Chapter 20

6K 186 0
                                    

Monday.

Examination's day ngayon at dahil nga sa date namin noong nakaraang araw ay hindi na muna ako nagpakita kay Kevin dahil gusto kong mag review para sa exam.

Sinabi pa ni nanay Henya na hinahanap na daw ako ni sir Kevin. Halos magwala na nga yon kahapon nang hindi niya ako mahanap.

Ang ginawa ko, sa garden ako ng mansiyon nag review at gumawa ako ng isang love letter,

____________________________________

Kevin,

Nalaman ko ang ginawa mo sa kitchen. Binasag mo lang naman ang mga kasangkapan sa kusina.

Sana wag mo muna akong hanapin ngayon. Gusto kong mag review ka din katulad ng ginagawa ko ngayon.

We'll just talk after the final exams okay? Hindi porket ikaw ang owner ay hindi kana mag re-review, tsk.

Wag kang mag-alala, MAHAL KITA. ♥♥♥

                             Nagmamahal,
                                 Haylie♡

_________________________________

Napangiti ako sa sinulat ko non. Sa likod pa talaga ako ng mansiyon kung saan naroroon ang short cut exit  dumaan kanina para lang hindi magtagpo ang mga landas namin.

Pero hindi naman maiiwasang hindi kami magkita ngayon dito sa school eh mag classmates nga kami.

"Hahaha. Alam mo bang tinawagan ako ng pinsan kong si Kevin kahapon kung nasaan ka raw? Tsk nilayasan mo ba yon? O may LQ kayo? Parang baliw kahapon eh!" Tatawa-tawang puna ni Frey. Kararating lang namin sa school ngayon.

"LQ? Di ah! Gusto ko lang kasing mag review din siya katulad ko. Sa tingin ko kasi hindi ako makakapag concentrate kapag nakadikit siya palagi." Sabi ko. At saka hindi naman yata big deal iyon kay Kevin. Gusto ko lang namang pumasa kami pareho.

"God, Haylie! Hindi mo ba alam na kahit hindi mag-aral yon, masasagot ng pinsan ko ang exam ng maayos? He's a genius Haylie! Isa pa, baka tuloy hindi yan ngayon makasagot sa exam dahil iniiwasan mo siya!" Pinitik pa niya ang noo ko na ikina simangot ko.

"Baka nga hindi yon nakatulog kagabi sa kakaisip sayo. Kita mo na? Magsisimula na ang exam hindi pa dumadating. Teka nasaan ang cellphone mo?" Naalarma ako sa tanong ni Frey!

Jusko po! Nai-off ko pala yon nung isang araw pa!

"Nandito sa bag. Naka off pa to simula noong isang gabi.

"Shocks! I-open mo dali!"

Kinuha ko ang cellphone ko at ini-on.

Tumambad sa akin ang sunod-sunod na messages galing lahat kay Kevin.

150 messages?!

From: KEVIN

Baby, I miss you...

Do we have a problem?

Haylie please, you're making me insane here!

I've been looking for you around the mansion. Where are you?  We can study together.

Damn! Haylie, I'm so worried here. Where the hell are you?

Are you avoiding me? Please call me.

Are you mad?

Can't sleep baby...where are you?

Still can't sleep thinking of you.

The Jerk & His MAID ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon