I feel empty today. I don't know why I am feeling this way. Kenneth is with Kevin, sinundo niya kanina. He didn't even asked me kung sasama ba ako? Kung mabobored ba ako na maiiwan ako dito sa condo. Tsk.
Buong maghapon ay naka tutok lang ako sa tv at di parin maiwasan ang pagkainis ko. Ni hindi ko nga maintindihan ang pinapanood ko sa layo ng iniisip ko.
I did not even received any text message from him today. Nag gabi nalang hindi niya pa iniuuwi ang anak ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko at hinablot ito sa mesa. Muntik pa ngang mahulog sa pagmamadali ko.
Kevin Calling...
"Hello?"
[Mommy! Huk. Mommy!]
At nawala na sa linya ang boses ng anak ko.
Umiiyak ang anak ko.
Nataranta ako at kinuha ang laptop ko. I need to locate my son now. Ilang minuto bago ko ma trace ang location.
Sa isang hotel limang kilometro ang layo mula dito. I am so worried right now! What if somebody knew me as an agent at ang mga mahal ko sa buhay ang gustong gantihan? Damn! Diko mapapatawad ang sarili ko!
"Saan ka pupunta anak? At bakit parang nababahala ka?" Tanong ni nanay Henya. Nakasunod na rin si Nana Linda sa likod niya at parang nagtataka rin.
"Nay, kailangan kong puntahan si Kenneth. He was crying when he called me using Kevin's phone." Sabi ko. Tumango si Nanay Henya at nagmadali na akong lumabas.
Hindi parin mawala ang kaba ko. I need to calm myself. Damn, Kevin! Pag may nangyaring masama sa anak ko, ikaw ang sisisihin ko!
Nakarating ako sa parking lot at ini-open ang laptop ko. 40th floor?
Pumasok ako sa hotel entrance. Shit! Naka pambahay lang pala ako. Ni hindi ko napansin na naka maikling shorts lang ako at naka sando. Naka tsinelas lang din ako.
Sumakay ako sa elevator na inip na inip sa layo ng 40'th floor. Every floor ba naman kasi hihinto, may lalabas at sasakay.
After 10 minutes ay napunta ako sa hindi mataong floor. Madilim yung ibang part. I double checked the sign. Nasa 40th floor naman ako.
I opened the door. This is a fckn rooftop!
Anong gagawin ng anak ko dito?
Bigla ulit akong kinabahan. What if somebody kidnapped my son?
Naglakad ako papasok. I ready myself and calm it.
Madilim dito hindi ko makita ang paligid kaya tumigil ako at pinakiramdaman ang lugar.
May natapakan akong malambot. So I stepped back at tiningnan iyon. Yumuko ako para pulutin iyon.
When I realized what it was. Umangat ang mukha ko at tiningnan ang paligid na biglang nagliwanag.
Damnit!
I didn't expect this...
Napakaraming petals ang dinadaanan ko. Kaya pala ang lambot at may nasasagi ako.
And the man standing at the corner is Kevin and my son surrounded by our both families.
They are all waiting for me.
I looked at Kevin, para siyang kinakabahan. Ginamit niya pa talaga ang anak ko para mapunta ako rito na alalang-alala?
Tsk. I shaked my head and stepped back. Kinabahan ako kanina na halos liparin ko ang kotse papunta dito. God! I was so worried.
BINABASA MO ANG
The Jerk & His MAID ( Completed )
ActionA girl who lost her memory after a dangerous mission. Being a maid of a jerk changed her life. She fell inlove with her boss after she was asked to make him fall for her. Everything came into her memory... Her real job, She Is A Secret AGENT. VOTE...