Chapter 18

6.1K 220 7
                                    

Isang linggo na ang nakalipas magmula nang maglasing si Kevin sa mansiyon at sa buong isang linggo niyon ay isang malaking pagbabago.

Pagbabago sa trato at sa Kevin na nakilala ko noon.

Pinatunayan nga niyang kaya niyang bawasan ang kasungitan niya sa akin.

Sa akin lang pala nag bago ang trato niya kasi sa iba ay ganon parin naman siya umakto.

Nasa office niya ako ngayon at kasama ngayon ang tatlo niyang mga kaibigan.

"Haylie, ano sa tingin mo?"

Kanina pa itong si Daren sa kaka suggest sa bakasyon na sinasabi niya ngayong palapit na sembreak. Akala niya siguro ay magiging maganda ang takbo ng sembreak eh, marami namang projects na ibibigay ang mga professors sa amin.

"Kahit saan. Hindi naman ako pamilyar sa mga lugar dito sa maynila." Bahagya akong napakamot sa batok. Ako ba naman kasi ang tanungin?

"Cute." Bulong ng isa dito sa tabi ko. Namula tuloy ako bigla.

"May sakit kaba princess? Ba't namumula ka?" Tanong ni Chris na nasa harapan namin.

Natawa naman si Frey na nakaupo sa isang single couch.

"Tch. Stupid, Chris." Naiiling na sabi ni Kevin sa tabi. Ewan ko kung bakit laging nakadikit siya palagi sa akin, hindi naman ako mawawala.

"Tangeks! In love yan! Sakit? Pfft." Natatawa paring sabi ni Frey.

"Okay, back to the topic guys, look at this!" Turo ni Daren parin sa laptop niya.

Kanina pa sila sa kakahanap ng magandang resort daw. Lumapit naman si Carl kay Daren at sila na ang tumingin sa tourist destination na sinasabi niyang maganda raw.

"Don't mind them baby..." kung kanina ay nakalagay lang ang kanang kamay ni kevin sa likod ko, ngayon naka yakap na siya.

Ganito pala ma in love ang isang halimaw. Napaka clingy pero kung ganoon nalang din mas gusto ko nalang ang ganito siya. Sana hindi na magbago ang ganoong side niya. Nasasanay na ako sa kanya na ganito siya sa akin. Malambing, maalaga, maalalahanin, tapos parang nakadepende na siya sa akin.

Pagkagaling sa opisina niya, lagi niya akong dinadalhan ng chocolates, flowers, o di kaya'y mga prutas. Tataba yata ako sa kakabigay niya ng mga pagkain.

Hindi na nga rin masyadong nakakalapit si Trev sa akin dahil sa pagiging possesive ni Kevin.

Lunch time ay nauna na akong lumabas para bumili ng makakain. Busy ngayon si Kevin dahil nalalapit na ang sembreak. Sa office na niya kami kumakain lagi tuwing lunch time.

Naglalakad na ako nang may biglang humila sa akin sa kung saan pagkaliko ko sa isang hindi mataong lugar dito sa F.A.

Nahihilo na rin ako dahil sa naamoy ko sa panyo na yon.

Nagising ako na manhid ang mga kamay at mga paa ko. Binuhusan ako ng napakalamig na tubig kaya pala nanginginig ako nang mamulat ang mga mata ko.

Bakit nakatali ako sa upuan? Pati pa nga ang mga paa ko ay nakatali rin.

Namamanhid na ang katawan ko. Ilang oras ba akong nakatulog? Bakit nandito ako?

"Poor bitch. How do you feel? Enjoying the princess role in a fairytale huh? Hahaha." Isang nakaka inis na tawa ang narinig ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Binalaan na kita Haylie. Ngayon, ano ang napala mo?" Magkasunod na suntok sa magkabilang pisngi ang naramdaman ko.

Inilabas niya pa ang isang sinturon at pinaghahampas ako.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon