Chapter 7

6.1K 222 7
                                    

LUNCH TIME

Huli akong lumabas sa room at ako nalang ang natira sa classroom namin. Inayos ko ang mga gamit ko saka ako lumabas. Inihanda ko ang wallet ko sa bulsa para maglunch sa Canteen.

"Bago ka palang pero nagpapapansin ka na sa may-ari ng paaralang ito. Gosh! Akala ko ba scholar ka lang ni Kevin? Eh, poorita ka pala eh!" Singhal ng babae sa akin.

"A-ako? Nagpapapansin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Kalalabas ko lang ng room ay bumungad na kaagad sa akin ang babaeng habol ng habol kay sir Kevin kanina.

"Ay hindi, ako. Sarili ko ang Tinutukoy ko. Tsk. Slow." Sarkastikong sagot niya. Nailing ako sa inasta niya. Siya nga ang laging nagpapapansin eh.

"Ganoon ba? O sige, aalis na ako." Sabi ko tapos iniwan siya sa labas ng room. Ayoko kasi ng away o kung ano mang argumento.

Dumeretso ako sa Canteen pero puno na kaya't naghanap pa ako ng ibang canteen. Hanggang sa nakahanap ako ng hindi gaanong puno. Lahat kasi ng canteen dito ay salamin ang wall kaya kita ang loob.

Nagpalinga-linga ako. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

"Haylie! Dito!" Sigaw ng isang lalaki. Lahat ng tao sa loob ay sabay-sabay na nagsilingunan sa gawi ko.

Napatingin ako sa lalaking tumawag ng pangalan ko at nakahinga ng maluwag nang makita kong sina Carl, Daren, Chris...at Sir Kevin?

Pero magkakaibigan sila e bakit pa ako magtataka? Natural ay magkakasama sila sa pagkain o kahit saan nila gustong pumunta.

Nagsimula ang usap-usapan sa loob ng Canteen. Mahina at hindi ko naririnig pero halatang ako ang topic o sabihin na nating ang apat na litaw ang mga itsura sa lahat.

Tumango ako sa kanila at lumapit sa counter kung saan naroroon ang iba't-ibang klase ng pagkain.

Tatlong klase ng pagkain ang pinili ko tsaka binayaran.

Dala-dala ko ang tray nang pagkain. Palinga-linga ako para maghanap ng mauupuan o bakanteng mesa pero pakiramdam ko ay dumami na rin ang tao dito.

"Haylie, dito ka na kumain." Aya ni Chris sa tabi ng tatlo. Mayroon pa kasing dalawang bakanteng upuan sa mesa nila kaya't lumapit na ako. Inilapag ko ang tray ng mga pagkain ko at inumin.

"Sigurado ka bang mauubos mo 'yan lahat?" Nagtatakang tanong ni Chris. Napangiti lang sina Carl at Daren sa akin. Ngumiti ako bilang sagot saka ipinagpatuloy ang pagkain.

Napansin kong hindi nagagawi ang tingin ni sir Kevin sa akin. Nandidiri parin ba siya sa akin? Paano ko masisimulan ang pagpapaibig sa amo ko? Tsk. Paano ko magagawa ang plano ko?

Hindi ko agad napansin na nakatitig na pala ako kay sir Kevin kaya't nang mapansin niyang nakatitig ako ay agad akong napasinghap.

Nakita kong...nakita kong umangat ang gilid ng labi ni SIR KEVIN!

Nailang tuloy ako at palihim na napalunok. Ipinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa naubos ko na pala ang pagkain ko. Sa dami ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang unti-unting pagkaubos ng pagkain ko.

Sa panghuling lunok ko ng pagkain ay saka ako umubo. Pakiramdam ko may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nakatingin pala silang apat kanina pa habang kumakain ako. Jusko! Ngayon ko lang napansin.

Inabot ni Chris ang isang basong tubig. Naubos na pala ang binili kong Iced tea. Marahan niyang hinimas ang likod ko.

"Gosh! Grabe yang babaeng iyan. Hindi na nahiya sa harapan pa ng Badboys Gang! Grrr! Kadiri. Halatang mahirap lang."

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon