Chapter 1

14.1K 428 7
                                    

The Jerk & His MAID

Dedicated to DevilQueen_1314
Dahil ikaw ang unang nagvote sa new story ko. Thank you.@DevilQueen_1314

---

Isang buwan. Isang buwan na ako rito sa isla San Roque. Ni hindi ko alam kung sino at saan ako nakatira noon. Hindi ko alam kung ano ang tunay kong pangalan. Hindi ko alam kung ilang taon na ako. Hindi ko maalala. Wala akong maalala sa nakaraan ko.

Si nanay Henya lang ang kumupkop sa akin. Nakita niya raw ako sa baybayin ng dagat na walang malay. Marami raw akong sugat sa katawan nang matagpuan niya ako. Pero hindi ko alam kung saan ko iyon nakuha o ano ba talaga ang nangyari sa akin.

Wala akong maalala. Araw-gabi akong nag-iisip kung saan ako nanggaling? Ano ang pangalan ko? Ilang taon na ako? Kailan ang birthday ko? Nag-aaral ba ako? Blanko ang isipan ko. Wala akong makuhang ideya kung saan ako nanggaling. LAHAT.

"Huwag mo munang pilitin anak, sasakit na naman iyang ulo mo. Mabuti pa't mag almusal ka na. Naghanda ako ng makakain natin ngayon. Nanguha kasi kami ng ate Lordes mo ng mga seashells kanina. Iyon muna ang ulam natin ngayon. Ayos lang ba?" Marahang tanong ni Nanay Henya. Tumango ako at ngumiti. Kahit hindi niya ako kilala ay inaalagaan niya ako, pinapakain, at itinuturing na anak.

Walang pamilya si Nanay Henya sa edad na 52. Matandang dalaga raw siya at namumuhay mag-isa. May kapatid siya pero nasa maynila raw at nagtatrabaho.

Kumain kami na maraming kwentong baon si Nanay Henya galing sa Palengke. Nag titinda kasi siya ng isda at gulay sa Palengke. Minsan ay sumasama ako sa tindahan niya roon.

Kaya ko namang magbilang at magsukli. Ang galing ko nga eh. Tapos mabilis akong magbasa at nakakapagsulat rin naman ako. Laging pinupuri ni Nanay Henya ang kutis ng balat ko kesyo daw ay ang puti-puti ko raw. Tapos, makinis ang balat ko. Minsan tinatanong niya ako kung anong sekreto ko sa pampaputi e malay ko ba? Hindi ko nga alam ang pangalan ko, ang sabon ko pa kaya? Pero natatawa nalang ako sa mga hirit niya tulad ngayon.

"Alam mo Haylie, anak. Kapag naalala mo na ang sabon na ginagamit mo noon, sabihin mo kaagad sa akin ha? Para naman masubukan ko kung magiging ganito rin ako kakinis at kaputi." Sabay haplos sa balat ko.

"Naku! Walang problema Nay, sasabihin ko ka agad sa inyo." Sinasakyan ko lagi ang mga biro niya. Masaya kasi ako kapag nakikita kong nakangiti lagi si Nanay. Nagiging kumpleto ang araw ko. Dahil na rin siguro sa sitwasyon namin ngayon. Wala siyang anak. Ako naman ay walang maalala tungkol sa mga magulang ko.

Pareho kaming naghahanap ng pagmamahal galing sa totoong pamilya. Natutuwa rin ako minsan sa itinatawag niyang pangalan sa akin. Haylie. Para daw malapit sa pangalan niyang Henya.

May nagtatanong kung ilang taon na ako. Ang sagot ko ay 18. Pero hula lang yon kasi hindi ko naman talaga alam kung ilang taon na ako. Tsk. Mahirap ang ganito. Ni hindi ko maalala kung ano ang buong pagkatao ko.

"Haylie... ayan ka na naman at natutulala. Huwag mo munang pilitin ang sarili mong mag-isip baka makasama yan sa'yo. Baka sumakit na naman ang ulo mo." Nag-aalalang dinaluhan ako ng yakap ni Nanay Henya.

"Maraming salamat po Nay Henya sa pag-aalaga sa akin. Napakalaki na talaga ng utang na loob ko sa inyo. Pangako po, Kapag naalala ko na lahat, hindi ko po kayo pababayaan." Madamdaming saad ko kay nanay na ikinaluha niya.

"Alam mo, yan ang nakapagpapasaya sa akin,anak kasi lagi mong sinasabing hindi mo ako pababayaan sa huli. Para na tuloy kitang tunay na anak. Maraming salamat, Haylie o kung ano man ang tunay mong pangalan basta anak na talaga ang turing ko sa'yo." Nakangiti habang naiiyak na siya. Ginawaran ko rin siya ng ngiti. Isang ngiti na nakakapagparamdam sa akin ng matinding kasiyahan.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon