hindi na siya sumagot at hinila nalang ako papunta sa kung saan.
Nasa malapit na pool area pala sila at inaawat ni Carl at Chris.
"Kevin, tama na!" Tsaka lang siya dahan-dahang kumalma.
Napatingin lahat ng taong nakakakita sa mga komosyong nagaganap sa gilid ng pool.
"Haylie...damn! Where have you been?" Nag-aalalang tanong niya.
May putok ang labi niya, namumula ang pisngi niya at bukod don, wala na akong nakitang sugat niya sa katawan.
Pero naiinis ako sa kanya. Ngayon lang ulit ako nainis sa lalaking ito. Ano ba ang ipinaglalaban niya? Hindi lang ako makita ng ilang oras magwawala na siya.
At nanakit pa siya ng ibang tao dahil lang sa pansarili niyang galit?!
Masama ang ipinukol ko sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ngayon. Dahil ba ito sa dami ng iniisip ko magmula kaninang umaga pa noong may kumausap sa aking babae? Ang dami ng mga bagay na pilit kong inaalala pero sumasakit lang yong ulo ko sa pamimilit ko.
"A-are you mad? I-I'm sorry baby...I was just--" naputol ang sasabihin niya nang lagpasan ko siya.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng boyfriend ko. Sorry ah? Ako na ang bahalang kumausap sa kanya. Sorry talaga." Sabi ko gamit ang paawa kong boses. Napasinghap o tila nabigla si Vladimir sa nakita niyang reaksiyon ng mukha ko.
"W-wala yon. That was just fine. Maybe you should just tell him where are you going first before you go to a place para alam niya and he wouldn't act like that." Natatawang sabi niya tapos naiiling na umiwas ng tingin.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ganon siya makabakod sayo, you are worth it." Tapos kumindat pa siya bago umalis.
Tumalikod na rin ako nang maka alis na si Vladimir kasama si Vince.
"Baby please. I'm sorry." Rinig kong sabi ni Kevin sa gilid ko.
Hinawakan ko ang wrist niya pagkatapos ay hinila siya papunta sa cottage namin ni Frey.
Naupo siya sa couch habang ako ay kumuha ng medicine kit. Mabuti nalang at may free medicine kit sa loob ng cottage.
Inilagay ko sa tabi ang dala ko at kumuha ng kapirasong bulak. Nilagyan ko ng kaunting alcohol at inilapat iyon sa putok na labi niya.
"Aw! Sorry na please..." nadiin ko pala ng kaunti yung bulak sa labi niya kaya umaray siya.
Pinigilan ko yong ngiti ko. Ibang-iba na talaga si Kevin ngayon kumpara sa unang araw na nakilala ko siya o noong unang nagkita kami sa kitchen ng mansiyon nila.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
AcciónA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...