Chapter 21

6K 218 15
                                    

Mahigit sampung minuto na ako sa loob ng public restroom at hindi pa ako lumalabas. Ano ba naman itong pinasuot ni Frey sa akin? Masyadong maikling denim shorts at sa loob ay ang bikini *gulp* at yong top ay ang pares ng bikini ko. Yong may tali sa leeg na bra at kulay black.

Normal lang naman ito dito kasi beach naman to. Karamihan nga mas malala pa sa suot ko. Ang hindi ko lang makaya ay ang pag susuot ng ganito sa maraming tao. Hindi ba nakakahiya?

"Haylie, lumabas ka na diyan! Mag bo-boy hunting pa tayo!" At hindi na nga siya nakatiis, kusa na siyang pumasok at hinila na ako palabas.

"Frey baka makita tayo ni Kevin!" Nag-aalalang sabi ko. Idea naman talaga ito ni Frey. Kinakabahan tuloy ako sa mga kalokohan niya.

"Don't worry ako ang bahala dun. Sasamahan mo lang naman ako eh! Hindi naman ibig sabihin non ay maghahanap ka din ng lalaki no!" Nagkibit balikat nalang ako pagkatapos ay sabay kaming lumabas ng c.r.

"Sabi ko na nga ba't marami tayong mabibingwit ngayon eh! Ang daming nakatingin satin! Chin-up Haylie and smile dali! Isipin mong nakikita mo sa malayo si Kevin mo!" Natatawang saad niya napailing nalang ako sa kakulitan ni Frey ngayon. May sapi yata to ngayon, napangiti tuloy ako sa mga kalokohan niya.

Biglang may lumapit sa amin na dalawang lalaki.

Nagpalipat-lipat ang mga mata ko. Kinakabahan tuloy ako baka makita kami nina Kevin.

"Hi pretty ladies! Mind if you swim with us?" Aya ng lalaki sa amin.

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh!

"Ah actually, kakaligo lang namin. Maybe next time...may pupuntahan kami. Bye!" Nag papa-cute na saad ni Frey sa dalawa. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Wait!" Habol ng isang lalaki pagkatapos ay sumunod pa ang kasama niya.

Mga gwapo naman ang dalawa. Ewan ko lang sa babaeng to kung bakit ayaw niya sa dalawa.

"By the way, I'm Vince."

"And I am Vladimir. " sabi pa nung isa. Nakipagkamay sa akin si Vladimir.  At kay Frey yung Vince.

Hindi naman yata masamang makipag kaibigan kaya tinanggap ko yon.

"Haylie." Naiilang kong sabi na bahagyang nakangiti.

"Hi. I'm Frey. Una na kami huh? We need to hurry up kasi hinahanap na kami ng mga asawa namin. Bye!"

Pffft.

"Hahahaha." Grabe! Natawa na talaga ako sa naging itsura ng dalawang lalaki sa huling sinabi ni Frey.

Mabilis ang lakad namin hanggang sa nakita na namin kung saan naroroon ang mga kasama namin.

Inayos ayos pa ni Frey ang buhok ko.

"Rampa!" Sabi niya at rumampa nga! Naka chin up pa kaya't mas lalo pa akong natawa. Ano bang klaseng espiritu ang sumapi sa kaibigan ko?

Ibang-iba siya ngayon eh!

"Ano ba Frey? Ang hyper mo yata ngayon. Anong meron sayo?" Naiiling na sabi ko.

"Ganon talaga ako kapag broken hearted." Sabi pa niya na ikinagulat ko.

"Ano?"

***

"Damnit! I think I'm having a rival here." Kanina pa si Kevin sa kakamura sa kawalan.

"Huh? Sino? At anong rival? Saan?" Sunud-sunod na tanong ko. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya.

"Stop wearing attractive suits baby. I think that bastard already likes you." Sabi niya parin.

"Sino nga?" Pag-uulit ko. Umingos siya at mas lalo pang dumikit sakin.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon