Chapter 27

6K 365 10
                                    

"N-nay..." mahinang bulong ko.

Nagtakip siya ng bibig sa gulat.

"H-haylie! Oh diyos ko, si Haylie nga!" Nanakbo si Nanay Henya palapit sa akin.

"Nay, sa ibang lugar po tayo mag-usap. Sumunod po kayo sa akin." Sabi ko.

Nakatanaw lang ako sa hardin ng mansiyon kung saan hinahanap ng mga mata ko si Nanay Henya. Gusto kong tuparin ang mga pangakong binitawan ko noong tinanggap niya ako. Na hindi ko siya pababayaan kapag nakaalala na ako.

Sa likod ako ng mansiyon dumaan kung saan nakaparada sa labas ang kotse ko.

It was a coincidence that she was there. Si Nanay Henya na nagdidilig ng mga halaman.

Naglakad ako palabas na ramdam ko namang nakasunod si nanay sa akin.

"Pumasok po kayo." Magalang na utos ko. Samantalang hindi siya makapaniwala sa mga nasasaksihan.

"S-sayo 'tong kotse?" Gulat na tanong niya. Ipinagbukas ko siya ng pinto 'tsaka tumango.

Umikot ako para sumakay sa driver's seat.

Niyakap ko ulit si nanay na hindi makapaniwalang nakikita ako ngayon.

"Anak...ikaw ba talaga yan? Naka-alala ka na ba? Kaya't hindi ka na bumalik sa mansiyon?  Nalaman ko ang mga nangyari sa inyo ni sir Kevin...na naghiwalay kayo."

"Nay, nakakaalala na po ako. Pero ang mga nangyari sa amin ni Kevin ang dahilan kung bakit ako lumayo." Sinimulan kong paandarin ang kotse ko.

"Haylie, anak...si sir Kevin--" pinutol ko na ang sasabihin ni nanay bago pa ulit siya maka banggit ng anumang bagay na ayaw ko nang marinig.

"Nay, wag na ho natin siyang pag usapan. Ayoko nang marinig ang mga bagay patungkol sa kanya." Inihinto ko ang kotse sa labas ng condo.

Lumabas ako ng kotse at binuksan ang pinto ni nanay.

Hinawakan ko siya na naglakad papasok sa building. Pinindot ko ang 8th floor. Habang umuusad ang elevator ay hindi na nakatiis sa pagtatanong si nanay.

"Saan tayo pupunta, Haylie?"

"Nay...simula nang makaalala ako ay nag iba na rin ang pangalan ko. Leianne Steinfield o Lee ang totoong pangalan ko po. Tawagin niyo nalamang po akong Leianne (Leyyan)." Sabi ko. Tumango si nanay na nakangiti.

"Ang ganda-ganda pala ng pangalan mo anak. Kaya pala't kasing ganda mo rin." Hinaplos niya ang nakalugay kong buhok.

"At mas lalo ka pang gumanda." Napangiti ako sa sinabi ni nanay.

Na enter ko ang pass code saka dahan-dahang bumukas ang pinto.

"Mommy!" Bungad ni Kenneth sa akin nang makita ako.

Nang lumingon na ako kay nanay ay tahimik siyang umiiyak.

"Nay," tawag ko.

"Si -si sir Kevin...ang --" hindi maapuhap ni nanay ang kanyang sasabihin nang makita ang anak ko. He looked like his father so I don't doubt why nanay Henya reacts like that.

"Yes po. Si Kevin nga po...pero yan po ang ipapakiusap ko sa inyo nanay. Sana huwag niyo po munang ipaalam ito kay Kevin. Hindi pa po ako handa." Nakayuko kong sabi. I want to explain to her everything happened three years ago kaya ginawa ko. Hanggang sa kasalukuyan ay sinabi ko lahat, kung ano ang trabaho ko at kung ano ang misyon ko kay Kevin.

"Naiintindihan kita anak, pero sana huwag mo namang ipagkait ang kaligayahan ng mag ama. Hindi mo panghabangbuhay na maitatago ang sekreto mo sa anak mo at kay Kevin." Mahinahong payo ni nanay. Tumango ako at tumingin sa anak ko na pilit iniintindi ang sinasabi ni nanay.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon